105. Kahinaan

1.5K 94 60
                                    

♛♛♛

Kasabay ng mga malalakas na pagsabog ng mga paputok sa paligid ng Torre ng mga Bathala ay ang pagpuslit namin ng aking mga kasamahan patungo sa likuran ng Torre kung nasaan ang isang lagusan papasok sa loob nito. Yun nga lang agad kaming sinalubong ng ilang mga kawal na nakapansin sa'min. Susugurin ko na sana sila kaso naunahan na ako ng mga kasama ko. Nagulat pa nga ako na talagang lumalaban pala sila.

"Kami na po ang bahala dito, Master Yohan!" Sigaw nung batang si Slowmo, na agad nakipag-espadahan sa mga kawal na nasa harap namin. Yun nga lang nabugbog si Slowmo dahil sa sobrang bagal ng kanyang mga kilos. Pero dahil doon, nagawa kong makaalis at tumungo sa dapat kung puntahan. Natatanaw ko na ang maliit ngunit may liwanag na pinto papasok ng torre. Tumatakbo na kaming lahat na natira nang biglang may kakaibang nangyari kay Psykotik na siyang nauuna sa amin.

Bigla siyang napasigaw at natigilan, na parang bumangga sa isang hindi nakikitang pader. Para siyang nakuryente tapos umusok din ang buong katawan niya.

"Psykotik!" Sigaw ni Acida. "Mukhang nasa harap na natin ang harang na sinasabi ni Ginoong Lakan! Wala munang gagalaw!"

Hindi nga kami gumalaw. Pinagmasdan lang namin ang parang estatwang katawan ni Psykotik habang nag-iisip kami ng paraan upang maialis siya mula doon.

Agad kong ginamit ang aking Armageddon, ngunit hindi ito naging sapat upang mawasak ang mahiwagang harang sa aming harapan. Hindi rin namin ito nakikita at kung hindi nito nabiktima si Psykotik ay hindi namin ito mapapansin. Mukhang tama nga ang Ginoong Lakan na yun nang sabihin niyang mahihirapan nga kami dito. Sinubukan ko na ring gamitin ang aking espada ngunit hindi rin nito masira ang harang. Sadyang matibay ito, kaya mas lalo akong naaasar ngayon kay Zafaro.

"Master, ano na pong gagawin natin?" Tanong sa'kin ni Kara Cruz. "Mukhang hindi nasisira ang pader na yan..."

"Malamang," singhal naman sa kanya ni Acida. "Di ba nga at pinipigilan ng harang na ito na makapasok sa Torre ang sino mang may taglay na majika? Kaya hindi talaga tayo makakapasok diyan!"

"Kung ganun, ano na ang gagawin natin?"

Nag-isip ako nang maigi. At mabilis. Hindi rin kasi pwedeng magtagal kami sa kinalalagyan namin, dahil tiyak kong may makakapansin na nandito nga kami. Paniguradong may mga bantay na titingin sa likod ng torre kung may roon nga bang nagbabalak na makakapasok.

Sadyang tuso nga ni Zafaro. Sino naman kaya ang makakapasok sa loob ng Torre ng mga Bathala kung may ganitong uri ng harang? Tangina. Ang hirap naman nito, letsugas lang talaga! Kung hindi lang nakasalalay rito ang kaligtasan ni Aravella!

"Master Yohan? Wala na ba kayong naiisip na ibang paraan?" Tanong ni Devio. "Dahil meron ako..."

Napatitig naman ako sa kapatid ni Jin dahil sa tinuran nito. "Ano'ng naiisip mo?"

"Hindi po ba't kaya kong nakawin ang inyong mga kakayahan at Marka? Kapag ginawa ko po yun sa'yo, makakapasok ka na sa loob!"

Napasinghap sina Acida at Kara Cruz dahil sa sinabi ni Devio. Ngunit ako, nanatili akong nakatunghay sa binatang kapatid ni Jin Kapitan na si Devio. May nakikita kasi akong butas sa balak niya. Napuna rin ito ni agad ni Pol Utan, 'yung isa pang kasamahan nila Devio.

"Pero paano pa ililigtas ni Master Yohan ang kasintahan niya at si Kapitan Hassein kung wala na siyang Marka pagkaakyat niya ng torre?" Tanong nito kay Devio bago ko pa iyon maitanong. Nakatingin na tuloy kaming lahat sa kanya sa pagkagulat. Ngayon lang kasi siya nagsalita.

QuiarrahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon