MEAGAN'S POV
Pagkatapos ng klase, as usual, pumunta ako sa locker room para ilagay do'n ang bag ko. Mag-isa lang ako. Si Abbi kasi, kaagad na sumama kay Kurt. Ewan ko ba do'n sa dalawang 'yon, may something na yata sa kanila. Hindi talaga mapipigilan si Abbi pagdating sa lalaki. Hwag lang magkamali ang Kurt na 'yon na saktan ang bestfriend ko, malilintikan siya sa 'kin!
"O-Oy, nandito ka pala." Sabi kong ganon kay Van pagkapasok na pagkapasok ko sa locker room.
Nakasandal siya sa locker katapat ng kanya-na katabi no'ng sa 'kin. Hindi niya 'ko sinagot. Sunod lang ang tingin niya sa 'kin habang papalapit ako sa locker ko.
"...You are mine, Meagan Perez! I'm your boyfriend."
Ugh! >,< Bakit kailangan na namang magplay sa utak ko ang sinabi niyang 'yon? Kanina pa 'to sa room a. Napaka naman kasi nitong si Van. Kung ano ano nalang ang lumalabas sa bibig niya. Naloloka tuloy akes! (>_<)
Kung bakit ba kasi magkatabi pa ang locker namin e.
At bakit ba kasi ako nao-awkward ngayon sa tingin niya? (_>>)
Hindi ako kinilig kanina sa sinabi niya a, hindi talaga! I don't know why it still playing inside my head. Parang sirang plaka.
Hindi ko nalang siya pinansin. Binuksan ko nalang ang locker ko at saka ipinasok do'n ang bag ko. Ramdam na ramdam ko pa rin ang mga tingin niya.
Ugh! Stop that, you gangster! /(>_<)\
"Wear this. Aalis tayo."
Napatingin ako kay Van. May iniaabot siya sa 'king isang kulay brown na paper bag.
"Ano 'yan? Tsaka saan tayo pupunta?"
Umiwas siya ng tingin sa 'kin. "Tignan mo nalang kung anong laman niyan 'pag magbibihis kana. Ang dami mong tanong."
"Ang sungit mo naman. Inaano ba ki-"
"Magpalit ka nalang." Utos pa niya at saka inilapit sa mukha ko yung paper bag. Kinuha ko sa kanya 'yon at saka padabog na lumabas ng locker room. Kailan ba ako kakausapin ng taong 'yan nang hindi siya nagsusungit?! Grabe, hindi uso goodvibes?
Pagkapasok ko sa comfort room, kaagad kong tinignan ang laman non.
Damit at pants pala.
Napansin kong may papel siyang isinama sa loob. Isang handwritten letters.
'One sin is equal to a date. Dare to deny me again, you're dead!'
Kumunot ang noo ko. He really wrote this? At, talagang big deal sa kanya ang pagdeny ko kanina sa kanya bilang boyfriend ko? (_>>)
If I know, ayaw niya lang mapahiya sa harap ni Drake kanina. Tama! Yun lang 'yon. =____=
Pinalitan ko na ang school uniform ko ng damit na ipinapasuot sa 'kin ni Van. Minnie Mouse ang design no'n na may nakasulat na 'His'. Simple white shirt lang naman siya pero ang cute. Tapos black pants.
Itinupi ko nang maayos ang school uniform ko at inilagay sa paper bag kasama ng black shoes ko. Kailangan ko na namang bumalik sa locker room para kunin ang rubber shoes ko. Buti nalang, iniiwan ko 'yon do'n palagi.
Pagbalik ko sa locker room, wala na do'n si Van. Nasa parking lot na siguro. Kinuha ko ang white rubber shoes ko at saka isinuot. Naglagay ako ng powder sa mukha, nagsuklay ng buhok at saka na lumabas para puntahan si Van.

YOU ARE READING
I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)
Teen FictionHindi akalain ni Meagan na mula sa isang boring at paulit-ulit na routine ng kaniyang buhay, sa isang iglap ay mababago pala ito nang dahil lamang sa isang gang leader na si Van. She never imagined dahil sa gangster na ito ay ma-eexperience niya pal...