Candidate no. 25

55 3 1
                                        


Wild_Flower09



Mula sa kaibuturan ng aking lamang loob, ako'y humihingi ng paumanhin sa hindi pagsagot sa inyong katanungan sa ibinigay ninyong takdang-oras. Ako'y na traffic sa kahabaan ng Edsa at wala pang mahagilap na libreng wi-fi. Umaasang nawa'y inyong tanggapin pa rin ang aking walang kak'wenta-k'wentang kasagutan.


1. Ba't mo pinatulan ang kontes na 'to?


Dahil alam kong marami akong matututunan sa teknik nang pagsusulat mula sa magagaling, magaganda at g'wapong mga hurado at pati na rin sa kalahok sa patimpalak na 'to.


2. Gaano ba kainit ang summer ngayon sa tingin mo?


Kasing hot ko. Kaya sa sobrang hot ko kagaya ng summer pati balat ko toasted na.


3. Anong style ng pagsusulat ang sa tingin mo ay meron ka?


Hindi ko alam kung anong style ng pagsusulat meron ako. Pero naiimpluwesyahan ako sa writing style ng ibang PHR writers.


5. Ano ba ang kahulugan ng pagiging isang writer na IMBA?


Ang pagiging isang writer na IMBA, 'yong tipong gumagapang pa rin kahit saang labanan kahit nauubusan na ng katas ng ballpen.


Bonus Questions:


Ipopromote mo ba ang kalokohang kontes na ito o ang sarili mo?


'Yong totoo, ang kontes na 'to dahil kung ang sarili ko, alam kong kulang pa ang aking kaalaman para i-promote ang sarili ko. Pangalawa, ipropromote ko ang kontes na 'to para na rin sa mga gustong magsulat at gustong matuto sa pagsusulat.


Ipaliwanag kung bakit walang number 4.


Kasi galit ang gumawa ng questions kay no. 4. Si no. 4 ang dahilan kung bakit hindi naniniwala siya naniniewala kay poreber. Kaya naman nag-iisip na siya kung paano gumanti kay no.4 sa pamamagitan ng mga kalahok sa patimpalak.





IMBAviewWhere stories live. Discover now