Chapter Four

95.1K 3.7K 586
                                        

Bigla lang

Dionysus Joaquin Consunji's

"Why do we need to go to church every Sunday, Daddy?"

Castle started asking me questions the moment I told them that we ae going to church that Sunday morning. He in the passenger's seat with Cassandra. He was holding that green squishy while talking to me. Nararamdaman kong unti-unti na akong natatanggap ng bunso ko. Si Cassandra ang mahirap makuha, ramdam na ramdam niya kasi ang pagkawala ko noon.

"Because it's family day and God is the center of our family." I simply told him.

'But you have a very big family, Daddy. I'm so excited to see Tita Cali, she's always nice to us. She cooks great too! Unlike your cooking, it's not delicious but it's okay, Daddy, you're still my Daddy."

I saw Cassandra looking at her brother. Nakataas ang kilay niya. I wanted to laugh, tuwing nakikita ko siya naaalala ko si Callista, parehong – pareho kasi ang expression ng mukha nila. Mukhang may gusto siyang sabihin dahil sa reaction niyang iyon pero hindi na niya itinuloy. She just sighed and muttered something. I have a feeling that it has something to do about how stupid I am. Hinayaan ko na lang. Ayokong masyadong kinagagalitan si Cassandra, hindi na nga kami magkasundo sa ngayon, at kapag ginawa ko iyon, lalong malaki ang posibilidad na hindi nga kami magkasundong dalawa.

I parked the car inside the church's lot. Inalalayan kong bumaba si Castle at si Cassandra pagkatapos ay magkakahawak kamay kaming nagpunta sa loob ng simabahan. It was a church inside the village where my parents live. Naroon na si Callista at ang boyfriend niya. Nakita kong katabi na siya ni Mama, si Papa naman ay naroon na rin, he was just sitting down, seryoso ang mukha niya pero nagbago iyon nang makita niya ang mga anak ko.

"Lolo!" Sigaw ng panganay ko but it was more of "lowlow" because of her slang. Kinandong kaagad siya ni Papa at saka hinalikan sa ulo.

"How's my favorite apo?" He even asked her.

"I'm good! Castle asked Daddy why we had to go to church today and Daddy answered fine. But it went to the point why he couldn't cook good. I also want to ask him why he always forgets to pick me up at school. But I didn't 'cause he'll just lie about it."

Kitang – kita kong dumilim ang mukha ni Papa habang nakatingin sa akin. I had to look away. Napansin ko namang hinawakan siya ni Mama sa braso para pakalmahin kahit na saglit lang. I just sighed. Naupo ako sa tabi ni Callista. Pinisil niya ang kamay ko na para bang sinasabi niyang mgiging maayos ang lahat kahit na alam kong malabong mangyari iyon.

Nagsimula na ang misa. Naupo ang mga anak ko sa tabi ni Mama at Papa. Hindi ako pinapansin ni Papa kahit na noong nag – peace be with you. Matapos ang misa ay umuwi kami sa mansion.

"Dio." Mama called me. Lumapit ako sa kanya. Naupo kami sa isa sa mga couches sa living room habang si Papa at Callista kasama ang boyfriend niya ay nakikipaglaro sa mga anak ko.

"Dio, what's wrong?" She asked me.

"Ma, wala." Sabi ko sa kanya.

"Hindi pwedeng wala. Dionysus, alam kong mahal mo ang mga anak mo but why do you keep forgetting to pick up Cassandra to school? Kaya lalong nagagalit ang Papa mo sa'yo."

"Ma," Napangisi ako. "Matagal nang galit sa akin si Papa kasi hindi ako kasing talion ni Orion o kasing galling ni Heath o kasing tino ni Hunter o ni Yael o ng kahit na sinong pinsan ko. I am a big disappointment to him kaya hindi na bago sa akin iyong galit siya. Kaya kong tanggapin ang lahat ng iyon because I know that I will never come close to what he expects of me. Hindi siya sinuwerte sa anak na lalaki pero bawi naman siya kay Calli, okay na rin iyon."

Fix youWhere stories live. Discover now