NAKATULALA si Riri sa tinapay sa plato niya.
Hanggang ngayon, hindi pa rin siya sigurado kung tama ba ang desisyon niyang pagkatiwalaan si Stranger. Lalo na't hindi naman gumagana rito ang special ability niya.
But then again, nararamdaman naman niya sa sarili niya na may emptiness na dahil paulit-ulit siyang nadidismaya sa mga tao sa paligid niya. Kaya parang breath of fresh air ang pagdating ni Stranger sa buhay niya. Kailangan din naman niya ng pahinga. Kung sa paanong paraan, hindi pa niya sigurado.
"Riri?"
Nalingunan ni Riri ang Ate Rita niya na may dalang pahabang kaheta. "Yes, Ate?"
Inabot ng kapatid niya sa kanya ang maliit na kahon na hawak nito. "Galing sa mansiyon. Ipinadala 'yan dito sa bahay kahapon. Nakalimutan ko agad ibigay sa'yo," sagot nito, saka pumihit patalikod sa kanya para buksan ang ref at kumuha ng isang pitsel ng juice. "Matagal mo nang hinihintay 'yan, 'di ba?"
Nagpasalamat si Riri sa Ate Rita niya dahil sa pagkuha ng package niya. Napangiti naman siya nang buksan niya ang kaheta at sumalubong sa kanya ang kuwintas niya. Four-leaf clover ang pendant niyon. Kahit gawa lang 'yon sa mababang klase ng gold, mahalaga pa rin 'yon sa kanya dahil 'yon daw ang regalo sa kanya ni Ate Ria nang ipanganak niya. Parati niya 'yong suot. Pero nitong nakaraan lang, nasira ang lock niyon kaya pinagawa niya muna.
Mabuti na lang at naayos agad. Hindi kasi siya mapakali kapag hindi niya suot ang "lucky charm" na 'yon.
Mabilis na sinuot agad niya ang kuwintas.
"Pasensiya ka na kung masyado akong busy at hindi na tayo halos nagkikita rito sa bahay," parang guilty na sabi ni Ate Rita nang umupo ito sa tapat niya. "Ang dami kasing customer, eh. Sumisikat na ang shop ko."
Napangiti si Riri. Walang interes sa pagpapatakbo ng kompanya nila si Ate Rita dahil hilig nito ang pag-de-design ng mga damit. Kaya nagtayo ito ng boutique kung saan nagbebenta ito ng mga damit na ito mismo ang nagdisenyo.
Four years ago lang nang muling tanggapin ng Daddy nila ang Ate Rita nila sa pamilya pagkatapos maglayas ng panganay nila no'ng panahong hindi pa siya ipinapanganak. No'ng lang din niya nakilala ng husto ang tungkol sa isa pa niyang ate sa mga anak nito.
Pero simula nang makilala naman niya si Ate Rita, pati sina Rara at Ryder, naging malapit agad siya sa pamilya.
"Ano nga pala 'yong gusto mong ikonsulta sa'kin?" tanong ni Ate Rita habang nagsasalin ito ng juice sa baso. "Nabanggit din sa'kin ni Ryder na may gusto kang sabihin sa'kin."
Naalala ni Riri na gusto niyang ikonsulta kay Ate Rita ang tungkol kay Stranger na hindi tinatablan ng special ability niya. Pero ngayong nakikita niya kung ga'no ka-stress ang kapatid niya, nagbago ang isip niya. Isa pa, sa tingin niya ay nasa edad na siya kung saan kaya na niyang sarilinin ang mga problema niya. "Ah. Tungkol lang 'yon sa pagkuha ko ng bagong driver, Ate."
"Puwede ko naman kayong ihatid-sundo ni Ryder hangga't wala ka pang nahahanap na kapalit," alok ni Ate Rita.
Tatanggi sana si Riri dahil ayaw na niyang maabala ang ate niya, nang naunahan siya ni Ryder na kapapasok lang ng kusina.
"Mama, hindi na kailangan," sabi ni Ryder, saka kumuha ng mansanas sa fruit basket. "Nand'yan na 'yong nakuhang bagong driver ni Tito M."
Kumunot ang noo ni Riri. Alam niyang si Kuya M ang aasikaso ng pansamantalang papalit sa posisyon nito, pero hindi niya akalain na makakahanap agad ito ng bago. "Nand'yan na si Kuya M? Ang sabi ko sa kanya, magpahinga muna siya."

YOU ARE READING
Miss Lie Detector
Teen FictionI can tell when people are lying. Gaya ng isang lie detector machine, nakakaramdam ako ng munting boltahe ng kuryente na dumadaloy sa katawan ko sa tuwing nagsisinungaling sa'kin ang taong kausap ko. At kapag hinawakan ko naman ang kamay ng taong na...