ELEMENTIA 35: Mount Suria

114K 3.7K 340
                                    

Chapter XXXV

'Mount Suria'

~*~

SUMMER

"Hindi ko talaga maalis sa sistema ko ang naganap noong winterball. Hindi ko akalain na naging winter bloody ball dahil kay Darkiya! Tsk! Hindi man lang ako nag-enjoy dahil hindi ako isinayaw ng date ko!"

Napataas ang kilay ko kay Lockette dahil sa kaniyang sinabi. Isang linggo na ang nakalipas ng mangyari ang pagdiriwang, pero kong makaarte akala mo kahapon lang nangyare.

"Saan ka ba naiinis, sa pagging gate crasher ni Darkiya o ang hindi ka man lang nayayang isayaw ng playboy na si Arashi?" masungit kong tanong sakaniya at tumayo mula saaking pagkakahiga. Nandito kami ngayon sa aming kwarto sa dorm, wala na kaming klase dahil winter break na, na siyang hindi ko nagugustuhan!

Sayang saya ako noong sabihin nila na pinapauwi ang lahat ng estudyante sa kanilang mga kaharian dahil sa nangyaring gulo, ngunit. . .ang kasiyahan ko ay napalitan ng galit at pighati!

Hindi ako pinauwi! Hindi ako pinagbakasyon!

Ayaw sana akong iwan ng mga pinsan ko ngunit pinatawag si Gabrielle nina Tito Arnav at Tita Lifi, dahil may kinakailangan daw silang pag-usapan. Si Jayden naman ay kinakailangan kausapin sina Daddy at Mommy upang pabalikin sila rito sa Elementia, kasama ang buong angkan.

"Sungit mo naman, hindi ka lang pinayagang umuwi sa mundo ng mortal e," natatawang sabi ni Rose na nagbabasa ng kong anong libro sa kaniyang kama, habang lumalamon ng chocolate na bigay saakin.

Napabusangot ako, dahil sa dalawang fairy na bwisit. "Tsk! Natuwa na akong hindi kayo umuwi upang samahan ako rito, pero nagsisisi ako ngayon dahil mukhang buong winter break niyo akong bwi-bwisitin!"

Kainis!

Bakit ba kasi dumating-dating at pinanganak na inggitera si Darkiya?

Hindi na lang siya magpasalamat at kinilala pa siyang anak ni Lolo, kahit pinikot lang siya ng kaniyang nanay!

Pero kong ako rin naman siya ay tiyak na kakainggitan ko rin lahat. Itsura naman kasi niya, ni kabayo hindi papasang kamukha niya. Gwapo naman si Lolo, maganda rin si Mommy anong genes ang meron kay Darkiya at ang kutis lang ang namana niya kay Lolo?

No wonder, hindi siya nagustuhan ni Dad.

"Eto naman, highblood agad. Gusto mo bang lumabas?" sabi ni Lockette na may ngiting nakakaloko.

"Saan tayo pupunta?" bagot kong tanong.

"Uhmm . . . sa may courtyard—aray!"

Binato ko siya ng tsinelas dahil sa kaniyang sinabi. Akala ko naman ipapasyal niya ako sa Imaluna o sa ibang lugar ng elementia, sa courtyard lang pala!

"Kong sa courtyard mo gustong gumala, solohin mo na lang!"

"Hindi ba't paborito mong tambayan yon?" tanong ni Rose.

Tinignan ko siya ng blanko at inismiran, dahil sa sinabi niya.

"Kong ayaw mo sa courtyard, edi. . .sa cafeteria—hep! Subukan mong ibato yang isa mo pang tsinelas, kahit prinsesa ka palalakarin kita ng nakapaa!" bantang sabi ni Lockette ng makita niyang pinulot ko ang kaparis ng tsinelas na binato ko.

Napaikot ako ng mga mata at binato parin ito sa kaniya, bakit ba sa courtyard at cafeteria ang gustong puntahan ng babaeng ito?

"Marami akong tsinelas, kunin mo na ang pares na yan. Souvenir, alam ko naman na gusto mo yan," walang pake kong sabi.

Elementia Academy: The Long Lost GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon