Xhieraiixhie
wait, bago ko sagutin yung mga tanong mo e may sarili rin akong tanong. Pag sinagot ko ba yung mga tanong mo hindi na ba ako mamomroblema sa taas ng tuition fee ko sa kolehiyo? Bababa na ba ang presyo ng bigas? Lilipat na ba ang temperatura ng baguio sa manila at lilipat naman ang sa manila sa baguio? Dapat na ba akong magvolunteer papunta sa neptune(para ako ang una)? Bakit ako maganda? Haha jk.
1. Ba't mo pinatulan ang kontes na 'to?
bakit nga ba? Siguro kasi nabasa ko na pantamad ang kontes na ito at dahil dakila rin akong tamad ay sumali rin ako makakita lang ng kapwa tamad.
2. Gaano ba kainit ang summer ngayon sa tingin mo?
siguro kasing hot ko? Uy wag green, may lagnat kasi ako kaya mainit ako.
3. Anong style ng pagsusulat ang sa tingin mo ay meron ka?
ano nga ba? Hindi ko rin alam e. Ikaw nalang mag-isip
5. Ano ba ang kahulugan ng pagiging isang writer na IMBA?
e? May ibig sabihin ba? echoss, siguro kasi imba e baka tipong mapapasigaw ka ng SHIT DOUBLE KILL, IMBA TALAGA SILANG LAHAT SAKIN. nagets mo yung point? Ako hindi ko na gets. Pag naintindihan mo share mo sakin ha!
Bonus Questions:
Ipopromote mo ba ang kalokohang kontes na ito o ang sarili mo?
sarili ko syempre! Bakit ko ippromote sa iba, baka agawan pa nila ako ng tanging pag asa upang sumikat e haha pero pwede ring sa iba gusto mo tawagan ko na ang ABS-CBN at makikontra sa kanila upang gawan kayo ng komersyal?
Ipaliwanag kung bakit walang number 4.
e kasi maganda ako? Haha.
Jusmiyo! Balak ko pa naman sanang magpanggap na nakalimutan ang deadline para hindi ako makapagpasa tapos biglang magiging sponsor. Pero baka naman pwede natin tong daanin sa dayaan, bigyan nalang kita picture ko pambayad haha. Pasensya na po at puro kalokohan ang sagot ko. Naka high po ako e hehe peaceyow!
