Hepabebe

1.3K 18 0
                                        

Hepabebe

"Sa mga tao na pasyosal o mga pabebe, grabe naman kayo makahusga sa mga taong kumakain sa hepalane. Di porket sinabi ko na sa hepalane binili ung kinain ko, nangangasim na mukha nyo sa pangdidiri.

At nangbackstab pa kayo at sabihan kaming mga madudumi. GRABE AH! akala nyo siguro kalevel nyo ako na kumakain sa mga sosyal na kainan. Tapos nung sinabi ko lang yun, todo layo na kayo sakin. Aba aba, sa pera pala nasusukat ang pagkakaibigan ah.

Oo kaya ko kumain sa mga gusto nyong resto o mga sosyal na kainan. Pero anong masama kung paminsanang kumain sa mga karenderya? Kakainin ba kayo ng mga nagluluto dun?? E mas ok pa nga ung sa karenderya kasi nkikita mo sila magluto harapan hindi tulad sa ibang resto na kapag napikon sa inyo ung waiter, lalagyan ng kulangot o kaya isasawsaw sa inodoro ung kutsara't tinidor nyo e (depende sa waiter/server) (kasi may kaibigan akong server sa isang fastfood na ganun daw ginagawa pag mga maarte mga costumer).

Siguro nga kinaibigan nyo ako dahil mahilig ako mag-ayos sa loob ng room o kada 5mins nagreretouch. Kasi akala nyo richkid din ako pero pag lumamon ako, walang pinipiling kainan, maparesto o karenderya. Mamilk tea man o tuhog-tuhog sa hepa.

If i know, pag magisa kayo sa bahay or tayo tayo lang sa inyo, nagkakamay pa kayo at kumakain na parang di nakakain ng sampung taon _

At sa mga boys, wag kayo maturn off sa mga magagandang babaeng kumakain sa hepalane, atleast nagpapakatotoo sila sa sarili nila. Kesa sa mga babaeng ""omg kadiri there"" magsalita, deep inside natatakam."

Karenderya QUEEN
2012
Institute of Architecture and Fine Arts (IARFA)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 2Where stories live. Discover now