ARA'S POV
Pangatlong araw na mula nang maoperahan si Nick pero di pa rin ito nagkakamalay, aalis na sila kinabukasan patungong states kasama ang Lola niya gusto niya sana bago siya umalis ay makita niyang gising na ang kasintahan pero di pa rin ito nagigising
Salitan ang ginagawa niyang pagbabantay sa Lola niya at kay Nick,halos hindi na rin siya natutulog sa ginagawa niya,
Napag usapan na din nila ng kapatid niya ang tungkol sa pamamalakad muna sa restaurant nila at napagkasunduan nilang ang kapatid muna ang pansamantalang mamahala habang nasa states sila ng Lola niya
Pagkatapos niyang ihanda ang gamit niya at gamit ng Lola niya ay pinuntahan niya ang magulang ni Nick para sa private plane na gagamitin nila, may nirekomenda din ang Papa ni Nick na kaibigang magaling na doctor na nakabase din sa states, ang pinsan na si Ethan naman ang nag asikaso sa hospital na pagdadalhan nila sa Lola niya
"Hija, if you need something don't hestitate to call us,were here to help"wika ng ina ni Nick
"Naku Tita sobra sobra na po itong tulong na binibigay niyo maraming salamat po"aniya sa mag asawa pagkatapos nilang mag usap
"Ikaw talagang bata ka, wala yun basta ha mag iingat kayo, and take care of yourself too,mukhang di ka na kumakain, baka pag gumaling sila ikaw naman ang magkasakit"nag aalalang wika ng Ginang
Tipid lang siyang ngumiti dito,sino ba naman ang gaganahang kumain kung dalawa sa mahal niya sa buhay ay parehong nasa hospital at nag aagaw buhay
"Tatawagan kita agad pag nagising na si Nick" dugtong pa ulit nito
"Sige po Tita thankyou po ulit"aniya saka umalis na
Agad naman siyang dumiretso kay Nick,magpapaalam lang siya sandali sa nobyo kahit tulog ito naniniwala siyang naririnig siya nito
Pagpasok pa lang niya sa kwartong kinaroroonan ng nobyo ay di nanaman niya napigilan ang luha niya, tuloy tuloy lang ang luhang nag uunahan sa pagpatak habang hinahaplos niya ang mukha ng kasintahan,
Umupo siya sa upuan na nasa gilid ng kama saka niya niyakap ang bewang ni Nick
"Nick, gumising ka naman na,di ka ba napapagod matulog?namimis na kita" aniya habang humihikbi
"Aalis ako kasama si Lola ipapagamot siya sa America malayo yun ikaw din mamimis mo ako,please Nick gising ka na samahan mo ako dun,di ba close kayo ni Lola? Sige na please wake up, "aniya habang wala pa ring tigil ang luha niya
"Promise, gagawin ko lahat ng gusto mo gumising ka lang diyan,kahit anong gusto mo ibibigay ko basta bumangon ka lang diyan, di na ako mapipikon, di na kita aawayin, sige na Nick imulat mo na yang mata mo"sumamo niya habang walang tigil pa rin siyang umiiyak
Sa tagal ng iyak niya di niya na namalayang nakatulog nanaman siya,sa tabi lang ng binata siya nakakatulog pag kasi umuuwi siya para matulog ay di siya dalawin ng antok kaya pag yakap niya ang binata saka lang siya nakakatulog
Di niya alam kung gaano siya katagal na nakatulog pero nagising siya nang may tumawag sakanya
"Bru,hinahanap ka ni Lola"bungad ng kapatid niya
"Sige pupunta na ako diyan"sagot niya sa kapatid
Nang tumayo siya ay saka lang niya napansin ang isang lalaking nakaupo sa dulo di niya ito kilala sa pangalan pero isa ito sa nakita niya nung inooperahan pa lang si Nick
Lumapit ang lalaki sakanya dito at ngumiti
"Arabella Fuentabella right? I----''
"Yeah, sige ikaw na muna bahala dito baka mamaya darating na si Niro hinahanap na daw ako ng Lola ko"putol niya sa sasabihin ng lalaki saka siya tipid na ngumiti dito pagkatapos ay mabilis na siyang lumabas
Pagdating niya sa kwarto ng Lola niya ay mabilis niyang hinagkan ito sa n0o
"La, bakit po?"tanong niya na pilit na ngumiti dito
Hindi alam ng Lola niya ang nangyari kay Nick kahit papano ayaw niyang mag alala din ito,napalapit na rin kasi ang kasintahan niya sa Lola niya madalas sila ang mas matagal na nagkukwentuhan pag dumadalaw si Nick sa bahay nila
"Bru labas muna ako" anang kapatid
"Saan ka pupunta?"tanong niya
"A-----a diyan lang sa labas may bibilhin"wika ng kapatid magsasalita pa sana siya pero mabilis na itong lumabas nagtataka man ay binalewala niya na lang
"Batang yun talaga,tinatanong ko lang naman sakanya kung bakit ilang araw na akong nandito pero di man lang nadalaw si Nick, asan ba ang n0byo mo?"tanong ng Lola niya
Ngayon alam na niya kung bakit di mapakali ang kapatid at tinawagan pa siya
"A--ah La nasa business trip po siya biglaan kasi kaya di siya nakakadalaw"pag sisinungaling niya
"Ah, may pag uusapan pa naman sana kami"anang Lola niya
"Ano po yun?tanong niya
"Wala, anyway maaga daw tayo bukas umuwi ka na muna at magpahinga mahaba ang byahe natin"wika ng Lola niya
"Sige po, si Aaron na lang po muna ang kasama niyo dito"aniya
Nagstay pa siya ng halos isang oras bago nagpaalam sa Lola niya,pero bago siya lumabas ay pasimple niyang hinatak ang kapatid palabas sa kwarto
"Bru, bakit?"takang tanong nito
"ikaw simpleng palusot lang di mo pa magawa"aniya sabay hampas sa kapatid
"Alam mo namang madali akong mahalata ni Lola pag nagsisinungaling"rason ng kapatid
Di na siya kumibo dahil totoo naman ang sinabi ng kapatid madaling mahalata ito ng Lola nila pag nagsisinungaling
"Bru,pag napagod ka magpahinga ka lang, pag gusto mo ng kausap andito kami"seryosong saad ng kapatid saka siya biglang niyakap nito
Gustong gusto nanaman niyang umiyak pero pilit niyang pinigilan ang sarili dahil baka matagalan nanaman bago huminto ang luha niya, hinayaan niya lang na yakapin siya ng kapatid atleast kahit papano parang gumaan ang pakiramdam niya,
"Bru, wag mong dibdibin lahat may likod ka pa,"biro pa ng kapatid
"Gago ka talaga!okay na eh!"aniya sabay kutos sa kapatid
"Your welcome!"ani Aaron saka siya tinitigang nakangiti
Kaya napangiti na rin siya sabay yakap ng mahigpit dito,nagapapasalamat siya sa Diyos at binigyan siya ng kapatid na katulad ni Aaron,
"Makita ko lang yung ngiti niyo okay na ako"wika niya saka siniksik ang mukha niya sa dibdib ng kapatid para di nito mahalata ang pagpatak ng luhang kanina pa pinipigilan
"Sige na,pumasok ka na"aniya at mabilis niyang tinalikuran ang kapatid para di na nito makita ang tuluyang paglandas ng luha niya sa mukha niya, wala siyang pakialam kung may makakita man na ibang tao sa pag iyak niya,basta wag lang siyang makitang umiyak ng taong malapit sakanya
Pagdating niya sa kotse niya ay saka lang siya humagulhol nanaman sa pag iyak, kung nakakapagsalita lang din siguro ang kotse niya siguro nagsumbong na ito sa Papa at kapatid niya ng totoong nararamdaman niya
Yung tipong gusto na niyang panghinaan ng loob,yung dasal niyang sana siya na lang ang mawala, siya na lang yung kunin atleast pag siya ang nawala konti lang ang magluluksa kasi konti lang ang nagmamahal sakanya di katulad ng Lola niya na maraming nagmamahal nung araw na tinakbo ito sa hospital ang dami na agad dumalaw, mabait naman talaga ang Lola niya naging masama lang daw ito sa Mama niya dahil napahiya ito sa pamilya ng babaeng dapat na papakasalan ng Papa niya,pero napagsisihan na iyon ng Lola niya
Kay Nick naman alam niyang madaming nagmamahal dito maraming kaibigan kamag anak at kumpleto ang magulang sobrang masasaktan ang magulang nila Nick pag nawala ito lalong di niya rin kakayanin yun, kaya ang laging pakiusap niya sana siya na lang ang kunin wag lang yung dalawang malapit sa puso at tinuturing niyang buhay na niya
Nang medyo kumalma na siya sa pag iyak ay nagdrive na siya papunta kay Nick, dun siya nagpalipas ng gabi magdamag niyang binantayan ang kasintahan kasama si Niro, hinayaan siya ni Niro na matulog sa tabi ni Nick,ginising na lang siya ni Niro nang mag aalas singko na ng madaling araw kailangan na kasi niyang umuwi muna para magpalit dahil aalis na sila
"Nick,pag gising mo uuwi ako agad"bulong niya bago siya tuluyang umalis

BINABASA MO ANG
Beautiful but Heartless (COMPLETED)
RomanceKung ang karamihan ay naniniwala sa NAGMAHAL NASAKTAN NAGMOVE ON! pwes siya ay hindi dahil siya iba, hanggang kelan niya mararamdaman ang sakit na idinulot ng lintek na pagmamahal na yan sakanya. Ibang iba ang kinamulatan niyang pamumuhay sa kung an...