Chapter 18: Questions

48.9K 1K 89
                                        

Pagka alis na pagaka alis nina J at Han, agad na sumikbo ang kaba sa dibdib ko... Ang mga anak ko, hindi maaring manganib ang mga anak ko...

Tinignan ko ang babaeng nasa tabi ng kama ko na ngayo'y umiiyak din gaya ko..

" Besh wag kanang umiyak, papangit ka sige ka" biro ko sa kanya, wow ang galing... ako lang yata ang nagbibiro na umiiyak, very talented indeed

" Che!! Immortal ang beauty ko, kahit pa lumuha ako ng ilang drum still maganda parin ako" siya

Kahit umiiyak mahangin pa rin...

Teka nga ilang araw na ba akong natutulog dito? Parang namamanhid yata yung buong katawan ko don't tell me na-comatose ako? And one thing parang lumaki yata yung tiyan ko, could it be na buntis ako? O My God!!

" Earth to Bakla!! HOy!!!" Alex at inihilamos niya sa mukha ko yung amoy Mang Tomas niyang kamay

" Bakit?" ako

" Kanina pa ako dada ng dada dito tapos wala naman palang nakikinig, saan ba nagliwaliw yang utak mo ha bakla?" siya

" Nagtataka lang kasi ako besh" ako

" Saan? Kung sa asawa mo at sa fiancee ko hindi ka nag- iisa" siya

" Hindi yun" ako

" E di ano, hoy for your info hindi ako si Madam Auring para manghula" siya

" Na-comatose ba ako? Kung oo ilang araw akong nakaratay dito? At bakit parang feeling ko lumalaki yung tiyan ko? Buntis ba ako? " sunod sunod kung tanong sa kanya

" Teka lang besh ha mahina ang kalaban hinay hinay lang sa pagtatanong" siya

At bigla siyang tumayo at nagpunta sa maliit na kusina dito sa kwarto ko, at bago pa siya bumalik dala yung dalawang bowl na hindi ko alam kung ano ang laman, inilock niya yung pinto..

" Para safe tayo, kahit na mag chikahan pa tayo dito all day long, namiss talaga kita" siya

" Ano yan?" nagtataka kung tanong

" Ito? Manggang hilaw at Mang Tomas try mo besh masarap siya, nakakawala ng stress" siya

What?! Mangga at Mang Tomas? Ang weird ah, sa pagkaka-alala ko hindi ako ganayan ka weird noon nung naglilihi ako, ang tanging sure ako na weird sa lahat ng pinaglihian ko is yung hilaw na mangga tapos idinidip ko sa chocolate. Speaking of Chocolate and mangga parang natatakam ako ah

" Besh may mangga kapa?" ako

" Oo nagpabili ako ng marami kay Ipis kanina" siya

" Pahingi ako" ako

" Besh baka nakakalimutan mong hindi kapa pwede sa mga hard foods, kakagising mo lang bruha, feeling sleeping beauty ka kasi masyado, Isang buwan kaba namang tulog" sunod sunod niyang sabi

" WHAT?! Isang buwan? as in One month? Ano nabang petsa ngayon?" tanong ko

" December 24 at noche buena na mamaya, at pag hindi nakompleto ang pamilya ko ngayong pasko dahil sa baliw na yun ako mismo ang maghahatid sa kanya sa mental" sabi ni Alex na halata mong nanggigigil sa galit

Di ko lubos maisip na magagawa yun ni Xenon, napaka bait niya masyadong tignan, oo nga't malandi siya pero kung sa mukha at kilos niya iba-base para siyang hindi makabasag pinggan... Yun pala ang katotohanan nasa loob lang pala ang kulo niya..

Ang mga anak ko? TJ CJ MJ be safe munchkins sana walang masamang mangyari sa inyu, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung isa sa inyu ang masaktan... Ang kapatid ko, first love niya ang baliw na yun tapos ganito lang pala ang ending nilang dalawa, ginamit lang niya ang kapatid ko para makalapit sa akin, napakasama nila.

The Triplets Father (EDITING ON GOING)( C O M P L E T E D )Where stories live. Discover now