PROLOGUE
Tunay nga ang kasabihang umiikot ang mundo, kung ngayon ay nasa ibabaw ka, hindi mo mamamalayan bukas ay nasa ilalim ka na. Totoo ring malalaman mo lamang ang halaga ng mga bagay na noon ay hindi mo napapansin kapag wala na ang mga ito sa iyo.
And, that is what happened to me. I was just a simple eighteen year old girl, may mapagmahal na pamilya, nakukuha ang lahat ng gusto. May pangarap na nais matupad balang-araw. Ngunit nang dahil sa isang pagkakamaling hindi ginusto ay nawala ang lahat ng ito na parang isang bula. Ngayon ay nag-iisa, itinakwil ng pamilya, walang matirahan, walang mapuntahan. Walang nagmamahal at walang laman ang bulsa ni isang kusing.
Naging isa akong bayarang babae, nagbebenta ng katawan kapalit ng ipinagbabawal na gamot. Ang dating palasyong tinitirahan ay isa na lamang marumi at masikip na lugar. Walang makain, ang kagandang hinahangaan ng karamihan, ngayon ay unti-unti ng binabalewala. Hanggang sa mula kung saan ay dumating sa buhay ko si Devon Montgomery, devilishly handsome, a business tycoon. A Millionaire. a manipulative, possessive man. A handsome devil.
Inalok niya ako ng matitirahang bahay, makakain sa araw-araw, disenteng trabaho at walang hanggang luho. Kapalit ng isang bagay; ang maging personal sex slave niya. Sa hindi ko malamang dahilan ay pumayag ako, parang may kung anong pwersa ang nagtutulak sa aking sumama sa kaniya.
Anong buhay ang naghihintay sa akin sa piling niya? Makamit ko na kaya ang inaasam kong kaligayan at pagmamahal? Matututunan kaya ni Devon na mahalin ako hindi bilang isang bagay kun'di bilang isang babae?
**
SNEAK PEEK
"He made a mistake. He shouldn't have touched my prized possession. Do you know what it is?" Nakahinga ako ng maluwag at nais ko siyang yakapin pero pinigilan koang sarili ko.
"N-no." Tanging naisagot ko.
Hinarap niya ako sa kaniya at tinitigan ko naman ang asul niyang mga mata. His cold and yet gentle eyes. Parang natunaw ang galit at inis na nararamdaman ko para sa kaniya.
Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin kaya naman napapikit na lang ako.
"My prized possession is... You."

DU LIEST GERADE
My Prized Possession
Aktuelle LiteraturPinabayaan ng kanyang mga magulang dahil sa isang pagkakamali na hindi niya nagawa, natagpuan ni Paige ang sarili sa kalye na walang anuman ngunit ang kanyang gown na isinuot niya ng gabi para sa kanyang ika-18 kaarawan. Ngayon, walang-wala at ginip...