Chapter Forty

18.6K 290 15
                                        

Red's Note:

If My Kuya's Assistant Chapters 39 and 40 gets 100 votes today, ipu- post ko ang final chapter. Yes, may finale chapter na po siya. Hihi

***

My Kuya's Assistant by LittleRedYasha

Chapter Forty

WE just dropped Sandy sa House of Fifi tapos nagpahatid na din ako pauwi.

Ang awkward. Wala kaming kibuan. Hay! Naiiyak na naman ako pero alam ko kailangan kong pigilan. Mariin akong napapikit.

Agad din naman akong napamulat nang hawakan niya ang kamay ko. Kasalukuyan kaming nakahinto dahil sa traffic light.

"What?" tanong ko sa malamig na boses.

Tinitigan lang niya ako. Kainis. Natutunaw na naman ang puso ko. Tama na kasi, Jen.

Piniksi ko ang kamay ko.

"I want to talk to you."

"But I don't want to. Sorry," sa halip ay sabi ko.

Narinig ko siyang napabuntong-hininga.

"Mapapatawad mo pa ba 'ko?"

Tumingin ako sa labas.

"And please don't talk to me, Attorney. Ever."

Kahit mahirap, kahit masakit, susuko na 'ko sa'yo, Thomas. Kung hindi mo lang din naman ako kayang mahalin--no, wait-- I don't mind kung hindi mo 'ko kayang mahalin. Ang kaso lang kasi tinataboy mo naman ako all this time. So I'll give you what you want if it could make you happy.

SPELL boredom. Ito 'yon, eh. Tinawagan ko si Sandy para samahan akong maglakwatsa at luckily, libre siya.

"Samahan mo naman akong maglakwatsa. Bored ako dito sa bahay,eh," sabi ko.

"Oo ba. Sa'n mo naman gustong magpunta?"

"Kahit saan."

"Ipagda-drive ba tayo ni Thomas?"

"Sandy, wag mo nga 'kong pakiligin kapag ganitong bored ako," kunwari ay iritang sabi ko.

"Nagtatanong lang. Malay ko bang may dala kang sarili mong kotse,"

"Hindi siya kasama. Naiinis ako sa pagmumukha niya. Lagi akong natutuksong gumawa ng hindi kanais-nais, alam mo yun?"

"Tingin ko alam ko."

"Hintayin mo 'ko sa parking lot ng building niyo diyan. Twenty- minutes andiyan na 'ko,"

"Okay,"

Psh. Nakalimutan siguro ni Sandy na hindi na kami katulad ng dati ng Mang Tomas na 'yon.

Nag-ayos agad ako. Magda-drive na lang ako sakay ng kotse ko. First time ko ulit magdrive pero confident naman ako.

Hinahagis-hagis ko sa ere ang susi nang makasalubong ko si Thomas sa sala.

Hindi ko nasalo ang susi kasi maagap niya iyong sinalo.

I didn't had the chance to bother kasi nagulo na naman ang sistema ko.

"Bakit ka nandito--oh, never mind. Give me my keys."

"Sa'n ka pupunta?"

"Kay Sandy, magdi-date kami."

"You're not driving, are you?"

"Well, yes, I am, Attorney," mataray kong sabi.

"No, you're not."

"At bakit?"

"I will drive for you," at tinalikuran na niya 'ko.

"What did you just say?" sabi ko at sinundan siya.

"You heard me."

"Thomas, I supposed may inuutos sa'yo si Kuya. Give me my keys and I'll go!"

Tapos binuksan niya ang pintuan sa tabi ng driver seat nang makalapit kami sa kotse ko.

"Yeah, in you go."

Napamaang ako. This guy is unbelievable!

"Thomas!"

"Huwag mong hintaying kaladkarin pa kita papasok, Miss Trias."

Wala na 'kong nagawa. And besides, naghihintay sa akin si Sandy. Nakakahiya naman sa kanya. Ang sabi ko pa naman twenty minutes lang ako.

Wala na naman kaming kibuan. Nanggigil na naman ako. Bakit pa niya ginagawa 'to? Gusto ba niyang mahulog na naman ako nang paulit-ulit sa kanya? Kung literal lang nga eh malamang na nagkalasog-lasog na ang katawan ko kasi kahit kailan hindi niya 'ko sinalo.

Grr! Nagpuputok na naman ang butse ko. Nakakasira tuloy sa alindog.

Nakita ko na agad si Sandy nang makarating kami sa parking lot ng Condominium Building. Mabilis akong bumaba.

"Hi, Sandy, " walang ngiting bati ko at bineso siya.

"Hi, Sandy," bati naman ni Thomas na sumilip sa bintana ng kotse.

"Thomas?" at pigil ang ngiting tiningnan ako ni Sandy."Sabi mo hindi siya kasama?"

Gosh. Kung wala lang 'tong all- around sarsa na 'to baka napatili na rin ako, eh!

"Hindi ako pumayag na magdrive siya, eh." sagot ni Thomas.

"Bakit? May lisensya naman siguro si Jen, 'di ba?"

"She could be reckless, alam mo ba 'yon?"

"Isang beses lang nangyari yun kasi nakainom ako," giit ko at matalim siyang sinulyapan.

"At iniiwasan ko lang maulit yun,"

"Whatever," I said and rolled my eyeballs at hinila si Sandy sa kotse."Tara na nga, Sandy."

NAG-mall lang kaming dalawa at gayunpaman ay nag-enjoy naman kaming dalawa lalo na sa pagkain. Pareho kasi kaming may sweet tooth ni Sandy, eh. Hihi.

Nang mapagod kami ay--though I have no choice because he's got my car-- tinawagan ko na si Thomas para magpasundo.

Nang maihatid na namin si Sandy ay hayun, napagsolo na naman kami.

Napasiksik ako sa upuan ko dahil pagod nga ako.

Alam niyo ba kung ano ang tumatakbo sa isip ko?

Gusto kong sunggaban si Thomas ngayon mismo at lapain siya nang malupet. Charot lang.

"Kaya mo pa?"

Napamulat ako at agad na napatingin sa labas. Nasa bakuran na kami ng bahay. Shocks, nakaidlip ako. Pinakiramdaman ko ang sarili ko.

Lantang-gulay ang beauty ko. Ahuhu.

Kinalag ko ang seatbelt at bumaba. Tulog na agad ako pagnakapasok na 'ko sa kwarto ko, promise.

Maagap naman siyang bumaba at hinarangan ako.

"Thomas, get out of the way, pagod ako," mataray kong sabi.

Tapos napasinghap ako when he suddenly swept me off my feet.

"Thomas!"

"Pagod ka pala, eh. Then I'll carry you up to your room. I've done this before. Twice as I remembered."

I lost the guts to argue kasi namula ako. Like bakit pa niya 'yon kailangang ipaalala?

***

Now it's Jen's turn to make pakipot. Hahaha.

-LittleRedYasha

My Kuya's Assistant [Published Under Lifebooks]Where stories live. Discover now