Chapter 1

7.5K 104 3
                                        

HAPPY ending. 'Yan rin ang kinahinatnan ng love story nina Maya at Benjamin pagkatapos ng lahat ng mga nangyari. Happy ending. At ngayong nakabalik na sila sa Manila, balik trabaho at balik realidad na uli.

The last few months of last year were probably the most intense months in Maya's life. Last year, she decided to go back to The Forum and work as a freelance interior designer at the Contreras-Contreras Architectural Firm. Last year, she came face to face with Engineer Benjamin Contreras III again after four long years and last year, she's gone through different emotions which made her love him all over again.

Last year, I really thought it was over between us. I hurt him as I left without a trace and when we met again, he made sure that I'd feel the same pain. And oh, yes, I did. Much worse. Pero tinanggap ko lahat 'yon. Dahil alam ko'ng tama lang naman sa'kin 'yon. At kung kailan sinukuan ko na ang pag-asa na mapapatawad ako ni Benjamin, ay parang nagmilagro ang langit at muli niya akong minahal.

Ano nga ba ang nangyari?

Walang naganap Conteras-Sequia engagement party. Hindi rin alam ni Maya ang detalye dahil hindi rin naman niya kinayang dumalo roon pero ayon sa mga kakilala niya, mahinahong inanunsyo ni Benjamin sa mga bisita na hindi na matutuloy ang engagement party. Kung paano natanggap ni Nicole ang lahat o kung natanggap nga ba nito ang mga pangyayari ay hindi rin alam ni Maya.

Basta ang alam lang niya, hindi na matutuloy ang kasal nina Benjamin at Nicole – dahil sa kanya. At dahil sa kanya, sumunod si Benjamin sa Baguio at doon nila inayos ang mga dapat ayusin.

At si Noel? Hindi na rin alam ni Maya. Bigla na lang itong nawala na parang bula, na mabuti na rin, sa tingin niya.

~~

MALAKI ang ngiti'ng isinalubong ni Pam sa kanya nang dumating siya sa coffee shop ng The Forum. Matamis rin ang ngiti ni Maya sa kaibigan. Inilapag niya ang dalang itim na designer tote bag at dalawang canisters sa mesa bago sinalubong ang kaibigan.

"'Di na 'ko magtatanong kung kumusta ka na, obvious na masyado eh."

Niyakap ni Pam nang mahigpit ang kaibigan. Bahagyang namula si Maya at hindi naitago ang kilig na nararamdaman.

Sino ba naman ang hindi kikiligin sa mga pangyayari sa buhay ko? Benjamin and I just had the perfect holiday in Baguio – just the two of us. The perfect holiday with the perfect man. Noon, hanggang tingin lang ako kay Benjamin. Pero ngayon, nakakausap, nahahawakan, nayayakap at nahahalikan ko na s'ya.

"So, tuloy-tuloy na ba 'yan?" tanong ni Pam matapos niyang makapag-order ng paborito niyang cappuccino. Saksi kasi si Pam sa away-bati'ng drama ng love story nina Maya at Engineer Contreras. Four years in the making and at long last, parang sa simbahan na nga ang tuloy nilang dalawa.

Muli, matamis na ngiti ang itinugon ni Maya. Wala pang pormal na engagement na nagaganap pero para kay Maya, gano'n na rin iyon. Wala pang proposal, wala pang singsing pero minsan na s'yang tinawag ni Benjamin na 'the future Mrs. Maya Evangelista-Contreras'. At para kay Maya, sapat na 'yon.

"Sana nga tuluy-tuloy na 'yan."

Tiningnan ni Maya ang kaibigan. "Ano naman ang ibig mong sabihin d'yan?"

"Ayun nga, na sana magtuluy-tuloy na," sagot ni Pam habang nagpupunas ng counter.

Alas siyete y media pa lang noon at mangilan-ngilan na ang pumapasok na customers sa coffee shop. Ilang taon ring nagtrabaho si Maya doon kasama si Pam bago pa siya naging interior designer ng Contreras-Contreras, na nagpabago sa ikot ng mundo niya. Noon, simple lang ang buhay n'ya – bahay – coffee shop, coffee shop - bahay (at mga panakaw na tingin kay Eng. Benjamin Contreras III). Sa gano'n lang umiikot ang mundo n'ya. Pero simula nang mapansin ni Engineer ang beauty niya dahil sa araw-araw niyang paghatid ng kape sa opisina nito, nagsimula na ring maging kumplikado ang buhay ni Maya.

The Girl From The Coffee Shop 3Where stories live. Discover now