Chapter 21: Distant

47.7K 1K 56
                                        

January 20 20** dalawang linggo narin simula noong makalabas kami ng mga bata sa hospital, at isang linggo narin simula noong magising si Merry. Sa loob ng dalawang linggong yun, maganda ang naging takbo ng paggaling ng mga anak ko, bumabalik narin sila sa dati, well except for TJ, mas naging masungit siya at kung hindi siya pala-imik noon mas naging malala ngayon.

Si Merry naman pagkatapos niyang makalabas sa hospital, dinala siya nina Mom at Dad sa Canada for further treatment, mas malala kasi ang naging epekto sa kanya ng mga nangyari.

I thought everythings going to be perfect, but I was wrong. Simula ng makalabas kami ng hospital, masyado nang naging busy si J. Hindi ko naman siya masisisi marami siyang naiwang trabaho, pero ang ipinag-tataka ko lang, naging distant siya sa akin. Oo sa akin lang, kasi ganun parin siya sa mga anak niya. Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali...

Natatakot ako sa mga pwedeng maging kalabasan ng mga nangyayari ngayon, kasi parang deja vu eh. Ganitong- ganito din yung nangyari noon, naging cold at distant siya sa akin, at ang mas nakakaloka pa buntis din ako ng mga panahong yun, ang pagkakaiba nga lang hindi niya alam na buntis ako pero ngayon the hell, hindi ba niya alam na masamang ma stress ang buntis?

Mas nakakainis pa hindi ko na siya halos nakikita. Kung umuwi galing sa opisina madaling araw na, tapos aalis din siya agad... Ginawa niya lang banyo tung bahay namin eh kainis, naiinis na talaga ako sa damuhong yun... Hindi ko pa malalaman na naka-uwi pala siya kung hindi ko nakikita yung mga madudumi niyang damit sa laundry basket namin!! Kainis gawin ba akong labandera...

Tapos ngayon aalis siya, may aasikasuhin raw siyang importante... Kung hindi pa ako ang sekretarya hindi ko malalamang uuwi siya ng Canada, pwede namang sabihin niya sa akin diba? Hindi ko naman siya pipigilang umalis, paki ko ba!! Pero nakakasama lang ng loob eh, kasi kahit simpleng " Hoy babae aalis ako" hindi man lang niya masabi sa akin.. ARgh!!!

*Sniff* H-hindi k-kaya nagkabalikan na naman sila ni Shan? Akala ko ba hindi na niya mahal si Shalannie? Niloloko ba nila ako? *sniff* letsi!! pag nalaman ko lang na pinagtataksilan ako ng demonyong yun, puputulin ko talaga ang alaga niya...

" Mommy why are crying?" CJ

" Oo nga Mimi why are crying, hindi naman po nakaka-iyak yung pinapanood natin" MJ

Letsi!! Ang babaw talaga ng luha ko ngayon...

" Nakaka-iyak kasi *sniff* kawawa si Tom palagi nalang nadidisgrasya" pagpapalusot ko

" *sniff* Waaaah!! Oo nga mommy ang bad ni Jerry" CJ na naiiyak na

" Waaaaah I hate Tom and Jerry, pinapa- iyak nila si Mimi" MJ na umiiyak narin

Naku naman eh!!

" Mama wag ka na pong umiyak, Its not good for the baby" TJ

Simula ng malaman nilang magiging Kuya na sila, masyado na silang naging protective sa akin. Lalo na ang panganay kung si TJ, napapagalitan pa nga ako niyan minsan pag hindi ako kumakain sa tamang oras, baka raw magutom ang kapatid niya...

" Promise hindi na" ako

Kasalan to ng tatay niyong gong gong nakaka-inis argh!!! Madapa ka sana J, madapa ka sana....

" Mommy kailan ang uwi ni Daddy?" tanong ni CJ habang kumakain ng chocolate..

" Malay ko dun" naiinis kung sagot

" Mad kaba kay Didi, Mimi?" MJ

Super duper mad anak, kainis yang tatay niyo..

" No comment" ako sabay subo ng bavarian ko

" Mama wag kang masyadong kumain ng sweets, bawal raw po yan sa baby sabi ni Tita Ninang" TJ

Naman anak eh, ito na nga lang ang nagpapakalma sa akin pagbabawalan mo pa ako

The Triplets Father (EDITING ON GOING)( C O M P L E T E D )Where stories live. Discover now