18th Lie

3.9K 182 16
                                    

DINUKOT ni Stranger ang pakete ng sigarilyo sa backpocket ng pantalon niya bago siya umupo sa gutter ng car space na 'yon sa tapat ng ospital. Sisindihan na sana niya niya 'yon gamit ang lighter na hawak niya, pero may kamay na pumigil sa kanya. Pag-angat niya ng tingin, sumalubong sa kanya ang isang box ng pocky na hawak ni Thunder.

"Pinahabol ka sa'kin ni Riri para ibigay 'to," walang ganang sabi ni Thunder, saka hinagis sa kanya ang kahon na sa kabutihang palad ay nasalo niya dahil kung hindi, sinapak na niya ang lalaking 'to. Mainit pa naman ang ulo niya. "Pinapasabi rin niyang huwag kang magyoyosi dahil masama 'yan sa kalusugan mo."

Ayaw magpakita ni Stranger ng emosyon sa harap ni Thunder. Gusto niyang ipakita rito na sing tigas siya ng bato kaya ihahagis sana niya ang pocky na bigay ni Riri. Pero natigilan siya nang makitang may nakadikit na note do'n: "I'm sorry, Stranger. :("

Labag man sa kalooban niya, napangiti siya. Ah, shit. Kung may disadvantage man ang pagdating ni Riri sa buhay niya, 'yon ay madali na siyang ngumingiti. Hindi rin niya alam kung anong meron sa babaeng 'yon at napapalambot siya nito.

Nag-angat si Stranger ng tingin kay Thunder na nakatayo pa rin sa harap niya. "How is Riri? Okay na ba siya?"

Tumango si Thunder. "She's fine... it's just a nosebleed."

Tumaas ang kilay ni Stranger. Paiwas ang sagot ni Thunder. Halatang may alam ito na ayaw lang nitong sabihin sa kanya. Ah, alam siguro nito ang tungkol sa special ability ni Riri. Iniisip siguro nito na wala siyang alam kaya hindi na lang siya kumibo.

"Stranger, what exactly is your relationship with Riri?" deretsang tanong ni Thunder na mukhang hindi na nakatiis.

Tumayo si Stranger dahil hindi niya gusto na nakatingin pababa sa kanya si Thunder. Hindi lang talaga niya gusto ang lalaking 'to. "Wala akong obligasyong magpaliwanag sa'yo."

Humarang si Thunder sa daan niya nang tangkain niyang layasan ito. "Stranger, don't get too close with Riri. Hindi ako komportableng malapit sa ibang lalaki ang fiancee ko."

Ngumisi ng mapait si Stranger. "Wala akong obligasyong sundin ka."

"Stranger–"

"Wala pang suot na singsing si Riri," sansala ni Stranger sa sinasabi ni Thunder. "Ni hindi nga niya nabanggit na may fiance siya. At hangga't hindi niya sinasabing lumayo ako sa kanya, hindi ako lalayo."

Halatang nainis na si Thunder base sa pagsimangot nito. "You've become really rude, haven't you? Hindi ka naman ganyan kabastos dati."

Natawa ng pagak si Stranger, saka niya binigyan ng nayayamot na tingin si Thunder. "Ma-ta-touch na ba ko? 'Yong pagbabago ko, napansin mo. Pero tinanong mo ba sa sarili mo kung ano'ng ginawa sa'kin ng nanay mo para magkaganito ako? Because you know, a person doesn't change unless someone's bad behavior towards him forces him to."

"Here we go again," nayayamot na sabi naman ni Thunder habang iiling-iling. "You're still blaming mommy for everything. Hanggang ngayon ba, hindi mo pa rin tanggap na nagpakasal siya sa ibang lalaki? Kung 'yon ang ikinagagalit mo, fine. Ako na ang humihingi ng tawad sa'yo. I'm sorry if our mom chose us over you."

Naikuyom ni Stranger ang mga kamay habang nagtatagis ang mga bagang hindi. Hindi niya alam kung ano'ng klaseng kasinungalingan ang sinabi ng ina niya kay Thunder, pero hindi siya natutuwa sa mga naririnig niya.

"Pero hindi naman namin sinasara ang pinto ng bahay namin sa'yo, Stranger," pagpapatuloy ni Thunder nang hindi siya kumibo. "Ikaw ang naglayo ng sarili mo sa'min, 'di ba? Tinalikuran mo pati si Angelika dahil d'yan sa galit mo," anito na ang tinutukoy ay ang half-sister nila. Anak ng ina niya sa daddy ni Thunder. "Pero Stranger. Hindi ka naman ibang tao sa'min. Tatanggapin ka namin kahit anong oras."

Miss Lie DetectorWhere stories live. Discover now