Bakit maraming Single

374 3 0
                                        

Bakit nga ba maraming Single ?

Gaya nga ng sinabi ko mga bes takot sa commitment. Ayaw masaktan. Ganern. More time sa work, school and family. Yun bang mas pinaprioritze ang ang goals bago mag love life.

Mas gusto nila yung maraming crush para more chances of winning hahaha. Yung iba trip lang maging single. Yung iba kakagaling lang sa break-up at yung iba mas gusto lang ng fling.

Pag nagsawa na sa ka-fling iba naman. Para bang nakasanayan na palaging may reserba pag ayaw na. Meron pang ibang dahilan kung bakit maraming single. Single sila kasi takot na magtiwala. Yun bang tipong binigay mo lahat ng pagmamahal mo parang hindi pa rin enough sa taong yun at naghanap pa ng iba.

Meron namang Single pa kasi gusto muna gawin lahat ng bagay na hindi na nya magagawa kapag pumasok na sya sa isang long term relationship. Yun bang mag iinom at mag ha-hang out with friends habang hindi pa committed. Kasi pag nagka boyfriend/girlfriend na sya, marami ng bawal.

Marami pang Single kasi hinihintay si Mr. Right o yung tamang babae para sa kanila. Nako mga bes hindi yan totoo. Kasi kusa syang darating sa hindi mo inaasahang pagkakataon. Yun bang hindi mo kailangan hintayin o maghintay kasi bigla nalang darating.

Marami pang Single kasi gusto nila ma-achieve yung goals nila sa buhay. Makatapos ng pag aaral. Mapromote sa trabaho. Magkaroon ng sariling bahay at sasakyan.

Single Since Birth. Yung mga pinanganak na NGSB at NBSB. Yung tipong tumatanda na wala pa rin jowa. O kaya naman matandang binata o matandang dalaga. Napag iwanan na ng panahon. Kung kelan tumanda saka pa hindi nagkaroon ng asawa't anak.

Single kasi kakabreak lang sa jowa nung 23 HAHAHAHA. Mga nagmahal, nasaktan, nagsayaw at sumali sa Dancing In Tandem ng It's Showtime. Kesa mag mukmok o mag kulong sa bahay, sinusubukan bumangon sa nakaraan. Tumatayo kapag nadapa. Don't let your self down. Eh ano kung nagbreak kayo hindi mo naman ikinamatay diba ?

Hindi naman nakakamatay ang pagiging single mga bes. Bakit ? Kasi maraming taong nagpapasaya sa inyo. Andyan ang pamilya nyo at mga kaibigan. Meron kayong kasama sa hirap at ginhawa. Sa lungkot at ligaya.

Hindi naman nakadepende sa ibang tao ang buhay natin. Nakadepende yan sa sarili natin. Kaya wag mong gawing mundo ang isang tao. Dahil hindi sya planeta. Hindi rin sya oxygen na mamatay ka kapag nawala.

Live life to the fullest nga sabi nila. Gawin mo lahat ng makakapag pasaya sa'yo. Baguhin mo yung nakasanayan mo na lagi mong sinasabi na "Mahal ko sya at hindi ko kayang mawala". Maling mali yun. Bago pa sya dumating sa buhay mo, anak ka na ng nanay at tatay mo at nabuhay ka na. Bish please. Hindi lang sya yung tao sa mundo.

Malay mo yung taong yun nasa tabi mo lang pala o kasama mo na hindi mo lang napapansin kasi yung isip mo nasa ibang tao. At yung tinitibok ng puso mo eh hindi pala para sa taong niloko ka o iniwan.

Single pa kasi inuuna ang pamilya. Yun bang tinutulungan ang mga magulang habang hindi pa nagkaka asawa o jowa. Mas priority ang Parents. Binabalik mo lang yung ginawa nila sa'yo nung bata ka pa. There's no wrong if ikaw ang bumubuhay sa magulang mo.

They're getting old. Remember inalagaan ka nila ng mahabang panahon. Now it's payback time. Make more time to spend it with them. Ipasyal mo sila. Mahalin mo sila habang nabubuhay pa sila.

Single pa kasi umaasa sa Happy Ever After. Hello hindi po fairytale ang buhay natin. Wag kayo umasa dun. Bakit pag nalason kayo sa mansanas at namatay, pag hinalikan kayo ng di nyo kakilala mabubuhay pa ba kayo ? Hindi diba.

Maraming umaasa sa ganyan. This is reality. Walang ganyan sa totoong buhay mga bes. Ano yun di mo kakilala pero hinalikan ka para lang mabuhay ? Tss. Kalokohan yan.

Remember mga bes we're living in a real world not in a fairytale story. Kaya tama na kaka asa sa mga ganyang bagay.

Single pa kasi wala pa sa isip pumasok sa isang long term relationship. Mas gugustuhin mapuyat kakabasa ng istorya sa wattpad kesa mapuyat maayos lang ang relasyon.

Mas gusto nila mag daydream na sila yung girlfriend/boyfriend ng mga wattpad cast. Iniisip na sana sila yung hinahalikan, niyayakap, pinagtatanggol o kaya nasa bed scene hahaha.

O di kaya naman pinapantasya si Jeydon, Elijah, Zeke, Supremo na sana ganun jowa nila. Hays. Wag kayo mag alala kasi ako patay na patay kay Elijah Riley Montefalco ng Until He Was Gone ni jonaxx .

Kulang nalang magpatayo ako ng rebulto ni Elijah sa bahay namin at tabihan sa pag tulog hahaha.

Single kasi strikto ang mga magulang. Yun bang madaming bawal. Bawal mag jowa. Bawal gumimik. Bawal umalis ng mag isa. Bawal sumama sa mga kaibigan. Basta maraming bawal.

Alam ko sa inyo maraming ganito. Siguro kaya sila ganun kasi ayaw lang nila na may masamang mangyari sa'yo.

Single kasi umaasa sa blind date. Pag nakita na ang kablind date, hindi na uulitin. Umaasa rin sa Omegle. Naghahanap ng ka sparks. Tinry ko rin yan walang nangyari. Imbes na sparks sasabog ako ng bongga.

Single kasi walang time sa love life. Nalolosyang kakaisip sa school, sa trabaho at bayarin. Mas uunahin muna problema sa ibang bagay kesa sa pagproblema sa love life nila hanggang sa maubusan ng oras at mapag iwanan ng panahon.

Single kasi nagiging praktikal na sila. Minsan ng iniwan, niloko at pinaasa. Pag niloko ka ba ng taong mahal mo, sa tingin mo magtitiwala ka ba agad ? Di ba hindi ? Kaya ganun. Love takes time. Hindi mo kailangan magmadali pumasok sa isang relasyon lalong lalo na kung walang kasiguraduhan -

Single kasi nag pari, madre o monghe. Nangako sila na pagsisilbihan ang Panginoon o ang sinasamba nila. At maging tapat sa tungkulin nila.

Single kasi ayaw magpakasal. Mas gusto yung malaya sila. They can do anything they want. Gusto nila marami silang nakikilala. Especially what they always wanted is to make love only. Pagkatapos di na magpapakita or magpaparamdam.

Single kasi young, wild and free. They can do lot of things na walang ibang iniisip kundi maging masaya. Like going on a club, bar, get high, and do whatever they want without a permission to others or they're boyfriend or girlfriend.

Single kasi iniisip na walang magkakagusto sa kanila o manliligaw. They always think na hindi sila bagay sa crush nila or nililigawan kasi maganda o gwapo tapos kayo hindi kagwapuhan o kagandahan. Love is not what your eyes sees, but what your heart feels. It's about loving all your flaws not because you're beautiful, handsome or ugly.

Lahat naman tayo may kapasidad na magmahal. Hindi lang puro panlabas na anyo dapat binabase. Dapat may magandang kalooban. Remember ang maganda o gwapo pag tumanda, they're beautiful faces fades too. They're having fine lines and wrinkles.

Kaya wag kayo mawalan ng pag asa na isang araw may magmamahal rin sa inyo. Yung mamahalin kayo hindi dahil sa maganda o gwapo kayo but because what their heart feels. Yung nakikitaan kayo ng magandang pag uugali.

Single kasi takot mafriendzone. Yun bang gusto umamin na may gusto sya kaya lang natatakot kasi baka sabihin feiends lang talaga. Mga bes walang masama sa pagsabi ng totoong nararamdaman. Atleast you tried your very best para masabi yung nararamdaman mo kesa itago.

Bakit Ka Single ?Where stories live. Discover now