Avianna's P.O.V
Isang linggo na ang nakakalipas at bukas na ang unang araw ng Tournament. Nakakulong kami sa isang silid na magkakasama, hindi naman sa nakakulong basta hindi na kami pwedeng lumabas. Sa isang linggong 'yun, nag training lang kami ng magkakahiwalay at aaminin kong mas gumaling ako sa hangin. Nagawa ko ng kontrolin ang hangin sa katawan ng mga buhay na bagay pati na ang hininga ng tao. Kaya ko ng pumatay gamit ang hangin.
"Avi, excited ka na ba?"...tanong sa akin ni Caspian
"Medyo"
"Siguradong unang stage pa lang talo ka na"....inirapan ko lang si Alyana kaya napangisi si Caspian at Frost.
"Frost"...tawag ko sa kaniya dahil medyo malayo siya sa akin ngayon.
"Why?"
"Halika dito, may itatanong kami"...dahan dahan siyang umupo sa harap namin ni Caspian.
"Ano 'yon?"
"Dito ka lang sa tabi ko."...nakapout kong sabi sa kaniya, simula nung hinalikan ko siya naging mas sweet ako sa kaniya tapos siya naman ang nagiging malayo.
"Mas komportable ako doon."
"Dude, baliw ka na?"
"Manahimik ka diyan, 'yun lang ba yung sasabihin mo?"...inirapan ko lang siya
"Fine, wag na wag mo na akong kausapin letche ka."
"Avianna.."...pinaalis niya si Caspian s tabi ko at siya ang pumalit.
"Sorry"....naramdaman ko na ulit ang pagpalupot ng kamay niya sa bewang ko
"Ano ba talagang problema mo?"...tanong ko sa kaniya
"Stress lang ako Love"....sabay subsob niya sa balikat ko.
"Kaya pati ako nadadamay. Lumalayo ka ba?"....seryoso kong sabi sa kaniya
"Of course not, bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Ewan baka may mahal ka ng iba."...alam kong oa na ako pero hindi niyo ako masisisi.
"Love...."...biglang pumasok si Punong Maestro
"Kailangan niyo ng matulog dahil maagang maaga ang unang pagsubok."...tumango kaming lahat at nagsitayo na.
"Love, wag ka ng magalit"
"Kita na lang tayo bukas."....sinara ko na ng pintuan ng kwarto ko dito.
––––––
Nagising ako na may mga tumutusok na kung ano sa likod ko.
"Nasaan ako?"....napatayo ako sa pagkakahiga at nilibot ang paningin ko. Parang pamilyar ang lugar na ito sa akin. Isang napakalawak na gubat. Nasaan sila? Tanong ko sa sarili ko. Napatingin ako sa damuhan dahil may isang scroll ang naapakan ko.
Magandang Umaga Avianna,
Masarap ba ang tulog mo? Alam kong nagtataka ka dahil bakit nandyaan ka sa isang napakalawak na gubat ganitong umpisa na dapat ng Tournament. Napag-isipan naming ibahin ang lahat ng patakaran kasama na dito ang patakarang walang mamamatay. May sasabihin akong sekreto sayo, ayoko naman talagang bumaba sa pwesto ko. Ako, papalitan? Hinding hinding mangyayari. This is not about the honor anymore. This tournament is a lie. Kasinungalingan lang ang lahat, simula noong pumasok ka sa paaralang ito, doon na nagsimula. Mage Academy ang inaakala mong napakaganda at tahimik na paaralan para sayo. Nagkamali ka, Avianna nagtiwala ka masyado lalong lalo na sa batang inaakala mong inosente sabagay sino nga bang hindi magtitiwala sa bunso kong anak? Pero bakit namin 'to ginagawa? Dahil gusto namin ng kapangyarihan mo lalong lalo na si Frost kaso kagaya ng nanay niya si Frost eh, mahina at marupok. Na-in love sa isang tulad mo? Tama na nga ang satsat, ang bawat isa sa inyo ay may sulat pero naiiba ang sayo. Nakasulat lamang doon ang patakaran ng palarong ito. Kailangan nilang magpatayan dahil sa bawat mapapatay nila ay may isang pintong magbubukas at makakapunta sila sa mas malapit na lugar papalabas ng gubat na iyan. May isang oras ka lang para mahanap ang labasan ng gubat at sigurado akong maliligtas mo silang lahat pero akala mo doon na matatapos lahat? Pagkalabas mo ay nandoon na kami at kailangan namin ang kapangyarihan para palakihin ang puno ng buhay at kung hindi mo gagawin 'yon, sigurado akong mamatay ang batang pinagkatiwalaan mo.

YOU ARE READING
Mage Academy
Fantasy[COMPLETED] Mage /māj/ A skilled magic user who, unlike wizards and sorcerors, needs no staff as an outlet of his magic, but instead uses his hands. Highest rank achieved : Rank 1 in Fantasy