Juan Crisostomo Ibarra
Siya ang anak na binata ni Don Rafael Ibarra ang pinakamayaman sa San Diego. Siya ay nag aral sa Europe.
Don Santiago de los Santos
Siya ay mas kilala sa tawag na Kapitan Tiyago. Isa sa mayayamang mangangalakal sa San Diego. Anak nito si Maria Clara.Maria Clara
Siya ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Anak ni Kapitan Tiyago. At siya rin ang pinakamagandang dilag sa San Diego.Tiya Isabel
Siya ang pinsan ni Kapitan Tiyago na nag alaga kay Maria Clara. Siya ang parang tinuturing na Ina ni Maria Clara.Padre Damaso
Siya ay Paring Franciscano na naging kura-paroko ng San Diego sa loob ng 20 taon.Padre Salvi
Siya ang kurang pumalit kay Padre Damaso. Siya ay may lihim na pagtingin kay Maria Clara.Padre Sibyla
Siya ay Paring Dominico ang kura-paroko ng Binundok.Don Anastacio
Siya ay kilala din sa tawag na Pilisopong Tasyo o Tasyong Baliw. Isa siyang maalam na matanda kaya't nilalapitan siya ng mga tao sa San Diego upang hingan ito ng payo.Kapitan Heneral
Siya ang kumakatawan sa Hari ng Espana. Siya din ang Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas. Naging kaibigan din nito si Ibarra.Tinyente Guevarra
Siya ang Tinyente ng mga Guwardiya Sibil. Siya ang nagtanggol kay Don Rafael Ibarra.Don Filipo
Siya ang Tinyente Mayor ng San Diego. Siya din ang namumuno sa Pista.Alperes
Siya ang pinuno ng Guwardiya Sibil. Asawa nya si Dona Consolacion. Kaagaw sa kapangayarihan ng kura kaya't madalas na nakakaaway ni Padre Salvi.Dona Consolacion
Siya ay dating labanderang naging asawa ng Alperes tinaguriang Paraluman ng mga Guwardiya Sibil. Kinatatakutan ng mga taga San Diego dahil sa kayang itsura at masamang ugali.
Don Tiburcio de Espadana
Siya ang napangasawa ni Dona Victorina. Isang Espanol na pilay na napadpad sa Pilipinas upang maghanap ng kanyang magandang kapalaran. At siya ay nagpapanggap ng isang Doktor.Dona Victorina de Espadana
Siya ang mayamang asawa ni Don Tiburcio de Espadana. Ito ay nagpapanggap na mestisang Espanola.Alfonso Linares
Siya ang kamag anak ng mga de Espadana na galing Europa. Napili ni Padre Damaso na ipakasal ka Maria Clara.Sinang
Siya ang pinaka malapit na kaibigan ni Maria Clara.Lucas
Siya ang kapatid ng taong madilaw na napag utusang pumatay kay Ibarra.Elias
Siya ang isang sawimpalad na magsasakang nagligatas kay Ibarra at tumulong sa kanya upang makilala niya ang kanyang bayan at malaman ang mga suliranin nito.Sisa
Siya ang Ina ng mga batang sakristan na sina Basilio at Crispin. Siya ay isang mapagmahal na Ina.Basilio
Siya ay isang sakristan na panganay na anak ni Sisa.Crispin
Siya ay isa ring sakristan na bunsong anak ni Sisa.
