zherc30

Yung mahirap na part?, yung pag nag'aaway kayo tapos ang hirap ayusin lalo na ldr. Ang hirap na hindi nio macomfort ung isa't isa. At mahirap magpanggap na masaya, na nakangiti sa harap ng iba. Kahit deep inside durog na durog ka at tanging yung yakap nia lang makakapagpabuo ulit sayo. Pero wala sya. At kahit anong iyak mo hindi sya darating para patahanin ka.
          	LDR sucks.

zherc30

Yung mahirap na part?, yung pag nag'aaway kayo tapos ang hirap ayusin lalo na ldr. Ang hirap na hindi nio macomfort ung isa't isa. At mahirap magpanggap na masaya, na nakangiti sa harap ng iba. Kahit deep inside durog na durog ka at tanging yung yakap nia lang makakapagpabuo ulit sayo. Pero wala sya. At kahit anong iyak mo hindi sya darating para patahanin ka.
          LDR sucks.

zherc30

Ano kayang mapapala, 
          Sakit na nman ba at dusa?
          Kung bakit kasi naghalungkat pa,
          Pagdurusa tuloy ang tinamasa.
          
          Hanggang kelan ako aasa,
          Na makalimutan mo na siya,
          Mukhang umaasa lang ako sa wala,
          Dahil lumutin siya'y di mo magawa, 
          
          Larawan niya'y pinakatago'tago,
          Ala'alang bakit iniingatan mo,
          Hindi tuloy alam kung san tutungo,
          Di mawari kung tutuloy o hihinto.
          
          Hanggang kelan ako dapat masaktan?
          Sa hindi mo magandan nakaraan,
          Hanggang kelan paulit ulit na babalikan, 
          Ng isang multo ng iyong nakaraan. 
          
          (TTT______TTT)
          
          

zherc30

Sayo lang ako paulit'ulit at araw araw na maiinlove. <3 Isang taon na pala tayo, di ako maka'get over sa saya, sa lungkot, sa halo'halong emosyon na pinagsamahan natin sa loob ng isang taon.~_~ Salamat sa pagmamahal mo labs. Sobrang saya ko na pinakilala ka sakin ni God. Mahal na mahal kita. 

zherc30

Isang vodka. dalawa, tatlo.. kulang pa para gawing manhid yung puso mo, kulang pa para hindi mo maisip yung dahilan kung bakit nababagot na sya sayo...sa relasyon nyo. there's no such thing as happy ending, happy beginning either dahil sa dami ng komplikasyon. Pare'pareho lang pala sila. In the end, ikaw lang mag'isa. Kung hindi lalamunin ng iba, lalamunin ng makabagong teknolohiya. Baket?, simple lang.. kasi nakakabagot ka na. :( wala na syang makitang espesyal sayo. wala ng bago. Magsasawa din pala. Pare'pareho lang pala talaga kayo. T_T

zherc30

"bago ka pa dumating meron na yun, tanggapin mo na lang na kahit ano gawin mo, hindi nia yun maaalis sa buhay nia" =(
          i really get upset when i see things that shows how u really valued ur f*ckin ex and how u still value him. i know you love me, i just cant accept the fact that u are still keeping things of that bastard. and i dont know, im sure i shud not be hurting but here i am...hurting..T_T

zherc30

Isang taon na rin pala, ngunit hanggang ngayon, kinikilig parin ako pag nakikita ko yung magandang ngiti mo. ^_^ Yan yung isa sa maraming dahilan kung bakit ako nahulog. Yung ngiti mong kumukumpleto ng araw ko twing makikita ko. Yung ngiti mong dahilan ng pagkabog ng dibdib ko. At ayaw na ayaw kong mawala yan sayo, kaya isang taon nrin simula nung pinangako ko sa sarili ko na lagi kitang pangingitiin. Kase mahal na mahal kita. <3 Labs...

zherc30

Naalala mo pa ba dati? Lagi kang may oras sakin, kahit nasa dorm lang ako, nasa company ka, basta nakita mong online ako, tatawag ka agad.  Ang lapit lang natin pero parang LDR ang drama. Bakit ngayon hindi na? 

zherc30

What's on your mind?,

zherc30

madami, at lahat ng yon, dito q nLng sasabihin. Wala naman kasing ibang makakaintindi sakin kundi sarili q lang. Walang ibang makakatanggap sakin, sa kamalian q, sa imperfections q, sa mga bagay na gusto q kundi aq lang. Ako lang din ang hindi magsasawa sa sarili ko. Kaya minsan, mas gusto ko na lang mag'isa. Hindi lahat ng tao sa paligid ko, kaya akong mahalin, yakapin bilang ako.  Nagsasawa din sila. Darating at darating yung oras na magbabago ung pakikitungo nila sayo pag nalaman nila yung totoong ikaw.
Reply

zherc30

Patawarin mo ako sa hindi ko paglapit,
          Papatawarin kita sa hindi mo paglayo.
          Patawarin mo ako sa aking pagbitiw,
          papatawarin kita sa iyong pagkapit.
          patawarin mo ako sa mga sakit,
          papatawarin kita sa iyong pag'ganti.
          patawarin mo ako sa hindi ko paglingon,
          papatawarin kita sa paghabol mo ng tingin.
          patawarin mo ako sa pagtalikod sa mga pangako,
          papatawarin kita sa hindi mo paglimot.
          
          patawad bie.
          patawad dahil mahal kita.
          mahal pa rin kita...
          
          Mahal pa rin kita pero mas mahal ko na siya..
          
          Mahal pa rin kita, pero hindi na katulad ng dati.
          
          Mahal ko na siya, tulad ng pagmamahal ko sayo noon.
          Tulad ng kung paano mo binuo yung kulang sa pagkatao ko.
          Tukad ng pagdagdag mo ng kulay sa bahaghari sa kalangitan.
          Tulad ng kung paano mo pinaghilom ng bawat haplos mo ang bawat sugat ko noon.
          
          Mahal ko siya, na tulad ng pagyakap ng bawat alon ng dagat sa kaniyang dalampasigan.
          Tulad ng kung paanong ayaw kong mawalay sa piling mo noon,
          Tulad ng kung gaano ko kagustong manatili sa init ng yakap mo,
          Tulad ng kagustuhan kong malasing at manahan sa mga halik mo.
          Tulad ng bawat saya na nararamdaman ng puso ko pag nakikita kita.
          
          Mahal ko na siya, at hindi ko na mahanap pa ang daan pabalik sa pagmamahal mo dahil natatabunan na ng pag'ibig niya.
          Kaya nais kong magpaalam na sayo, sa kahapong kaytagal nating pinagsamahan, sa pag'ibig na dating pinagsaluhan, sa sugat na dulot ng pamamaalam, hindi yon biro ngunit kailangan.
          Mahirap man pero hanggang dito na lang. Patawad. Paalam.