Shoot 45 "Concert Day"

67.5K 3.7K 1K
                                    

"...'Coz we, Stargame, we create a game that every people will enjoy at para maisabuhay ang ating pagiging Filipino. We will create a game na gawang Pinoy na kayang-kayang makipagsabayan sa mga games na gawa ng ibang bansa."

"Tutok na tutok ka naman sa TV, Dani," sermon sa akin ni mama. Sobrang namamangha kasi ako kay Raydin habang pinapanuod ang interview niya. Sobrang respetado niya tingnan sa kanyang ginagawa.

You know what's funny? Isang taon lang ang tanda sa akin ni Raydin pero ang dami niya ng achievements na nagagawa sa buhay. He is globally competent sa corporate world.

Umupo si mama sa couch at nanuod din. "Dani, 'diba iyan yung lalaki na naghahatid sundo sa'yo?" Tanong ni mama habang nakatingin sa mukha ni Raydin.

"Hatid sundo? Minsan lang 'yon, 'ma. OA mo." Sabi ko sa kanya.

"Hatid sundo?! Ba't wala yata akong alam sa mga ganyan-ganyan, Dani, ha?" Biglang nagsalita si kuya na nasa kusina. Nagtitimpla ng kape.

"Kasi minsan lang 'yon, kuya," tumingin ako kay mama. "Etong si mama naman makagawa nang kwento e."

Pumunta si kuya sa sala habang hinahalo ang kanyang hawak na kape. Umupo siya sa tabi ko sa couch. "I'd been there and done that. Hindi ka ihahatid sundo ng isang lalaki kung wala silang motibo. I need to meet him personally." Kuya declared.

Makikipagtalo pa sana ako kaso ay paniguradong hindi naman ako mananalo kay kuya. Bakit ba binibigyan nila ng malisya ang kung anong mayroon kami.

Pero kasi... Minsan... Sumasagi na rin sa isip ko kung ano nga ba kami ni Raydin. We chatted everyday and we meet almost everyday.

Hey Dani! He's your enemy!

Natapos ang presscon na pinapalabas sa TV so I get my phone na naka-charge sa kwarto at ni-chat si Raydin.

Unggoy:
Ibang klase naman, boss!
Nice speech 👏👏

Demonyo:
Hindi ko naman effort lang
'Yon. It's all thanks to the team.

Unggoy:
Bilis mag-reply ah!

Pa-humble pa, magaling ka
Kasi mag-manage.

Demonyo:
So what're you doing? Ang
dami mo naman yatang free
time?

Unggoy:

Nasa bahay lang haha! Happy laaang!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nasa bahay lang haha! Happy laaang!

Demonyo:
Sinabi ko bang mag-send ka pa
Ng picture? 🙄

Unggoy:
Epal ka.

Nasa bahay lang ako ngayon pero
mamayang gabi manunuod ako nang
concert ng Sekai no Owari 😻

School War OnlineWhere stories live. Discover now