""""
Simoun-Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay
Isagani-Ang makatang kasintahan ni PaulitaBasilio-Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli
Kabesang Tales-Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle
Tandang Selo-Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo
Ginoong Pasta-Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal
Ben zayb- Ang mamamahayag sa pahayagan
Placido Penitente-Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan
Padre Camorra-Ang mukhang artilyerong pari
Padre Fernandez-Ang paring Dominikong may malayang paninindigan
Padre Florentino-Ang amain ni Isagani
Don Custodio-Ang kilala sa tawag na Buena Tinta
Padre Irene-Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
Juanito Pelaez-Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
Makaraig-Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
Sandoval-Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
Donya Victorina-Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita
Paulita Gomez-Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez
Quiroga-Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas
Juli-Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio
Hermana Bali-Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra
Hermana Penchang-Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli
Ginoong Leeds-Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya
Imuthis-Ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds
