Chapter 42 : Crystal Snow
(Otor? Bat ganyan ang Title?)
Wala lang trip ko lang kasi gusto ko ang kantang yan. Lalo na yung 3ple high note ni Jin yie!
Ok back to the story
👆EunKook "BeMes"☝
JAMES POV
Agad akong kumalas sa yakap niya. Anong ginagawa niya? At bakit siya nandito? Edi nanunuod siya? Nakita niya akong umiyak?! No!
"A-anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko sa kanya. Kaya bumalik nanamn ang pagka cold na aura niya
"Kahit kailan talaga napaka sungit mo! Ikaw na nga tong tinutulungan at pinapakalma! Tignan mo nga! Basa nako dahil sayo! Hilain ko yang ilong mo e" rinding sabi niya sabay hamukipkip. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Pero sinilip ko parin siya. Sobrang lakas ng ulan at basang basa na kami pareho.
Tumayo ako saka ko tinanggal yung Long sleeve chaleko ko saka ko ipinatong sa ulo niya "Salamat" tangin sabi ko. Napatingin naman siya sa akin saka ngumiti. Napangiti nalang din ako. Yun yung 1st time na nakita kong ngumiti siya ng dahil sa akin. Di ko alam pero parang ang gaan sa pakiramdam. Pakiramdam ko nawala lahat ng problema ko
___________________________
"Bilis James! Tapos bilhan mo pa ko nito!" Sigaw ng Tomboy na chipmunk nato! Di pa ba siya napapagod kakautos? Kasi ako pagod na pagod na kakasunod sa kanya
Kainis kasi e! Pagkatapos kong ibigay sa kanya yung chaleko ko?! Bina black male niya na ako!
"Oh tagal niyo naman! Anong nangyari senyo? At bakit pumasok agad si Jhairhie? Saka bakit basang basa kayo?" Sunod sunod na tanong ni Arriana sa amin. Ang daldal talaga niya e no? Tsss
"Ah. Wala si James kasi kanina Umiy~" di ko gusto yung sasabihin niya kaya agad kong tinakpan yubg bibig niya. Pilit naman siyang kumakawala. Haist! ang daldal niya rin pala e. Sobra! Kailangan paba niyang sabihin yun?!
Napatingin naman ako sa kanilang 3 na sina Arriana, Via, at eliesha na ngayon ay nakataas na ang kilay.

YOU ARE READING
Accidentally Got Pregnant To A Stranger
Teen Fiction[CURRENTLY EDITING. READ AT YOUR OWN RISK] What a cringe tragedy indeed. I mean, I just wanted to drink to get rid of my feelings for my freaking ex! Then I got on a One night stand instead? And with a complete stranger of all people. And what?! I'm...