Writing Tips No.3: Gitling (-)
~✒~✒~✒~
✔ Sa inuulit na salita.
👉 ano-ano 👉 sira-sira
👉 araw-araw 👉 iba-iba
👉 gabi-gabi 👉 balik-balik
👉 wasak-wasak 👉 pali-palito
👉 suntok-suntukin 👉 balu-baluktot
👉 bali-baligtad 👉 bula-bulagsakMay unlapi:
👉 pabalik-balik
👉 nagkawasak-wasak
👉 pagbali-baligtarin
👉 pabula-bulagsak❌ Hindi ginagamit sa salitang inuulit, ngunit walang kahulugan pag hindi inulit.
👎 paruparo
👎alaala
👎 gamugamo
👎 mamayamaya✔ Sa isahang pantig tunog.
👉 tik-tak 👉 tsk-tsk
👉 ding-dong 👉 rat-ta-tat
👉 plip-plop✔ Sa paghihiwalay ng katinig at patinig.
👉 pag-asa 👉 agam-agam
👉 mag-isa 👉 pang-umento
👉 pang-ulo (kasuotan sa ulo)
👉 tsap-istik (chop stick)
👉 brawn-awt (brown out)✔ Sa mga salitang banyaga.
👉 pa-cute o pakyut
👉 ipa-cremate o ipakrimeyt
👉 maki-computer o makikompiyuter✔ Sa bagong tambalan.
👉 lipat-bahay 👉 bigyang-buhay
👉 bagong-salta 👉 pusong-martir
👉 amoy-pawis 👉 palipad-hangin
👉 basang-sisiw 👉 bunong-braso❌ Walang gitling
👎 kathambuhay 👎 anakpawis
👎 balikbayan 👎 balinsuso
👎 pikitmata 👎punongkahoy
👎 buntonghininga✔ Sa tambalan ng salitang 'bigyan'
👉 bigyang-pansin
👉 bigyang-diin
👉 bigyang-pugay (nagpugay)
👉 bigyang-parangal (parangalan)
👉 bigyang-tulong (tulungan)
👉 bigyang-pansin (pansinin)❌ Iwasan ang paggamit ng tambalang 'bigyan' hangga't maari.
✔ Sa pagsulat ng oras
👉 ika-8 ng umaga o ikawalo ng umaga
👉 ika-9 ng Marso o ikasiyam ng Marso
👉 ika-100 anibersaryo o ikasandaang anibersaryo
👉 alas-12 ng tanghali o alas-dose ng tanghali
👉 alas-3 ng hapon o alas-tres nv hapon
👉 ala-una✔ Sa kasunod ng 'de'
👉 de-kolor 👉 de-bola
👉 de-mano 👉 de-lata
👉 de-kahon 👉 de-bote✔ Sa kasunod ng 'di'
👉 di-mahapayang-gatang
👉 di-mahipo
👉 di-maitulak-kabigin
👉 di-mahugot-hugot
👉 di-kagandahan
👉 di-maliparang-uwak✔ Sa apelyido ng babaeng may asawa.
👉 Carmen Guerrero-Nakpil
👉 Joanne Santos-Montecillo✔ Sa pagsaklaw ng panahon
(gatlang en - ito ay mas mahaba sa gitling)👉 1882--1903
👉 23 Hulyo 1864--13 Mayo 1903
(Apolinario Mabini)✔ Gatlang em (em dash)
Napalingon ako---at nanlaki ang mata---nang makita siya.
Legend:
- gitling o dash
-- gatlang en o en dash
--- gatlang em o em dashSources:
Manwal ng Masinop na Pagsusulat
~✒~✒~✒~
A/N: Pasensiya na po kung hindi ko ma-emphasize ang itsura ng en dash at em dash, cellphone ang gamit ko ngayon.
📌Nawa'y makatulong po. 📌
Eiramana325
Ignoranteng Otor

YOU ARE READING
WWF Writing Tips
RandomFor wattpad writers who want to write better. Tagalog-English.