Avianna's P.O.V
Ngayong History na lang ang natitira bago mag lunch break mas umiingay na sila. Pumasok ang isang matanda. Nagsitayo na ulit kami para batiin siya.
"Mukhang may bago tayong mag-aaral, maaari ka bang tumayo at magpakilala."....what? siya lang ang nagsabi niyan sa lahat ng mga teacher kanina. Sabi hindi na daw kailangan tapos ngayon?
"Avianna, tumayo ka na.".....tumayo na ako at akmang magsasalita
"Halika dito sa harap.".......wala akong nagawa kundi pumunta sa harap , huminga ako ng malalim bago ako magsalita
"I'm Avianna and I am an Air Mage.".....pilit akong ngumiti , nakita ko ang pagsmirk nung tatlo. Ano ba talagang problema nila? Gusto ba nilang pagbuhulbuhulin ko sila?
"Nice to meet you Avianna, I am Teacher Flora.".....nakipagkamay naman ako sa kaniya pero napabitaw ako kaagad ng parang nay naramdaman akong iba.
"Bakit may problema ba?".....umiling lang ako saka bumalik na ako sa kinauupuan ko. Pinagmasdan ko ang kamay ko, laking gulat ko na nagkapaso ako. Napatingin ako kay Teacher Flora pero nakatalikod na siya sa amin at papunta na sa lamesa niya. Paano ako nagkapaso ? Napaso ko ang sarili ko gamit ang sarili kong apoy? Imposible. Umupo na ulit ako.
"Ayos ka lang ba? Anong nangyari diyan sa kamay mo?"...tanong niya bigla sa akin kaya mabilis kong itinago sa bulsa ko ang kamay ko.
"Wala, namanhid lang bigla.".....tumango lang siya , nagsimula ng magsalita si Teacher Flora.
"Ngayong araw na ito , pag-aaralan natin ang kasaysayan ng mga Full Elemental Mage."....para akong estatwa na napako sa kinauupuan ko. Ano ba ng nangyayari? Nanadya ba yang history teacher na iyan. Napansin kong nakangiti siya sa akin.
"Ayon sa mga libro, ang mga full elemental mage ay mga espesyal na mage ngunit ang pagiging F.E ay parehas na gantimpala at sumpa. Ang mga tulad nila ay hindi tinatanggap sa mundo natin dahil pinaniniwalaang sila lang ang makakasira sa mundo natin. Pinapatapon sila sa mundo ng mga tao kaya hindi sila lumaki sa ganitong lugar. Hindi madaling tuklasin kung isa bang full elemental mage ang isang mage dahil pwedeng pwede niyang itago ang tatlo pa niyang kapangyarihan at isa lang ang gamitin niya. Hanggang ngayon hindi pa tanggap ng karamihan ang isang Full Elemental Mage ngunit ito na lang ang isang daan para mapanatili ang mundo natin, kailangan ng kapangyarihan ng isang full elemental mage para mapanitiling buhay ang puno ng buhay."......kumuyom ang kamao ko, kaya pala kailangan ako ng paaralang ito dahil sa kapangyarihan ko.
"Ngayong nasa ating lupain ang puno ng buhay , ginagawa ng punong maestro ang hanapin ang mga natitirang full elemental mage at sana magtagumpay sya o baka nagtagumpay na siya at hindi lang pinagsasabi. Kilala nyo ang punong maestro , masyadong masekreto."....nagtawanan naman sila, parang wala lang sa kanila ang sinabi ni Teacher Flora. Hindi kaya may alam siya? Kanina pa siya nakatitig sa akin.
"Pwede na kayong umalis, may kailangan pa akong gawin."....nakangiti niyang sabi sa amin, mabilis akong tumayo at lumabas. Hindi ko alam , may kutob ako na may alam na si Teacher Flora. Pinagmasdan ko ang sunog ng kamay ko, hindi pa rin nawawala ito. Anong kalokohan ang nangyayari, kailangan kong kausapin si Punong Maestro tungkol dito.
"Avianna, nagmamadali ka yata? May problema ba?"...tanong kaagad sa akin ni Alyana ng makalabas na din siya ng classroom.
"Wala naman may kailangan lang akong kunin sa kwarto ko, mauna na ako."
"Hindi ka ba muna kakain ng tanghalian?"
"Hindi na, busog pa naman ako.".....nakita kong lumabas na yung tatlo at mukhang may pinaguusapan sila. Tumingin sa akin ang kuya ni Loki. Ano na namang problema nito? Naglakad na sila papunta dito.

BINABASA MO ANG
Mage Academy
Fantasy[COMPLETED] Mage /māj/ A skilled magic user who, unlike wizards and sorcerors, needs no staff as an outlet of his magic, but instead uses his hands. Highest rank achieved : Rank 1 in Fantasy