CHAPTER ONE
NILAGAY ni Crystal Jane ang huling gallon ng home-made ice cream sa loob ng horizontal freezer na sadyang pina-install niya sa loob ng kanyang condo unit. Katatapos niya lang gumawa ng five gallons of strawberry ice cream para sa isang pasadyang order.
Pinunasan niya ang pawis sa noo at saka niligpit ang mga ginamit niya sa paggawa ng ice cream.
"Hey, ice cream maker! Can I have a scoop, please?"
Napalingon siya sa at nakita ang pinsang si Lavender. Hindi na siya magtataka kung paano ito nakapasok sa unit niya. Lahat nang pinsan niyang babae ay binigyan niya ng susi ng condo niya para makapasok ang mga ito anytime.
She smiled at her. "Yes you can, Lav. Pero hindi ba makakasira iyan sa figure mo?"
Umupo ito sa tapat ng kitchen counter kung saan siya gumagawa ng ice cream kanina. "A scoop won't hurt. Afterall, it's my cheat day today!" masayang sabi nito. "Lahat puwede kong kainin! Kaya pahingi na ng ice cream, please?" nangingislap pa ang mga mata ng kanyang modelong pinsan.
Siyempre ay hindi naman kayang tanggihan ni Crystal Jane ang simpleng hiling nito. Sa lahat siguro ng modelo, si Lavender lang ang walang pakialam kung masira man ang figure. Ngunit hindi naman tumataba si Lavender. Parang laging sa height napupunta ang kinakain.
Kumuha siya ng paborito nitong cheese-flavored ice cream sa loob ng freezer at saka siya nag-scoop at nilagay sa sugar cone na siya lang rin ang gumawa.
"No photoshoot for today?" tanong niya sabay abot ng ice cream dito.
"Actually, I have one and I got to go," nakangiting sabi nito at saka mabilis na nagpaalam.
Nameywng siya. "So, pumunta ka lang rito for a free ice cream only?" natatawang sabi niya sa pinsan.
"Yes." Natawa na rin ito. "And I'm here to tell you na huwag kang mawawala bukas sa dinner nating magpipinsan. Magagalit si Sapphire." Lumapit ito sa kanya at humalik sa pisngi niya. "Thank you for the free ice cream, Crystal Jane!"
Pagkuwa'y lumabas na ito ng unit niya. Napailing-iling na lang si Crystal Jane. Mukhang pumuslit lang talaga si Lavender mula sa trabaho at hindi nagpaalam sa manager nito. Stressed siguro ang pinsan niyang mas matanda lang sa kanya ng dalawang taon sa trabaho kaya gusto nitong kumain ng ice cream na gawa niya.
Ganoon naman ang mga pinsan niya, kapag masyadong stressed, manghihingi ng ice cream sa kanya. At kahit negosyo niya iyon ay hindi na siya naniningil dahil kung makakatulong ang pagkain ng ice cream niya for free para mawala ang stress ng mga pinsan niya, then she'll gladly give it to them.
Ang recipe ng homemade ice cream niya ay recipe talaga ng mga Monteverde-her mother's side family. Pinasa lang sa kanya dahil, well, siya lang ang matiyaga sa magpipinsan na gumawa ng ice cream. Hindi puwedeng ipaalam sa iba ang recipe kung hindi kapamilya. Kaya siya lang ang nakakaalam niyon and she did a little business three years ago pagkatapos niyang mag-college.
She graduated in De La Salle University with a degree in Business Management. Inaasahan kasi ng mga kamag-anak niya sa mother side niya na tutulong siya sa pinsan niyang si Reeve sa pagpapatakbo ng Monteverde Hotel-another legacy from the family. But she's not really good in working on a company. Lalo na kung mataas pa ang posisyon na ibibigay sa kanya sa Monteverde Hotel.
Hindi ganoon katalino si Crystal Jane katulad nang mga nakakatatandang pinsan. Hindi siya uubra sa ganoong responsibility. Aminado siyang sa lahat ng mga pinsan niya ay siya ang pinakamahina. Ngunit matiyaga naman.
And so she started making ice cream three years ago. A friend told her na magandang gawing small business iyon. Tatanggap lang siya ng orders online. She tried it and it boomed. May mga regular customers na siya ngayon at bawat araw ay dumadami ang mga orders. Kaya may ordering limit na siya dahil wala siyang ibang katulong sa paggawa ng ice cream at cones.

YOU ARE READING
Selfless Rebound Girlfriend (TOG #2) - Published by PHR
RomanceHanggang saan ang hangganan ng pag-ibig ni Crystal Jane para sa matalik na kaibigang si Ramses? Gaano kalalim para sa lalaking minsan ay ginawa siyang panakip-butas lang? Written ©️ 2014 (Published 2017 by PHR) Book Cover made from Canva Pro