Chapter 17: If You Do

82 4 0
                                    

Chapter 17: If You Do
Track 17: If You Do


Kyla

“Abi, buksan mo nga yung pinto!” sigaw ko kay Abigail, nasa kusina kase ako at nagluluto ng breakfast yung iba tulog pa.

“Wait lang!” nilingon ko siya. Aba, naghihikaw pa. Naka-ayos ata siya ngayon?

“Oh Justin ikaw pala yan.” sambit ko,nilagay ko sa lamesa yung niluto kong tocino,bacon,itlog,hotdog at sinangag.

“Hindi Kyla, picture lang to.” pamimilosopo niya. Sinamaan ko siya ng tingin. “Hindi mo ikakagwapo yan Bhuwakul!” pang-aasar ko. Akala niya siya lang ha.

“Kyla! Anong Bhuwkul? Para kang si Jasper,Tss.” lumabas na ulit si Abigail ng kwarto. Napatitig naman sa kanya si Justin, aba nagandahan ata?

“Abi, hindi na daw tuloy ang date nyo. Magbihis kana ng pangbahay at kakain na tayo.” Muntik na akong matawa sa mukha ni Bhu— este Justin.Hahaha

“Ewan ko sayo Kyla, magsama nga kayo ni Jasper.” sambit niya saka nilapitan si Abigail na medyo tulala saka hinila palabas ng dorm. Pikon? HAHAHA. Bakit ba banggit siya ng banggit ng pangalan ni Jasper? Anong meron sa kanya?

Babalik na sana ako sa kusina, tumunog yung doorbell kaya binuksan ko yung pinto.


“Good morning Kyla!” bati ni Brent.Ang aga bumisita.

“Oh, Ikaw pala Brent.” nginitian niya lang ako. Alam ko na ang ibig sabihin niyan.

“Hyung? Ang tagal naman.” may narinig ako nagsalita sa likod ni Brent, may kasama pala siya?

“Sandali lang, wag kang atat pandak.” sabi ni Brent dun sa singkit na medyo maliit na nagsalita kanina. Ang hard naman niya dun!

“Ah.. Kyla, pwede ba kaming makisabay ng almusal sa inyo? May dala ako oh.” itinaas niya ng konti yung plastic na dala niya. May laman na tupperware. Dito pa sila makikidayo ng breakfast?

Nakita kong gising na yung apat at nagpunta na sa kusina.

“Sige, pasok kayo.” sambit ko. Minsan lang naman magpunta si Brent dito, saka may dala naman siyang pagkain balita ko magaling siyang magluto.

Pumasok sila, mga kagrupo niya siguro to. Teka? Bakit kasama si Simon,Nash,Harley,Ryan at Joseff? Bakit ngayon ko lang nalaman na magkakakilala sila?

“Hello Ate Kyla!” ngumiti siya saka ako niyakap. “Teka, kelan ka pa lumipat sa school ko aber?” tanong ko kay Ryan. Tinanggal niya yung pagkakayakap niya sa akin saka ako hinarap, nagpout pa.

Bago magstart ang 2nd Quarter, naboring na ako sa school ko eh” sambit niya.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” tanong ko.

Nakita ko silang lahat nasa kusina na at ginawa lahat ng paraan para magkasya kaming 12 dun.

“Pumunta na tayo dun, baka maubusan tayo.” aba. Bastos na bata, hindi man lang sinagot ang tanong ko hinila pa ako papunta sa kusina.

“Kyla,Ryan maupo na kayo.” utos ni Leslie. Wala ng bakanteng upuan kundi sa tabi ni Ashley at sa ni Simon, kuya niya.

Uupo na sana ako sa tabi ni Ashley pero biglang sumingit si Ryan. Humanda ka talaga sa akin mamaya,Ryan Yoon!

Wala akong ibang choice kundi ang maupo sa tabi ni Simon. Okay lang, mukha namang mabait to eh, may pagkawierd nga lang.

“Oy guys, magpakilala kayo hindi pa pala kayo kilala nila Kyla.” sabi ni Brent habang nginunguya-nguya pa yung tocina na niluto ko.

“No need Brent, kilala na namin yang mga yan.” sabi ni Ashely. Aba kumokontra?

Ito pala yung first time magkakaharap kami ng mga kapatid at pinsan ko pati ng pinkies.

“Si Simon,kuya ko.” turo ni Ash kay Simon sa tabi ko.

“Si Harley, kapatid ko.” turo ni Eula kay Harley.

“Si Ryan, yung kapatid kong malaki yung ilong.” pang-aasar ko. Natawa naman sila. Kelan pa ako naging clown?

“I'm Joseff, Leslie's cousin.” pakilala niya sa sarili niya. Hindi sila close ni Leslie, saka masungit daw yan. Bakit sa tingin ko hindi naman?

“Wag ka ng mag-english jan, Joseff. Wala ka namang jams.Hi! Ako nga pala si Nash.” sabi ni Nash. Ang hard talaga nila kay Joseff. Hahaha siya pala yung nagsalita kanina sa likod ni Brent, hindi ko agad nakilala.

“Pakilagay nalang sa lababo yung pinaggan nyo, si Harley na daw ang maghuhugas.” sabi ni Brent. Muntik ng maibuga ni Harley yung kinakain niya. Hahaha.

“Bakit ako Brent?” tanong niya.

“Diba napag-usapan na natin sa dorm kanina?” tanong ni Brent. Mukhang lutang na tumango si Harley,takot ata kay Brent.

Natapos na kaming kumain lahat kaya nagpunta na kami sa sala at nanood ng movie. Hindi lang almusal ang dinayo nila, pati panonood ng T.V.

Nasa kusina si Harley, siya talaga ang naghugas ng mga pinggan, pero tinulungan siya si Leslie.

“Anong papanoorin natin?” tanong ni Ryan habang nangangalkal ng mga CD's. Napaka pakelamero talaga, ipunin mo lang Ryan, may pingot ka sa akin mamaya.

“Miracle in cell no.7” suggest ni Simon. Wow, bagong labas ata yun? Hahaha ilang beses ko na yun napanood eh.

No choice sila kundi sundin ang suggestion ni Simon, wala na ata silang nakitang magandang palabas.

“Next time magdala nalang tayo ng CD.” sabi ni Nash. Next time? So balak nilang tambayan ang dorm namin?

“Aalis na ako!” tumayo si Simon saka pinagpag yung pantalon niya.

“Saan ka pupunta?” tanong ko. Napatingin naman siya sa akin.

“Bibili lang ako ng snacks.” sagot niya.

“Teka lang!” bumalik ako sa kwarto para kunin yung wallet ko.

“Sasama ako.” sabi ko. Tumango lang siya.

Lumabas kami ng dorm at pumunta sa malapit na convinient store.

Pauwi na kami ng bigla akong hiliin ni Simon papalapit sa kanya. “Bakit?” tumingin ako sa kanya. Nakatingi siya dun sa sasakyan. “Muntik ka ng mahagip kanina, buti nalang nahila kita.” sambit niya.

Ito na ba yung sinasabi ng leader ng red petals? Ito na ba ang simula nun?


My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]Where stories live. Discover now