Ang sayo ay sayo. Ang kanya ay kanya. Minsan may mga bagay na akala natin ay nakalaan para satin. Parang isang bata na nakahuli ng isang pakalat kalat na puppy. Iuuwi niya yun para alagaan at mahalin ng sobra sobra. Pero kahit anong pagmamahal ang ibigay niya dun sa aso, hindi parin magiging masaya ang aso sa piling niya... kasi yung asong yon ay pagmamay-ari na ng iba. Walang naging choice yung bata kundi ibalik sa tunay na may-ari yung tuta. Oo, nalungkot siya kasi napamahal na siya sa hayop e. Pero dumating yung panahon na napalitan yung lungkot nung bata ng saya. Alam mo kung bakit? Kasi binili na siya ng parents niya ng sariling alaga.
Moral Lesson? Matuto kang pakawalan ang hindi sayo. Matuto ka lang maghintay. Lahat dumadaan sa sakit at lungkot. Pero darating at darating ang panahong mahahanap mo rin ang para sayo.

YOU ARE READING
Fcw - Rpw Diary
RandomMababasa mo dito ang mga Confessions, experiences, hugot lines, quotes o mga story ng mga op ng mga Fictional Character and Roleplayers. ☺ May mga fanservices din dito pero pili lang. At ibang reasons nila kung bakit sila nag-rp. Bakit hindi mo...