talking with Lily

6.9K 167 2
                                        

ARA'S POV

Pagkatapos nilang kumain ay niyaya silang uminom,bago sila nakiupo sa mga nag iinuman ay pasimple niyang tinignan ng matalim ang tatlo,pero tinawanan lang siya ng tatlo

"Wala akong dalang kotse at di ko kayo kayang tatlo kaya utang na loob"bulong niya habang naglalakad

Naramdaman niyan umakbay sakanya si Nick

"Hayaan mo na sila kasama mo ako"wika nito saka siya ipinahila ng mauupuan ito kinuhanan din siya ng sariling inumin

"Araaaaaaaa!"sigaw ng babae kaya napalingon silang lahat nanlaki ang mata niya nang makita ang kaibigan na matagal nang di nakita mabilis siyang tumayo para salubungin ang kaibigan

"Lily!"malapad ang ngiti niyang sinalubong ito

"Kamusta ka na? / kumusta ka?"sabay nilang tanong sa isa't isa

"Ihhhhh!namis kita talaga,eto okay lang may asawa't anak na excited eh, ikaw?kumusta ka?"sagot ng kaibigan

"Eto,okay lang din, halika pakilala kita sa mga kasama ko"aniya at hinila ang kaibigan

Pagkatapos niyang ipakilala ang kaibigan ay nagpaalam siya sa tatlo niyang kasama na makikipagkwentuhan muna siya kay Lily, hahakbang na sana siya nang tawagin siya ni Nick

"Ara,yung phone mo?"tanong nito

"Sa bag, bakit?"kunot noong tanong niya, pero sa halip na sagutin yung tanong niya ay tumayo ito at kinuha ang bag niya kay Aaron,binuksan nito ang bag niya at kinuha ang phone niya saka iniabot sakanya

"Dalhin mo to"ani Nick

"Bakit nga?"tanong niya ulit

"Para pag nawala ka sa paningin ko tatawagan kita"ani Nick gusto niyang kiligin sa sinabi nito pero alam niyang part yun ng pagpapanggap nila

"Ay! Taray ni Ara haba ng hair!"ani Lily na todo ngiti habang kinikilig

"Sige na!"aniya at tinulak na ang binata para bumalik na ito sa upuan

Pero di pa man sila nakakalayo ay tumunog ang phone niya may text galing sa number lang

FROM 0919*******

"Wag ka mki2pag usap kay Brandon kng ayaw mong hlikan kta s hrap niya"

Kunot noo siyang napalingon sa kinaroroonan ni Nick,nkita niya itong nakangiti sakaniya at winagayway pa ang phone nito,sa inis niya dinilaan niya ito

Umupo sila ni Lily sa isang bench at nag umpisang magkwentuhan

"Hinanap kita noon sa bahay ng Tiyang mo pero sabi naglayas ka daw at sumama sa matandang lalaki, umalis pa nga sila noon ang sabi nag tour daw sa ibang bansa sa hongkong yata ang dami nga nilang pera nung mga time na yun eh"kwento ng kaibigan

"Ah! Eh ikaw?kumusta ka?"tanong niya di niya pinansin ang kwento ng kaibigan tungkol sa tiyahin

"Okay lang eto, nurse na ako sa hospital sa bayan gusto ko nga mag apply sa manila kaso baka mahirapan ako eh ayoko naman mabakante kasi may mga anak na kami nahihiya ako kina Mama"anang kaibigan

"Gusto mo talaga magtrabaho sa Manila?"

"Oo,mas malaki daw sweldo dun,atsaka gusto ko din maranasan mamuhay dun tignan mo ikaw,ang ganda ganda mo at ang seksi mo pati pananamit mo nagbago mukha kang anak mayaman" wika ng kaibigan

"Sira!ewan ko sayo,eh asawa mo nasaan?anong trabaho?"

"Nurse din mas matanda saatin ng isang taon,gusto niya nga mag apply abroad eh para mas makaipon kami"turan ng kaibigan

Beautiful but Heartless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon