Chapter Thirty- Six- 1

13.6K 139 9
                                        

Dedicated to @GreenMindedChic101_nagulat na na-touch na natuwa ako nang idedicate niya sa 'kin 'yong isang update ng story niya. First time kasi itey. Nyahaha. Thank you ulit!

***

My Kuya's Assistant by LittleRedYasha



Chapter Thirty- Six



"NABABALIW ka na ba?!" paasik pang sabi ni Johann."Hindi ko iningatan ang relasyon namin ni Bruce para lang magpropose sa'yo, 'no! And take note, hindi niya alam ang pinagagawa kong itey!"



"Bakit, sinabi ko bang seryoso ako?!" asik ko din."Bawal na ba magjoke ngayon?!"



"Hoy, ano ba, 'yong mga boses niyo, tulog 'yong poodle ko!" saway naman ni Fifi.



"Pasensiya naman kung nababaliw na 'ko," sabi ko at napabuntong- hininga.



"Oo nga, 'no, Johann, try mo magpropose?"



JOHANN called me. Magkita daw kami kasi dumating si Bruce from England. Pure English daw si Bruce at isang sikat na football player sa Fulham. Ipapakilala daw niya ako. Siyempre pumayag naman ako kaya lang paano ba 'ko makikipagkita sa kanila? Simula kasi ng incident na 'yon ay natakot na 'kong magdrive ng kotse ko.



Alam ko na.



"Kuya, nandiyan ba si Thomas?" tanong ko kay Kuya nang tawagan ko siya.



"Yes, nandito siya. Bakit?"



"Pakisabi naman ihatid niya 'ko. Magkikita kasi kami ni Johann ngayon, eh. Wala naman 'yong driver dito."



"Bakit hindi mo na lang siya tawagan mismo? Ginawa mo pang messenger ang Kuya mo."



"Eh, Kuya, baka busy siya, eh."



Tapos nagulat ako nang boses na ni Thomas ang narinig ko sa kabilang linya.



"Pakihintay na lang ako, Miss Trias."



"T-thanks."



Tapos nawala na sila sa kabilang linya.

My Kuya's Assistant [Published Under Lifebooks]Where stories live. Discover now