54: Trouble again?

33.3K 842 95
                                    

MEAGAN PEREZ' POV

"Stop it +_+" Naiinis na pagpapatigil sa 'kin ni Van sa ginagawa ko.

"What?" Nangingiting sagot ko sa kanya.

Nakaupo siya sa baba ng kama. Ako naman, nakahiga sa kama, nasa right side niya bandang likuran, at pakuha-kuha ako ng pagkain sa tray na dala niya. Inihalumbaba ko ang right hand ko at pinangsuklay ko naman ang left hand ko sa buhok ko mula kanan pakaliwa at saka ngumisi sa kanya nang nakaloloko. I bite my lower lip at hindi ko siya tinitigilan sa pagngiti ko.

Hindi niya magawang tumingin sa 'kin. Kanina pa siya iwas na iwas 😂

Inilapit ko ang lips ko sa leeg niya at saka iyon hinipan nang bahagya.

"What the fvck?!" He shouted saka napatayo at humarap sa 'kin nang naiinis.

Napatawa ako nang malakas. "Inaano ba kita? 😂"

Sinamaan niya ako ng tingin "Hindi ako nakikipagbiruan, Mrs. Alvarez!"

Napanguso ako at saka napahalukipkip. "KJ!" Umirap pa 'ko sa kanya.

Gan'to kasi 'yon, dumiretso kami sa bahay ni Van pagkatapos ng klase namin. Dito na kami sa kwarto niya dumiretso dahil inaya ko siyang manood ng Fifty Shades of Grey 😂 Napanood ko na 'yon. Noong una, ayaw niyang 'yon ang panoorin namin, pero dahil isinalang ko na sa DVD player niya, wala na rin siyang nagawa. Alam kong napanood na niya 'yon, hindi ko naman 'yon makikita sa case niya ng mga movie kung hindi niya pa napapanood e.

Sa kalagitnaan ng pag-aano nila Christian at Anastacia, lumabas si Van nang magkasalubong ang kilay at nagsabing ipaghahanda niya raw ako ng makakain. Natatawa ako kasi naaawkward siya sa pinapanood namin 😂

Habang nasa baba siya, nagpaalam ako sa kanya na manghihiram ako ng damit niya dahil napawisan na ang uniform ko (Nakakapawis kasi yung movie, besh! Lol 😂) Pumayag siya, at ako naman 'tong sinaniban ng kabaliwan, yung inner long sleeves na hinubad ni Van galing school ang sinuot ko at dahil sa malaki 'yon sa 'kin, halos matakpan na n'on ang skirt ko. Parang katulad na tuloy siya ng sinuot ni Anastacia noong pinagluto niya si Christian sa condo nito. Feeling ko nga mas sexy pa ako tingnan sa kanya e hahahahaha.

Pinatay ko yung pinapanood namin. Nararamdaman kong papaakyat na si Van pabalik sa kwarto niya kaya dali-dali akong humiga sa kama. Nakatagilid ako at sinigurado kong ako ang unang makikita ni Van pagpasok niya ng pintuan, nakaparang halumbaba ako pero sa ulo ang hawak instead na sa baba (halung-ulo pala dapat, jk ✌) Operation: Akitin si Van Alvarez.

Pagpasok ni Van, literal siyang napanganga nang makita ako. Nakalipbite rin kasi ako at kumaway pa sa kanya. "Hi, Vannybaby."

Tumaas ang kaliwa niyang kilay. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Animo'y parang nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa 'kin.

Inilapag na niya ang tray at saka siya naupo sa ibaba ng kama. Aba, ni-snob ang aura ko >.>

"Nakaskirt ako, yung uniform ko lang pantaas ang tinanggal ko." Sabi ko sa kanya.

"Hubarin mo 'yang longsleeves ko -_-" Utos niya sa 'kin. Nasa bandang likuran niya nga ako sa right side, nakahiga pa rin. Lumapit lang ako sa kanya at saka yumakap sa leegan niya.

"A-yo-ko!" Sagot ko nang pailing-iling pa.

"Nagamit ko na 'yan -_-"

"And so? Ang saya nga e, amoy Vannybaby 😂" Patawa-tawa pa 'ko.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now