-86

522 35 28
                                    

3rd person's pov

ilang araw nang hindi nagpaparamdam ang girlfriend ni blaster sa kanya. kapag pumupunta siya sa apartment kung saan nag-iistay si jennifer, wala siyang naaabutan doon. kahit si gelo.

araw-araw hinihintay niyang mag-text o tumawag sa kanya ang kasintahan pero hindi talaga ito nagpaparamdam. sari-saring mga posibilidad ang pumasok sa isip niya pero hindi niya ito pinansin. okay lang si nini. siguro may pinuntahan lang siya na ayaw niya lang sabihin sakin dahil gusto niyang mapag-isa. oo, siguro ganun nga.

alas-siete na ng umaga at napagdesisyunan niyang puntahan si zild sa bahay nila. kahit din si zild hindi na rin niya masyado nakikita kaya nagbabakasakali siya na baka magkasama sila ni jennifer o baka alam nito kung nasaan ang minamahal niya.

pagkarating doon, ilang beses siyang kumatok bago ito buksan ni zild.

"o-oh blaster, anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ng kaibigan na nagsusuot ng sapatos. mukhang naghahanda rin umalis.

"alam mo ba kung nasaan si jen? tatlong araw na kasi siyang di nagpaparamdam."

"bro, baka nasa probinsya. diba mahina signal sa kanila? kaya siguro di siya nag-chachat sayo. kahit sakin din." sagot naman ni zild. pero pakiramdam ni blaster na parang may mali dahil hindi makatingin si zild ng diretso sa mga mata niya. tila may tinatago ito.

"kung umalis man siya edi sana sinabi niya sakin."

napakagat nalang sa labi si zild at tinalikuran si blaster. nag-dedebate siya sa kanyang utak kung sasabihin ba niya ang totoo o hindi.

"zild." pagtawag ulit ni blaster. "nasaan si jen? alam kong alam mo kung nasaan siya."

zild sighed in defeat.

"ayaw niyang sabihin ko sayo kasi ayaw niyang mag-alala ka."

nanggigigil na napamura si blaster at kinwelyuhan ang kaibigan. "zild, sabihin mo na! ayos lang ba si jen? ano bang nangyayari? bakit siya nagtatago sakin. may nagawa ba ko sa kanya? nasaktan ko ba siya?" napalunok nalang si zild dahil sa nangangalaiti na sa inis si blaster.

kung ganito ang reaksyon niya dahil walang paramdam sa kanya si jennifer, paano pa kaya pag nalaman niyang may sakit ito? or worse, pwede siyang mamatay anytime.

"san ka pala pupunta?"

lalo siyang kinabahan sa tanong ni blaster. napaisip siya saglit at napagdesisyunan na may karapatan din si blaster na malaman ang tungkol kay jen. bilang bestfriend and boyfriend nito.

siguro dapat na talaga niyang malaman ang nangyayari. para di na siya magmukhang tanga.

"fucking calm down, silonga. sasabihin ko na."

l o v e s t r u c k Where stories live. Discover now