CHAPTER FIVE
"AND we're done for today!" nakangiting sabi ni Crystal Jane pagkasakay nila ng kotse ni Ramses. Katatapos lang nila ihatid ang last order ng home made ice-cream sa isang subdivision sa Pasig para sa araw na iyon.
Isinuot ni Ramses ang susi sa ignition at saka nagsimulang magmaneho. "Nakakapagod 'tong ginagawa mo," kunot-noong sabi nito. "Lagi mo 'tong ginagawa? Nang ikaw lang mag-isa?"
Tumango siya at saka nagkabit ng seatbelt. "This is my personal business kaya ako lang talaga. I drive. I deliver, sometimes the clients can pick up their orders."
"Nagtagal tayo sa kakahanap ng mga address at minsan hindi pa tayo agad napagbubuksan ng pinto. Naghihintay tayo ng matagal katulad kanina." Hindi pa rin natanggal ang kunot sa noo nito. "Dapat kumukuha ka ng ibang taong gagawa ng ganito. Ikaw na gumagawa ng ice cream, ikaw pa naghahatid? And how much you earn from this?"
Tinignan niya ito. "I earn enough to be able to pay for my bills and buy some stuff kapag kailangan ko. Nakakain din ako three times a day. Nabibili ko pa rin ng kumpleto ang mga kailangan ko sa paggawa ng ice-cream."
"How's that even possible?"
Nagkibit-balikat siya. "I live simply. Maybe that's why," sagot niya. Hindi naman kasi masyadong materialistic si Crystal Jane kahit lumaki siya sa yaman. Hindi rin siya gastadora. Marunong siyang humawak ng pera at minsan nagtataka rin siya kung paano niya napagkakasya ang kinikita sa maliit na business niya. Mula nang magtapos siya sa college, hindi na siya humingi ng pera o kahit ano sa mga magulang.
Lumiko ang kotse palabas ng main road. Dahan-dahan lang magmaneho si Ramses-hindi mabilis ngunit hindi rin ganoon kabagal. Parang kalkulado ang bawat kilos nito o sadyang maingat lang ito sa pagmamaneho.
"Paano mo sinasama sa pricing ang service na binibigay mo?" tanong na naman nito.
She smiled. "Why do I need to put a price? Gusto ko naman iyong ginagawa ko," aniya at saka tumingin sa labas ng bintana ng kotse. "When you love what you're doing, wala kang hihinging kapalit."
Hindi ito sumagot. Parang hindi ito sang-ayon sa sinabi niya base sa pagkunot pa rin ng noo nito.
"Ano lang pala ang kasama sa presyo ng ice cream?"
"Iyong ingredients na binibili ko. Well, dinagdagan ko ng kaunti para sa pampa-gas 'ko kapag by delivery. May kaunting tubo rin," sagot niya. "Mabenta naman ang ice cream ko kaya umaapaw ang orders by batch. Ako na nga mismo nag-limit kasi nga kulang ako sa man-power. But still, I was able to accommodate all. May regular clients na rin ako kaya tuluy-tuloy lang ang business."
"Ilang years mo na 'tong ginagawa? Two?"
"Yes."
"Your business is growing. One way or another, hindi na lang ikaw ang gagawa nito."
"Naiisip ko nga rin iyan, eh. Baka someday, puwede akong makapagpatayo ng ice cream parlor. Mag-iipon lang siguro ako ng pang-kapital."
Saktong nag-red light ng napasulyap sa kanya si Ramses. "May nabanggit ka noon sa'kin. Tungkol sa pagtitimpla ng ice cream mo kaya hanggang ngayon ikaw lang ang gumagawa."
"Ah, oo." Tumangu-tango siya. "Nakuwento ko naman na sa'yo dati na sabi sa pamilya namin, ang mga may mabubuting kamay lang daw ang makakahuli sa tamang timpla ng ice cream." She chuckled. "Alam mo dati hindi ako naniniwala. But once, nag-try kaming magpi-pinsan na gumawa ng sarili naming ice cream. Same ingredients. Same procedure. Same flavor. Tapos nang tinikman namin, masarap naman lahat. Pero iyong gawa ko ang pinaka-gusto ng lahat. I don't know why. Tapos sabi nga ni Lola, talagang magsta-stand out ako dahil good girl daw ako."

YOU ARE READING
Selfless Rebound Girlfriend (TOG #2) - Published by PHR
RomanceHanggang saan ang hangganan ng pag-ibig ni Crystal Jane para sa matalik na kaibigang si Ramses? Gaano kalalim para sa lalaking minsan ay ginawa siyang panakip-butas lang? Written ©️ 2014 (Published 2017 by PHR) Book Cover made from Canva Pro