GLAIZA'S POV
Flashback
"Sigurado ka ba na kaya mong ligawan ang bestfriend ko?" Tanong sa akin ni Bianca,. Andito ako sa flower shop niya, buti na lang talaga alam ni Sally kung saan ko siya mahahanap.
"Pupunta ba ako rito kung hindi? Tsaka I love your bestfriend" I said.
"Aba dapat lang. Kasi kung hindi sinisigurado ko sayo ibibitin kita ng patiwarik" pagbabanta nito sa akin.
"Oo grabe ka. Salamat sa sinabi mo ah. May idea na ako kung anong pwede kong gawin. Pero kailangan ba na kantahan ko pa siya?" Tanong ko sa kanya.
"Glaiza, dream ni Rhian yun nuh. Yung may manghaharana sa kanya sa bahay nila. Never kasi yun nagawa ng mga manliligaw ni Rhian before, si Jason naman hindi naman singer tsaka alam mo naman. Hindi siya gusto ng family"
"Pero paano ko gagawin yun? Magsusuot pa ako ng barong tagalog?" Di ko maimagine na ganun ang itsura ko.
"Hahaha! You're funny! Syempre hindi gaga! Kahit yung simpleng harana lang sa bahay nila. Ok na yun." She said.
"Hindi ba pwedeng sa shop ko na lang siya haranahin?" Tanong ko sa kanya. Nahihiya kasi ako sa parents niya eh. Well nakantahan ko naman na siya before sa harap ng parents niya, pero iba na yung ngayon eh, totohanan na.
"Hindi nga! Basta! Yun ang gawin mo! Haranahin mo sa bahay nila. Tapos after nun ilabas mo siya"
"Ok ako na ang bahala. Salamat sa payo ah"
"Wala yun. Basta para sa bestfriend ko" matapos kong makipag usap kay Bianca at bumili na rin ng bulaklak, umalis na ako, dahil pupuntahan ko pa si Rhian.
Pagdating ko sa shop si Rhian agad ang nakita ko at agad ko tong nilapitan.
"Hi beautiful" I said.
"Beautiful ka diyan! Tadyakan kita eh!" Ang brutal talaga nito kaasar. Pero ang cute niya ah.
"Hahaha! Ito naman. Flowers nga pala" sabay abot sa kanya ng bulaklak na binili ko kay Bianca.
"Teka bakit mo ba ako laging binibigyan ng bulaklak? Oo naiintindihan ko naman na nililigawan mo ko. Pero di mo na kailan pang bigyan ako ng bulaklak" she said.
"Alam mo kung bakit?"
"Bakit?"
"Mukha ka kasing flower vase" at agad naman niyang hinampas yung bulaklak na hawak niya.
"Biro lang! Ano ka ba! Hahahah. Binibigyan kita ng bulaklak, kasi gusto ko, mafeel mo na special ka." I said, nakita ko naman na napangiti siya sa mga sinabi ko.
"Special talaga?" Tanong nito sa akin.
"Oo, special. Special child" napatawa na lang ako sa sinabi ko, grabe natawa ako sa itsura niya, hindi ko maipinta.
"Walang hiya ka! Special child pala ah! Tse!" nagwalkout ang loko. Hahaha.
"Uy Rhi. Sorry na. Nagbibiro lang ako. Ang cute mo kasing asarin eh, mas lalo akong naiinlove"
"Mukha mo!"
"Maganda" sagot ko sa kanya.
"Ewan ko sayo. Sige na maupo ka na diyan at idadala lang kita ng kape mo" sinunod ko na lang ang sinabi niya dahil baka masapak pa ako ng wala sa oras. Hahaha. Ang cute kasi niyang mapikon, mas lalo akong naiinlove eh..

YOU ARE READING
Come Back Home
FanfictionPaano kung bumalik ang taong mahal na mahal mo, pero iniwan ka dahil sa hindi malamang kadahilanan? Are you willing to take her back? or kakalimutan mo na lang siya ng tuluyan? Saksihan ang sakit, pait at pag-ibig na nararamdaman nila Glaiza and Rhi...