쉰여섯: Fifty six
cali's point of view
i sighed for the nth time. i looked at at my reflection in the mirror. "ay anong meron? bakit nakadress?" nagulat naman ako ng biglang sumulpot sa harap ko sila sica.
"may something? date?" tanong naman ni steph. umiling naman ako. date? eh sasamahan ko si byun sa may hospital. "oh anong mukha yan?"
"mukhang hindi date." sabi naman ni isha. "anong trip niyong dalawa ni civ? harutan all the way? nanligaw na ba sayo?"
"hindi namabkami nagdadate." mabilis kong sagot. "ligaw? uy joke ba yan?" natatawang sabi ko sa kanila.
binatukan naman ako ni thalia. "wow ha, eh sira ulo pala ang manok namin eh. ang bagal." she mumbled. anong ibig sabihin niya doon? "oh eh saan ang punta?" tanong niya sa akin.
nagkibit-balikat naman ako. "sa hospital." simpleng sagot ko. alam ko naman na natigilan silang lahat. nahulog pa nga sa sahig si sica. "what?"
"sinuko mo ang bataan?"
"sinuko mo ang pilipinas?"
"ninang na ba ako?"
i rolled my eyes at their response. isa-isa ko din silang binato ng unan. ang mga utak talaga nila. "hindi uy! nagpapasama lang yung tao doon." paliwanag ko naman.
"wala pang the fall of bataan?" tanong namab ni isha. sinamaan ko siya ng tingin. "lol, joke lang naman cali. love you." tingnan mo itong si isha, may sapak sa ulo.
tumayo naman si steph at pumunta sa may closet ko. binuksan niya ito at sinipat ang mga damit ko. "aish, ano pa nga bang aasahan ko sayo?" iling na sabi niya sa akin. "just wait here."
ilang sandali pa ay bumalik na siya pero may kasama na siya. may kasama na siyang damit. "i like the idea by the way." sabi naman ni thalia habang tinutulungan si steph.
anong idea?
"tara tulungan ka namin." sabi naman ni isha. sa pagkakaalam ko ay hindi naman ako humihingi ng tulong mula sa kanila. "tumayo ka na dyan."
naguguluhan man ay tumayo ako gaya ng sabi nila. sica handed me another dress. "sukat mo mas bagay sayo yan." she said with a smile. napatingin naman ako sa may damit na binigay niya.
"ha? eh sa hospital lang naman kami pupunta." sagot ko naman. bakit kailangan maganda ang suot ko papunta doon? "hindi naman ako rarampa doon."
they chuckled. "just do it. trust us, may magandang mangyayari." when steph said that ay parang may something. ay bahala na nga. minsan lang naman ako magsusuot ng ganito.
kinuha ko yung dress ar sinukat na. dahan-dahan akong lumabas mula sa may comfort room. napatingin naman sila sa akin. "whoa, what a cutie." agad akong nilapitan ni thalia. she handed me a pair of flat shoes. "para maabot ka ni civ."
"maabot?" takang tanong ko.
lumapit din si sica at pinaupo ako sa upuan na may salamin sa harap. "baka sakaling mag kiss eh mahihirapan siyang abutin ka." she whispered. mabuti nalang at hawak niya ako dahil baka kanina pa ako nahulog sa may upuan ko.
"a-anong kalokohan yun?" natatawang tanong ko. "ibang klase ang imagination niyo!"
pintik naman nila ang noo ko. grabe, nakakarami na sila. "iniimagine mo naman calista, ikaw ah." pang-aasar ni steph. agad akong umiling. "it's okay to fall in love again."
"syempre naman baby calista, kahit nakakagurang mang sabihin na naunahan mo pa ang mga eonni mo." thalia said. hawak din nila ang buhok ko. mukhang balak nila akong gawing experiment nila.
napaubo naman ako dahil hindi agad nagsink in yung sinabi nila. "what? saan ko naman kayo uunahan eonni?" natatawang tanong ko. "ah alam ko na! sa height?"
they glared at me. samantalang tuwang-tuwa naman si isha dahil hindi siya team liit. team tusta nga lang siya napunta.
tapos ako? team likod. dalawa likod ko eh.
"buti pa ang chicken may breast." bulong naman ni sica. ay bongga! personalan ang labanan. kasasabi ko lang sa sarili ko na dalawa ang likod ko tapos harapan pang ipapamukha sa akin. whatta friends! "right cali?"
napairap naman ako. "right sica eonni. kita mo nga naman..buti di ka hinuhuli sa mall? may deadly weapon ka na agad na dala?" i said with a grin. nagtawanan naman sila dahil sa sinabi ko. "don't yuko yuko. you die." pananakot ko pa.
after ng inisan session namin ay napunta kami sa may living room. kelan kaya magagawa yung kwarto namin sa kabilang building? "whoa, kay gandang dilag naman ang aking nasilayan." chase said. "enjoy calista."
i frowned. "enjoy? saan naman?" bakit may libreng kainan ba sa hospital? eat all you can na resto? yun kasi ang enjoy para sa akin.
"ibang klase, bahala na nga si hyung." sabi naman ni cai. "ah eh wala yun noona."
"let's go?" hinanap ko naman kung saan nanggaling ang boses na iyon. i looked at him from head to toes. "i know that i'm that good looking."
angas men. sana ikalaki niya rin yon. "aish. ibang klase. tara na nga." natatawang sabi ko. "bakit ganyan ang tingin niyo?" tanong ko sa mga kasama namin. parang mga baliw na ngitian ng ngitian.
"take care calista." lance said with a salute. boss talaga ako nung isa na iyon. i saluted back pero kaagad akong hinila ni civ palabas ng building. bastos!
"oy ano ba? nagpapaalam pa ako." bulong ko sa kanya. nang makarating kami sa var park ay binuksan niya yung pintuan para makasakay ako.
tahimik lang siyang nagdrive kaya mabilis kaming nakarating sa hospital. inilahad nita yung palad niya sa akin. i grinned. nakipag apir naman ako sa kanya. "tsk. slow. yung kamay mo, akin na." paliwanag niya.
winagayway ko yung kamay ko. "nakakabit po. bak--oy!" bigla ba naman na hinawakan yung kamay ko. nagtuloy-tuloy kami papasok. huminto lamang kami sa isang room. he knocked. "kasama pa ba ako?"
he nodded. isang magandang babae ang bumungad sa amin. she looks beautiful in her early thirties? ang bata niyang tingnan. "civ byun! you visited me." bungad niya sa amin. "i presume that this is calista?" kilala niya ako? wae?
"kilala niyo po ako?" hindi ko maiwasang itanong. yinakap naman niya ako. bakit napapalibutan ako ng magandang lahi?
she held my hand. "syempre. ikaw ang future daughter-in-law ko." nasamid naman ako kahit wala akong iniinom na kahit ano. "i'm civ's mom hija. nice to meet you finally."
nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. nagpalipat-lipat pa nga at tingin ko sa kanilang dalawa. "she's my mom." pakilala naman ni civ na mukhang nahihiya na ewan. kelan pa siya naging shy type?
pinaupo niya si civ sa isang upuan at ganoon din ako. itinapat niya yung stethoscope sa dibdib ni civ. "your heartbeat is fast because you're looking at calista."
napa what nalang ako sa sinabi niya. "he's okay. wala siyang sakit. he's just in love." pamaya-mayang sabi ni dr. byun sa amin.
nga-nga naman ako sa sinabi ng mom ni civ.
kaya palang mainlove nitong loko na to? "siya po?" napasigaw pa nga ako sa gulat eh. "inlove?" manghang sabi ko pero natigilan din ako. hindi ko alam ang irereact ko.
matutuwa ba ako na inlove siya? inlove siya sa iba...pero bakit gusto kong malungkot?
civ looked at me. inabot naman niya yung kamay ko. "yeah calista im. i freaking love you." he said.
huwat????
---
A/N: Hellooo guys hehehe. So malapit na siyang matapos. I know na medyo bitin yung epistolary na to pero hayaan na natin sila civ at cali hehe.
Do check out Serendipity. It's the second batch of yoongindestructible. Epistolary din siya. Jungkook x Yoona :)
Welcome back to school sa mga may pasok na.. for me? bakasyon ko pa hehe. so baka tuloy ang updates ng ibang stories ko hehehehe
Laters XX
YOU ARE READING
Our Souls Intertwine | Byun Baekhyun
Short Storyyoongindestructible series #1: completed yoona x baekhyun « in which an introvert girl gets to sleep with the wrong room. oh boy, that room is an all boys dormitory. » Language: Filipino and English ©2017
