Yung sa mga title ng chapters ko. Hihihi. Malaswa agad? Basa po muna kasi. :)
~ ~ ~
"Hija, hindi ba't maaga ang alis mo? Pupunta ka dun sa concert nung Wang Dayreksyon ba yun? Magta-tanghali na ah?" sabi ni manang sabay hawi ng kurtina sa malaking bintana sa kwarto ko.
"Shet." bulong ko nang tumama sa mukha ko yung sinag ng araw. "Manang hindi na ho ako aalis."
"Ha? Ayos ka lang ba hija?" sabi ni manang sabay lapit saakin. "Parang kahapon lang eh nagmamadali ka nang pumila! May sakit ka ba?" hinawakan niya ang noo ko. "Ala! May lagnat ka!"
"Sige na ho, manang. Kaya ko na po. Diba aalis rin po kayo?" sabi ko sakanya kahit nakapikit parin ako. Huhuhu ang sakit ng ulo ko.
"Nako, kung hindi lang ako kailangan ng anak ko sa probinsiya eh aalagaan kita." sabi ni manang habang inaayos ang kumot ko. "Sigurado ka bang ayos ka lang? Tawagin mo na lang si Cess kung may kailangan ka ha?"
"Opo." sabi ko at pumunta na ng dreamland. Baka kasi makita ko dun si Niall eh.
. . .
Nakatulog ako nang hindi ko man lang namamalayan na hapon na. Ilang oras na lang, concert na. Huhuhu. Wala na akong choice kundi maging hashtag team bahay.
"Cess, naka-alis na ba si Manang?" tanong ko kay Cess habang pababa ako ng hagdan.
"Te, wag ka nang bumaba! Baka lumala yang lagnat mo!" salubong ni Cess sakin sabay hila pabalik ng kwarto ko.
Na-touch na sana ako sa pagiging caring ni Cess kung hindi lang masakit sa tenga yung OA niyang sigaw. Huhu ang ears ko Lord.
"Umalis na po siya, kaninang tanghali pa." sagot sakin ni Cess at pinahiga na ako ng kama. Eh ang sakit na ng likod ko kakahiga!
Teka, yung asawa ko nasan? Wag mong sabihin na di niya alam na may sakit ako? Hay nako. Kailangan niyang malaman para alagaan niya ko! Pinikit ko na lang ang mata ko kasi ang lakas ko na naman mangarap.
Narinig ko naman na sinarado na ni Cess ang pinto. Buti pa to, may malasakit na alagaan ako. Eh yung asawa ko? Malamang kasama na naman niya yung haliparot niyang laptop. Lul.
"Si Kyungsoo?" tanong ko. At nag-stretching stretching habang nakahiga.
Hindi naman ako sinagot ni Cess at hinawakan lang ang noo ko. "May lagnat ka pa." sabi niya sa mababang boses.
Mababang boses?
Napamulat ako ng mga mata ko at nakita si Kyungsoo na halos konting usog na lang halos magki-kiss na kami. Humaygad. Lord, ito na po ba ang kapalit ng concert na di ko napuntahan? Lord, sobrang okay lang!
Pinitik niya ang noo ko nang marahan. "Sayang yung ticket na binili ko. Akala ko pa naman mkakapag-relax ako dahil wala ka sa bahay. Pero eto, nag-aalaga ako sayo."
Nga pala. Linggo ngayon kaya wala siyang pasok. "Sorry ha? Sinadya ko yata magkasakit ngayong araw na to eh." sabi ko sakanya at nagtalukbong ng kumot. Nakakahiya naman kay Kyungsoo. Sobra na palang abala ang ginagawa ko sakanya. Pero ano ngayon? Asawa niya naman ako diba?
"Wag ka na nga magtakip ng kumot," sabi niya sabay hila ng kumot mula sa mukha ko. "Kumain ka na, ipinagluto na kita."
Gusto ko mang magpakipot, hindi sumang-ayon ang tiyan ko. "Growl~"
Halos mamula na ang buong mukha ni Kyungsoo kakapigil ng tawa niya nang marinig niya ang pagmamaka-awa ng gutom kong sikmura. Nyeta, ang lakas nung tunog eh.
"Sige na nga. Hubby, subuan mo ko." sabi ko habang umuupo sa kama. Aba, sagad-sagarin na natin ang kabaitan ng hubby ko dahil minsan lang ako magkasakit. Mwahaha.
Umupo siya sa gilid ng kama ko at kinuha na yung tasa ng sopas. "Pasalamat ka at andito ako ngayon." sabi niya at tinapat sa bibig ko ang isang kutsara ng sabaw.
Sumubo naman ako. "Ang init!" reklamo ko.
"Ihipan mo muna kasi. Natural, bagong luto eh." sabi niya naman na parang naiinis. Jusmiyo. Di niya ba ma-gets na nag-aalaga siya ng asawa niya?
"Hubby kasi... Ikaw na umihip." sabi ko sabay beautiful eyes.
"Fine." irap niya pa. Akala naman neto ang ganda ng mata niya, puro naman schlera.
Inihipan niya naman bago ang bawat subo ko. Ang kyot talaga ni hubby. Kahit naman di niya sabihin, nag-aalala rin siya sakin. Ayaw lang aminin. :'3
Pagkatapos ko naman kumain, nag-away pa kami.
"Uminom ka na." sabi niya sabay abot ng baso.
"Wala bang malamig?" tanong ko.
"Arte. Inumin mo na lang. Iinom ka pa ng gamot."
"Mas lalong ayaw ko naman ng gamot." sabi ko sabay cross arms at pout. :3
"Ano bang gusto mo ha? Hindi gumaling?" ayan na lumalabas na naman ang pagka-maldita ni hubby.
"Kung ikaw ang mag-aalaga sakin, okay lang." ngiti ko sakanya.
Kumunot lang ang noo niya. "Ikaw, Do Ria." ang ganda pala pakinggan pag siya ang nagsasabi ng pangalan ko no? Ang kumontra panget.
"Do Kyungsoo, hubby ko, asawa ko," sagot ko. "Fine, iinumin ko na yan."
Tinitigan niya naman ako, with a weh-di-nga look.
"Sa isang kundisyon~" sabi ko sa aking childish tone.
"Sabi na nga ba. Oh ano naman yang kundisyon mo?" tanong niya sabay lagay ng mga kamay niya sa bewang niya.
Get ready hubby... "Tabihan mo ko sa pagtulog. Dito sa kama."

YOU ARE READING
Seducing My Husband [ completed ]
Fanfiction[COMPLETED] A romantic comedy that would surely make you live, laugh, and love. An original story and book cover by @JOcolatelover. All rights reserved.