Tanging Mahal (Chapter 41 : The Kids Are Not Alright )

5.6K 116 11
                                    

Nabuo na ang mensahe at tatapikin na sana ni Ren ang send button nang biglang may pumasok na bagong mensahe at di sadyang mabuksan niya ang laman nito.

5:14PM

Hey, may utang ka sa akin dun sa portfolio mo ah...
Nga pala, di mo pa sinagot yung tanong ko kanina :-(

bakit magkasama kayong dalawa ni Captain kanina?

-Kenneth Espinas

-----------------------------------------------

 

Chapter  41: The Kids Are Not Alright  

Sabado, araw ng CSBL Championship.

3:17PM

‘Anong nangyayari Jerry? Bakit may ambulansya?’

Tanong ni Ren habang nasa loob ng kotse at pinagmamasdan sa side entrance ng coliseum ang papalabas ng mga medics na may tulak na stretcher palapit sa isang puting ambulansya. Kasunod ng mga medics ay ang coach ng team na namukhaan agad ni Jerry at ang kasama nitong si Mike at isa pang teammate nito.

Ang tunog mula sa papalayong ambulansyang at nagsisimulang lumakas na ulan ang maririnig mula sa kinauupuan ni Ren habang tanaw niya ang lumabas sa sasakyang bestfriend at tumatakbong palapit sa dalawang lalaki sa gilid ng entrance gate. Bumaba na din ng kotse si Ren.

‘Ren, come on!’, tawag ni Jerry upang sumunod na rin ito pagpasok.

----- ----- ----- -----

Suot ang baby-blue shirt, jeans at sneakers ay magkasamang naglalakad sina Ren at Jerry patungo sa audience area sa ring side na kanilang pwesto  – iyon kasi ang sinasabi sa ticket na hawak nila na ibinigay ni Mike sa kanya, lampas isang lingo na nag nakalipas. Ilang hakbang pa ay natanaw ni Ren sina Icko at Ruby na kumakaway pa mula sa kinauupuan nito kaya naman kumaway siya pabalik dito ngunit puna ni Ren ang kakaibnag ekspresyon sa mukha ng kaibigang babae.

Nang makalapit na si Ren ay bumungad agad ang isang tanong mula sa kaibigan.

‘Saan ba kasi kayo galing, at ikaw bakit ang tagal mong dumating Friend?’, pinaghalong pag-aalala, di mapakali at inis ang tono ni Ruby.

Napaupo na si Ren at sa tabi niya ay si Jerry na sumunod na din sa pagkakaupo sa nakalaang pwesto para sa kanila, at hindi tuloy maiwasan ni Ren na isipin ang nangyari noong nakaraang gabing umuulan matapos silang makauwi.

‘Uh, it’s a long story girl...’, buntong hininga ni Ren.

‘Yeah right, ayan malapit na mag-second-half pero naka-indefinite time out pa muna.’, sabi ni Ruby.

‘Sensya na...’, paumanhin ni Ren habang nakatingin sa bakanteng court.

.  .  .  f l a s h b a c k

 

6: 15PM

Biyernes sa tahanan ng mga Delos Santos.

‘Jerry anak, nai-park mo ba yung car mo na maayos?’, tanong ni Irma, ina ni Ren.

‘Opo Ninang.’, sagot ng binata.

‘O sige magpalit na kayo ng damit tapos mamya tawagin ko na lang kayo para kumain.’, bilin ni Irma.

‘Ma, si Kuya?’, usisa naman ni Ren.

Tanging Mahal [BxB/Complete]Where stories live. Discover now