36. Luha

5.5K 276 36
                                    

Tinititigan ni Daniel si Kathryn habang yakap yakap niya ito sakanyang bisig habang sila ay nakahiga sa sofa kung saan sila muling nagtalik ng asawa matapos ang sampung taon. Hinaplos niya ang mukha nito habang mahimbing parin itong natutulog.

Hinalikan niya ang noo nito, "I love you..." At saka mas niyakap pa niya ito ng mahigpit.

Galit siya nang muli silang magkita. Matapos ang limang taon bumalik ang asawa niya sakanya, pero hindi niya maalis sa isipan ang ginawa nitong pagiwan nito sakanya. Pero hindi naman niya maitatanggi na mas malaki ang parte niya sa pagkasira nilang dalawa. Sa pagkawala ng kanilang pamilya.

They've already lost ten years, at ngayong nagkita na sila hindi na nila dapat palalimin ang sira ng kanilang pamilya. Maybe that's why fate brought them back to each other, why fate let Kathryn find him, ay para maayos na ang lahat sakanila at para mabuo narin sila.

Nagkaroon siya ng pamilyang iba, napamahal siya kay Luna lalong lalo na kay Leen. Hindi naman niya ito basta pwedeng iwanan kaya kapiling niya ang anak anakan. Si Luna, Luna is just his friend. Walang namagitan sakanila dahil mahal pa ni Luna ang dating asawa, gayon din naman siya. Hindi siya natapos mahalin si Kathryn. Hindi siya napagod. Pinigilan niya, oo. Pero hindi siya nagtagumpay.

At ngayon na binigyan na siya ng pagkakataon upang maayos muli ang kanilang pamilya, at muli silang makasama, hindi na siya magsasayang ng oras.

He will do everything what it takes para maibalik ang lahat.

NAGISING si Kathryn ng maramdaman niya ang paglapag niya sa kama. Minulat niya ang kanyang mga mata at nakita ang asawa, ngumiti siya dito at hinawakan ang mukha nito. Hinalikan ni Daniel ang kanyang kamay saka ito umalis mula sa pagkakahawak niya. Kumunot ang kanyang noo nang hindi na niya ito nakita, tumayo ito mula sa pagkakahiga at nakita si Daniel na palabas ng kwarto.

Hinawakan niya ang kumot na nagtatakip sakanyang katawan at saka naglakad papalapit sakanilang aparador para kumuha ng damit. Isinuot niya iyon at saka sinundan ang asawa.

Natagpuan niya si Daniel sa kwarto ng kanilang panganay na anak. Napangiti siya ng malungkot lalo na at napansin niya ang pagpunas nito ng kanyang mata, ng kanyang luha. Lumapit siya rito at niyakap niya ito mula sa likuran. Naramdaman niyang nagulat ito pero kalaunan ay niyakap rin siya nito pabalik.

"Mapapatawad pa ba niya ako?" Napatigil si Kathryn sa tanong ni Daniel. Lalo pa at nagsimulang manginig ang mga balikay nito at ang kanyang boses. "Tangina ko kasi e, dami kong alam." Sarkastikong sabi ni Daniel.

Iniharap niya ang asawa at saka niya pinunasan ang mga luha, "Anak mo iyan, mana yan sayo, may mabuting puso. Mapapatawad ka niyan, kailangan lang ng oras at lambing niyan. Kaya mo yun."

Ngumiti si Daniel at niyakap siya ng mahigpit. "Pwede mo ba ko kwentuhan tungkol sakanila?"

Humiwalay siya sa yakap at ngumiti kay Daniel at saka tumango.

NAKAUPO sila sa sofa habang nilalaro ni Daniel ang mga kamay ni Kathryn. Masayang nagkkwento si Kathryn tungkol sakanyang mga anak. Ang gaan sa pakiramdam, nagsisimula na ulit sila.

"John is a total replica of you. Suplado pero ang totoo, hindi naman. Tapos, ayaw din niya sa isda. Masyadong tamad mag himay! Kaya no choice laging boneless binibili ko." Napangiti si Daniel nang marinig ang mga bagay na patungkol sakanilang anak. He missed their children ten years of their growing years, and knowing this things make him atleast, envision their growing years.

"Namana rin nita siguro sayo ang pagiging old soul. Heard him playing one of the oldest songs of the beatles. Lakas ng dugo mo!" Her wife said cheerfully. "But you know, I don't think that John is holding grudges towards you. He's just...mad."

Tinignan ni Daniel ang asawa, nakakunot ang mga noo nito tila hindi naintidihan ang mga sinabi nito. Ngumiti si Kathryn at hinawakan ang kaniyang mukha.

"I once caught him playing one of your songs, he was listening to it." Nawala ang mga ngiti ni Kathryn at nagiwas ng tingin. "I'm sorry. Kasalanan ko ata na nagalit siya sayo."

"I told him something that made him conclude that you have another family. John, ang mature niya na magisip." Naramdaman niya ang pagluwag ng mga yakap sakanya ni Kathryn. Humiwalay ito sakanya at humarap.

"Kailangan lang maramdaman ni John na bumalik ka. Na hindi ka nawala. All he needs is the presence of his father."

DANIEL peek through John's room, looking what his son's doing. Nadatnan niya itong nagpapatugtog. And it's not just any song, it was his hit song, the ever famous Nasa Iyo Na Ang Lahat.

He cleared his throat to get his son's attention. Agad namang nataranta ang anak ng marinig iyon. Agad nitong pinatay ang tugtog at lumingon sakanya. Nang nakita siya nito ay nanlaki ang mata nito at agad na nagiwas ng tingin. Bumalik ito sa ginagawa, ilang sandali pa ang makalipas ay napagpasiyahan na niya na kausapin ang anak.

"Kanta ko ba iyon?" Malambing na tanong niya rito. Hindi sumagot ang anak, kaya ay pumasok ito sa kanyang kwarto at umupo sa kama nito. Napalingon sakanya si John nang marinig ang pagtunog ng kama niya. Napakunot ang noo nito at mataimtim siyang tinignan.

"Bakit ka nandito?" Mahina pero malamig nitong tanong.

"Gusto lang kitang kamustahin."

Ngumiti ng mapakla sakanya si John at umiwas ng tingin at muling bumalik sa ginagawa nito, "After yen years?"

Napatahimik si Daniel sa tanong nito. Nilingon siya nang anak ng hindi siya nagsalita matapos ang ilang sandali.

"If you don't mind I'm busy, so please." Tinignan ni John ang pintuan na nagsisilbing pinapalabas na siya ng kwarto ng anak. Huminga ng malalim si Daniel bago ito tumango at tumayo. Muli niyang tinignan ang anak. Umiwas it ng tingin.

Tumalikod na si Daniel at lumabas ng kwarto. Kasabay ng paglabas ng luha sa mga mata ng kanyang anak.
-

100+ votes! May quota rin ang comments 😁

Bernardo Ford [FIN.]Where stories live. Discover now