{ Nicole Alexi Demontarema' s POV }
Minulat ko ang mga mata ko at napalingon ako sa paligid. Nakita ko si Kenneth na nakasandal sa sofa na hinihigaan ko. Sinilip ko ito at nakitang tulog ito doon. Medyo papatungo pa nga yung ulo nya e.
Dahan dahan akong bumangon at umalis sa sofa. Maglalakad pa lamang ako palayo pero biglang may humawak sa may binti ko.
" Wag mo akong iwan-- " narinig kong sabi ni Kenneth.
" Kenneth? " nilingon ko sya at nakita kong nakapikit parin ito. " Tulog ka pa, nagsle-sleeptalk ka-- "
Nagulat ako ng bigla nyang hinila ang kaliwang kamay ko at napabagsak ako sa kanya. Minulat nya yung mga mata nya, tagos na tagos yung emosyon sa mata nya.
Parang, yung batang takot dati na kinwento nya sakin.
" Wag mo akong iwan. Please. " sabi nya, halos maluha luha na.
Parang napako ako dun sa eksenang yon, sa oras na yon. Parang nung oras na yon, pilit syang bumababa sa hagdanan na naghihiwalay samin. Bumababa sya, para sakin.
Para magkasama kami.
" A-ano kasi.. " dahan dahan kong sabi kay Kenneth.
" Kasi... " hindi ko makapa ang sasabihin ko.
" Kasi ako Nicole, mahal-- "
Hindi nya pa natatapos yung sinasabi nya nang marinig ko yung boses na yun.
" Nicole. " tawag nya pa sa akin.
Alam na alam ko yung boses na yon. Napakasarap sa tenga pero napakasaklap sa puso. Pero sa sandaling yun napako na naman ako.
Lilingon na sana ako pero biglang hinawakan ni Kenneth yung pisngi ko.
" Pag nilingon mo sya, mawawala ako sa buhay mo. " sabi nya sa akin.
Gusto kong lingunin yung lalaking minahal ko.
Pero ayaw kong pakawalan din ang lalaking to.
" Nicole! Nicole naman oh! " sabi ulit ng boses na yon, boses ni Franco.
Bigla akong hinila pa lalo ni Kenneth at hinalikan nya ako. Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko. Napako na naman ako. Nararamdaman ko ang nararamdaman nya. Para kaming pinagisa.
Tumigil sya at hinarap ako. Nakita ko yung mga mata nya, halo halong emosyon ang nandoon. Parang bagyo.
" Nicole.. "
" NICOLE! "
" NICOLE ALEXI DEMONTAREMA! GUMISING KA NGA DYAN NALAGLAG KA NA SA SAHIG HINDI MO PA NARAMDAMAN TONG BABAENG TO TALAGA NAKO PO GUMISING KA NA HUY! "
Napapikit ako tas napakusot ako ng mata ko. Naimulat ko ang mga mata ko at nakita si Kenneth na nakatayo hawak hawak ang braso ko, niyuyugyog.
Panaginip lang pala yon. Pero parang totoong totoo e.
" Hay sa wakas nagising ka na rin. 12 na. Kain na tayong tanghalian. Kasabay natin si Amy pauwi na daw sya. " sabi ni Kenneth sabay upo sa sofa. Ako naman ay napaupo sa sahig at inayos ang sarili ko.
Ang weird naman ng panaginip ko! Huuuuu. =3=
" Okay ka lang ba? Gulo mo kasi matulog e, nalaglag ka tuloy. Sabi ko naman sayo sa kwarto ka na e. " sabi nya. Para talagang nanay to. Hmp.
" Umuulan ba? " tanong ko kay Kenneth. May narinig kasi akong malakas na buhos tas medyo madilim sa may bintana.
" Yup. Sana hindi abutan ng traffic si Amy. Nagugutom na ako. " sabi ni Kenneth sabay bukas ng tv.

YOU ARE READING
Kenneth Be Reached
Teen FictionFINISHED. I cannot reach you for we are two different things. You are the sky and I am the earth. We meet but never touch.