Chapter 41: Stay
Track 41: StayKyla
Nanlaki yung mata ko ng makita ko yung taong nakatayo sa pinto ko ngayon.
“Bakit kayo nandito?” tanong ko. “Bibisitahin ka lang namin,sabi kase ni Ryan may sakit ka.” lumapit si Leslie sa akin tapos hinawakan yung noo ko. Chineck kung may lagnat pa ako.
“Sabi din ni Ryan, wala kang kasa—”
“Kyla, sino yung tao?” sabay-sabay silang tinitigan si Simon. Halata pa sa mukha nilang nagulat sila.
“I smell something fishy.”
“Oo nga eh, naamoy mo din?”
“Amoy na amoy kaya! Kalat na nga oh.”
Sira talaga 'tong mga ito. Bago pa sila magtanong ng magtanong, pinapasok ko muna sila sa loob ng bahay.
Kilala ko na 'yang mga kaibigan ko, for sure may naiisip na silang issue tungkol sa akin. Katulad ng baka kami na ni Simon, or whatever na naiisip nila.
“Question number 1. Bakit nandito si Simon?” ayan na, nagsisimula na ang question and answer ng buhay ko. At ang judges, ang mga kaibigan ko.
“Wala akong kasama. Umalis si mama kasama si Ryan.” sagot ko. Totoo naman, mag-isa lang ako.Sabado ngayon, kaya walang training. Monday-Friday lang ang training namin.
“Okay. Question number two. Ano ng status nyo ni Simon?” nagkatinginan kaming dalawa dahil sa tanong na yun.
Tumabi siya sa akin, as in lumapit siya ng sobrang lapit. Tapos inakbayan niya ako. Hindi ko nagets yung ginagawa niya kaya nakisakay nalang ako.
“Kami na.” literal na napanganga yung lima. TEKA! Anong sabi niya? KA-KAMI NA DAW? KELAN PA? PAANO? SAAN?
“Oh my gosh, I know jan din ang tuloy niyan. I'm happy for you Ate and Kuya. Ayiieee.” uminit yung pisngi ko dahil sa sinabi ni Ashley. Ano daw? Ate? Ate na ang tawag niya sa akin ngayon?
“Tayo na diba?” pabulong na tanong niya.
Tinignan ko siya saglit.“Kelan pa? Paano nangyari yun?” pabulong din na tanong ko.
“Basta, tayo na.” sambit niya tapos lalo siyang lumapit sa akin.
“Oy, tama na ang landian. Magbihis ka Kyla. Aalis tayo.” tinulak ako nila Abigail at Audrey papasok sa kwarto ko. So kailangan talaga itulak?
“Saan tayo pupunta?” sigaw ko.
“Basta, magbihis ka nalang.”
O-okay? Saan naman kaya nila ako hihilain ngayon?
Kumuha ako ng simpleng dress sa closet ko, tapos konting pulbo at lip gloss okay na.
“Sakto. Tara na.” ayun, pagkalabas ko palang ng kwarto hinila na nila ako pasakay sa van, teka? Kaninong van 'to?
“Kaninong van ito?” tanong ko.
“Kay Tito, pinahiram muna sa atin.” sagot ni Leslie. Tumango naman ako.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko. Parang wala silang narinig. Dedma.
Ang tagal ng byahe, kaya natulog muna ako.
Pagkagising ko may nakalagay na takip yung mata ko, tapos nakatali yung dalawang kamay ko.
Anong nangyayari?
“Leskie! Ashley! Abigail!” tawag ko. Ano bang nangyayari? Feeling ko ako nalang yung mag-isang natira sa van.
Ano nanaman bang pakana ito?
Maya-maya, may dalawang tao yung kumuha sa akin. Pinababa nila ako ng van at pinaglakad papunta sa kung saan.
Teka,bakit parang feeling ko buhangin yung nilalakaran ko? Nararamdaman ko yun dahil hindi naman ako nagrubber shoes or sneakers ngayon.
“Saan nyo ba ako dadalhin? Sino ba kayo?” lumipas yung ilang minuto pero wala pading sagot. Baka pipi tong kasama ko.
After 10 minutes huminto na kami sa pagkalakad. Tinggal nung isa yung piring ko sa mata, yung isa naman tinggal yung tali ko sa kamay.
Unti-unting nag-adjust yung mata ko. Grabe kase yung pagkakapiring eh, parang gusto na ata akong bulagin sa sobrang higpit nung pagkakalagay.
Napatakip ako sa bibig ko nung nakita ko na yung harapan ko ng malinaw.
Nasa beach kami. Tapos may lamesa na nakaset, plus romantic song. Ang ganda ng paligid.
Sino naman ang may gagawa nito? “Para sayo.” inabot sa akin ni Simon yung isang piraso ng red rose.
Tinaggap ko naman yun. Inalok niya yung kamay niya tapos pumunta kami sa may lamesa.
Naisip ko si Thirdy. Oo nga pala, hindi na kami pwede ni Simon.
Ayokong sirain yung hinanda niya, pero ayoko din siyang lokohin at paasahin pa.
“Simon, may sasabihin ako sayo.” tumingin siya sa akin nung narinig niya ako.
“Ano yun,Kyla?” ngumiti siya ng napakatamis. Yung ngiti na pinapakita kung gaano siya kasaya kasama ako.
Hinawakan ko yung kamay niya na nakapatong sa lamesa. “Simon, sorry pero hindi tayo pwede.” sambit ko. Unti-unting nawala yung ngiti sa mukha niya.
I really hate doing this, but its for his sake.. I loved him but we need to separate ways.
“Ba-bakit Kyla? May ginawa ba akong mali? Sabihin mo.” umiling ako. Pinipigilan kong umiyak, hindi lang naman siya ang masasaktan dito. Pati din ako.
“Thank you for everything,bye.” bago pa man tumulo ang luha ko, tumayo na ako at tumalikod sa kanya.
Wala akong karapatang umiyak, pero nasasaktan din ako eh.
Naglakad na ako paalis ng hindi tumitingin sa likod ko. Nakayuko lang akong naglalakad hanggang sa bumuhos na ang malakas na ulan.
Nakikisabay din ba siya sa pag-iyak ko?
Hindi pa din ako humihinto sa paglalakad. Saan ba ako pupunta?
“Kyla!”
May nakita akong parating na sasakyan, lumingon ako sa likod ko. Nandun sila Leslie, hinahabol nila ako.
“Iwanan nyo na ako! Gusto kong mapag-isa!” sigaw ko. Mukha namang narinig nila, tumigil sila sa pagsunod sa akin.
Naglakad ako, tumingin ako sa paligid ko.
Malapit lang pala 'to sa GotPink cafe. Nanlaki yung mata ko ng makita ko si Thirdy sa loob na kasama si Tanila.
Nanlabo yung paningin ko.Ito ba yung kapalit ng paglayo ko kay Simon? Ang lokohin ni Thirdy?
Hindi ko alam kung bakit pumasok ako sa loob ng cafe. Nandun sila, masayang nag-uusap.
“Anong ginagawa mo dito? Bakit basang basa ka?” may bigla nalang humila sa braso ko at dinala ako sa labas ng cafe.
“Bitawan mo ako,Jayson. Aalis na ako.” pilit kong tinatanggal yung kamay niya sa braso ko pero hindi ko kaya.
“Ano bang kailangan mo!” hindi ko mapigilan na hindi sumigaw. Pero parang walang epekto yung sa kanya.
Hinila niya ako pasakay sa kotse niya. “Saan mo ba ako dadalhin?” tanong ko.
Hindi pa din siya umimik. Anong nangyayari sa kanya?
Nakaramdam ako ng hilo kaya pinikit ko ang mata ko. Pagkatapos nawala na ang conciousness ko.
Nagising nalang ako nakahiga na ako sa isang kwarto.
Hindi ko kwarto to ah? Nasaan ako?