Anyway, sa ngayon, isang bagong problema na pansamantala ang kakaharapin ko. Tsss... paano ba ‘to? Ngayon pa! Ngayon pa! Pero ayus lang dahil para kay Lorenzo naman ang gagawin ko, kailangan lang na mag-ingat ako – two days lang naman, two days.
‘Ano, naka-order na kayo?’, tanong yan ng bagong dating ko na bespren.
Tae talaga ‘tong gunggong na ito! Nagka-girlfriend lang, nale-late na sa usapan?!
Pag-ibig nga naman....!
---------------------------------------------------------
Chapter 56 : . . . Matulog Ka Na . . .
‘Baby, pumasok ka na, hayaan mo muna siyang magpahinga. Ako na bahala sa kanya.’
‘Sige po Ma.’
‘Oo nga, wag ka mag-alala magiging OK yang bespren mo, malaki na siya at isa pa, lalaki yun.’
‘Huh, anong connect?’
‘Kayo, tigilan nyo na yan, Mart sige na ihatid mo muna yang kapatid mo sa school gamitin mo muna yung car, magta-taxi na lang ako.’
‘Opo Ma. Tara na... Kit?’
‘Kuya ah!!!’
‘Heheh binibiro ka lang, asus...’
‘Ma, si Kuya oh!’
‘Mr. Martin delos Santos... Lorenzo, kayong dalawa kung kelan kayo tumanda saka kayo nagkakaganyan, hala sige na alis baka ma-late pa kayo nyan pareho!’
‘Bye-bye Ma!’
‘Muah.’
Dahil sa naganap na pambubugbog kay Jerry ay nagpasya si Irma na sa bahay nila pansamantala tumuloy ang binata para makapagpahinga at magpagaling. Hindi naman kinailangan na i-admit ito, maliban sa mga bukol, pamamaga sa ilang parte ng katawan at pasa sa mukha at galos ay wala namang napinsalang internal organs sa binata, mabuti na lamang. Magkasama sa kwarto na natulog noong nakaraang gabi sina Jerry at Ren subalit walang kibo ang una mula sa ospital hanggang sa iuwi ito maliban sa naging lihim na usapan nila ng Ninang Irma niya.
Bago umalis patungo sa trabaho ay umakyat si Irma upang tignan ang inaanak sa kwarto ni Ren. Pagpasok sa pinto ay napansin nitong sumisinghot pa ang binata bago niya ito kausapin bagaman bahagyang patalikod na nakahiga ito sa kama.
‘Mabuti gising ka na, may pagkain na sa may kusina. Kung nagugutom ka na kumain ka na lang anak. Don’t worry, hindi ko tinawagan si Jasmine at Greg... haayyy mga batang ‘to talaga, last week si Ren, ngayon ok na siya, ikaw naman...’, mahabang saad ni Irma habang hinahaplos ang buhok ni Jerry.
Bumangon si Jerry, at naupo sa kama sabay marahang yumakap sa Ninang niya at pinakawalan ang mahinang hikbi.
‘S-sa-lam-mat Ninag, w-wag nyo na po-ng s-sabihin kay Mama at P-papa ito.’, wika ni Jerry sa pagitan ng pag-iyak sa balikat ng Ninang Irma niya.
‘Ano bang nangyari bata ka?’, nag-aalalang tanong ni Irma.
Patuloy lamang sa pagyakap at hikbi si Jerry sa kanyang Ninang, walang sagot.
‘Sshhh, tahan na, oo hindi ko na sasabihin, di ko naman sila tinawagan pero ano bang nangyari sa’yo bata ka? Pinag-alala mo kami, bakit ka ba nabugbog at sinong may gawa nyan sa’yo?’, ang magkakasunod na usisa ng Ninang.
