Bakit Ka Single ?

88 2 0
                                        

Ayon sa mga napagtanungan ko sa facebook, twitter at mga dumadaan kung bakit sila single eh eto ang sagot nila.

Feedbacks from Facebook, Twitter and Dumadaan sa kalye:

"Single po ako kasi wala namang tumatagal sakin na relationship. Saka matagal mag move on". - Sam Liwanag

"Masarap po kasi maging single. Walang problema at sayang lang ang pera". - Lai Peñaredondo

"Single ako kasi sa tuwing nagmamahal ako, lagi na lang ako iniiwan mag-isa". - Bryan Lazaro

"Kasi may hinihintay ako". - Adrian San Andres

"Kasi namomroblema lang ako. Ayoko ng commitments at di ako makakapagfocus sa study". - Peter Roque

"Kasi mas priority ko ngayon yung pag aaral at gusto ko muna enjoyin yung sarili ko. Pinapangako ko na sa susunod na mamahalin ko ay yung pakakasalan ko". - Simon Pasuengos

"Ewan ko din eh. May nanliligaw naman pero ayaw ko. May gusto ako pero may gf na eh, pero gusto din nya ko. Siguro mapili lang talaga ako kaya single ako. Pag di ko kasi gusto ayaw ko talaga pag gusto ko naman palaging may gf na. Umabot na rin ako sa puntong may gusto na rin ako sa kapwa ko babae". - Chin Regis

"Ayoko pa eh, dadating naman yung babaeng para sakin. Ayoko magmadali dahil may ibibigay si God na mas better". - Wilbert Leyva

"Bakit ako single ? Dalawang rason kung bakit ako single. Una single ako dahil iniwan ako ng taong akala ko hindi ako iiwan gaya ng ex ko. Pangalawa, single ako dahil takot na akong magtiwala at takot masaktan pa". -Mycah Samiano

"Baka kaya sila single kasi ang chaka nila bes HAHAHA". - Kyle Velasco

"Hindi mo ako niligawan eh haha". Jhon Castelltort

"Single ako kase, ayoko na munang magmahal. Mas gusto ko na munang mahalin yung sarili ko kaysa ibang tao. Ang hirap kase kapag nagmahal ka kakambal talaga yung sakit pero hanggang kailan ba dapat masaktan? Nakakasawa na kase kaya mas mabuti na yung sarili ko muna bago iba ayoko na kase na masaktan ng paulit ulit". - Princess Brazas

"Wala trip ko lang". -Queen Gail

"Kasi wala jowa ko dito" - Elissa Suazo

"Dahil sinaktan ako ng tao ng lubusan kong minahal pero sinayang lang ako". - Erika De Matta

--------------------------------------------------------------------------------

Bakit ka nga ba Single ? Marami kasing dahilan kung bakit ka Single.

Una ayaw mo sa commitment. Takot kang masaktan. Feeling mo lolokohin ka lang nya.

Pangalawa mas gusto mo ng kafling lang. Para kung sino unang mafall talo. Feeling mo Pagsanjan ka bes. Ang hilig magpafall.

Pangatlo study first. Gusto mo muna makatapos ng pag aaral at saka iprioritize ang love life. Sagabal lang ang lovelife habang nag aaral. Imbes na pumasa ka bumagsak ka kasi inuna ang jowa bago magreview para sa exam. May point ka rin naman kung bakit ayaw mo mag jowa.

Pang-apat strict ang parents mo. Pag hindi ka pa nag 18 bawal muna mag jowa. Pero pag dating mo ng 18 saka na raw kapag nakatapos na. Pero ngayon grade 6 pa lang may mga jowa na. Dinaig pa yung mga college student na busy sa pag gawa ng thesis.

Pang-lima wattpad is love. Yun bang hindi kumpleto araw mo kapag hindi mo nabasa yung mga gawa ni jonaxx , blue_maiden , forgottenglimmer , maxinejiji . Talagang magpupuyat ka matapos lang yung buong kwento.

Pang-anim kinain ka ng kakapantasya kay Elijah Montefalco, Zeke Roswell, Jeydon Lopez, Supremo Ace Craige at sino sino pang Wattpad Hotties. Pag may bed scene iniisip mo sana ikaw yun.

Pang-pito patay na patay ka sa crush mo. Pag hindi mo nakita sa school para kang namatayan o kaya biyernes-santo mukha mo. Hindi ka kakain kasi di mo sya nakita kaya wala kang gana. Punyeta mamamatay ka kakahintay dumating yang pesteng crush mo na busy sa girlfriend nya !

Pang-walo ayaw mo gumastos ng pera kada monthsary, anniversary o kaya birthday ng jowa mo. Nasasayang pera mo tapos ibebreak ka rin naman !

Pang-siyam mas gusto mo kasama mga kaibigan mo. Inom dito. Inom dun. Tambay dito. Tambay dun. Kain dito. Kain dun.

At ang Pang-sampu kung bakit hanggang ngayon single ka pa rin kasi hindi ka maka MOVE ON sa ex mong panget o kaya manloloko ! Bes hindi yan nakakaganda o nakakagwapo. Nakakatanga yan pramis.

Bakit Ka Single ?Where stories live. Discover now