by Patch Quiwa
Simula pa nung una, hindi na
Maintindihan ang nararamdaman
naging magkaibigan ngunit,
di umabot ng magka-ibigan
Tanggap ko yun noon
kampante na ganun nalang
sapat na nakasama kita
kahit hanggang dun nalang
Di nalang ako lalapit
di nalang titingin
para hindi na rin mahulog pa
sa yong mga mata
Siguro nga napamahal na ako
sa'yo, oo
di naman inaasahan
di naman sinasadya
pero alam ko rin naman
hanggang dito nalang
lilimutin ang damdamin
isisigaw nalang sa hangin
Mahal kita x2
Sinubukan ko naman
na pigilan ang nararmdaman
kahit mahirap
lumayo at umiwas sa'yo
pano ba naman?
isang ngiti
isang tingin
kahit boses mo na rin
nakakatunaw , wag nang pansisnin
delikado na x2
hirap parin hindi lumapit
di maiwasang tumingin
Muka yatang ako'y nahulog na
sa'yong mga mata
Siguro nga napamahal na ako
sa'yo, oo
di naman inaasahan
di naman sinasadya
pero alam ko rin naman
hanggang dito nalang
lilimutin ang damdamin
isisigaw nalang sa hangin
Mahal kita x2
Nakatingin mula sa Malayo...
Tanggap ko nga ba to?
sapat na nga ba to?
Pero ikaw na ang lumapit
nasa akin ang tingin
hinawakan ang aking kamay
at sabay sabing...
Siguro nga napamahal na ako
sa'yo, oo
di naman inaasahan
di naman sinasadya
Sinubukan ko naman
na pigilan nalang
pero ikaw ang gusto ko
isisigaw ko sa mundoo
mahal kita x4
Simula pa nung una......

YOU ARE READING
Ⓛⓨⓡⓘⓒⓢ Ⓑⓞⓞⓚ
RandomHi mga wattpaters hehehe !!!!!!sorry nabura nakasi yung music is wonderful eh.katangahan ko kasi eh wahahaha pero Sana itong bago kung " lyrics book " magustuhan nyo.I hope you like it >^.^< Vote and comments GodblessU<3