
yhoonica
I MISS YOU ALL ♥️ Babalik din ako dito soon. Kailangan ko lang hanapin ang panulat ko ಥ‿ಥ
@yhoonica
6
Works
8
Reading Lists
983
Followers
I MISS YOU ALL ♥️ Babalik din ako dito soon. Kailangan ko lang hanapin ang panulat ko ಥ‿ಥ
I MISS YOU ALL ♥️ Babalik din ako dito soon. Kailangan ko lang hanapin ang panulat ko ಥ‿ಥ
Hi, Yhoonica! Kumusta? My name is Arianne Bitancur, Stellaris15 on Wattpad, and one of the Filipino Wattpad Ambassadors. We're currently working on the next Community Newsletter and hoping if we could interview you as one of our featured writers for the next issue. Here's the link of the Community Newsletter for your reference: https://www.wattpad.com/story/380607993 If you're interested or have any questions, please let me know! Hope to hear from you soon! Thank you!
Wala ngang pasok. Hindi naman makapag basa at makanood ng diretso sa sobrang bagal ng signal. ಥ‿ಥ Keep safe everyone!
SOMEWHERE IN MY PAST 10 IS UP! --- "Magkababata kami ni Kito. Nangako siya sa akin na sasapuhin niya ako kapag nahulog ako pero hinayaan niya lang ako mahulog mag-isa." Iyan yung nakasulat sa kapirasong papel na sobrang nagpadama sa akin ng sakit. That's why, original Tia hate promises. May tampo siya kay Kito dahil sa pagkalimot nito sa promise niyang pagsapo sa kaniya kapag na-fall siya pero hindi niya magawa itong iwasan dahil sa hindi niya kaya itong mawala sa buhay niya. Mas pinili na lang niya isantabi ang nararamdaman niya at ilihim na lang ito para sa friendship nila. Kahit na, sobra na siyang nasasaktan. Binaliktad ko ang kapirasong papel at binasa ang nakasulat pa dito. "Pacentia Delos Reyes, sana sa susunod mong buhay, piliin mo na ang sarili mo. Piliin mo iyong taong mas mahal ka at pipiliin ka araw-araw." --- ENJOY READING! https://www.wattpad.com/story/392355679
SOMEWHERE IN MY PAST 9 IS UP (Actually, yesterday pa po. Nalimutan ko mag-post.) Enjoy reading po! -- Nakangiting lumingon sa akin si Kito. "Ikaw, Tia? Hindi ka ba magre-review?" Sasagot sana ako sa tanong nito pero biglang dumating ang mga humahangos na si Pacita na pumuwesto agad ng upo sa likuran ko. Kasunod nito si Junjun na hinagis agad sa tabi kong upuan ang bag niya. "Nandiyan na si Miss Tapiador!" anunsyo ni Junjun sa buong klase dahilan para magsiayos ito ng upo at bumalik sa mga tama nilang upuan. Itinago din ng mga nagre-review ang hand notes nila. Maski na ang mga suot nilang uniform ay ibinutones nila ng maayos lalo na ang mga lalaking naka-unbutton ang mga white polo. Isa na roon ang kauupo lang na si Junjun sa tabi ko. "Good Morning, IV- Magdeline!" malamig na bati ng kapapasok lang na itsura pa lang muka na talagang terror teacher-- si Miss Tapiador. Nagsitayuan naman agad kami para batiin ito pabalik. "Good Morning, Miss Tapiador!" "Take your seat. Pacentia, lead the prayer before we start to our exam." "P*ta, Ma'am. Si Tia pa talaga pinagdasal mo may sanib iyan," dinig kong bulong ni Cita. https://www.wattpad.com/story/392355679
@ArdServantress grabe, nakakaiyak yung kumanta sila ng MAPA. Nandoon ang papa ni Josh, nanood ng concert forda first time. Nakakaiyak. Sobra. Hahaha.
Miss you, Ate! Pabisita haha. Medyo lumuwag na sched ko huhu. Sana magtuluy-tuloy na. Balik na ako kina Renz at Jennica ngayong June eyyyy. Btw, esbi's concert na whaaah!!!
SOMEWHERE IN MY PAST CHAPTER 8 IS UP! "Kung na-reincarnate sa katauhan mo si Franco, si Junjun kay Moises, si Cindy kay Trisha, si Mela kay Julian, at ako sa katauhan nitong si Pacentia. Ibig sabihin, maaga silang namatay? Hindi sila nakapagtapos ng college man lang?" "Hindi ako namatay, Tia. Nagpalit lang ako ng katauhan at pangalan." "What! You mean, kasing age mo lang Mommy ko?!" "I don't think so. Mag-20 pa lang ako this 1999." "All this time, akala ko magkalapit lang ang edad natin. Akala ko lang pala. Bakit nga ba ako nagulat, first sibling ka nga pala ni Epiales. Immortal ka." "Inampon lang ako ng parents nina Kito at Cindy. Si Epiales talaga ang ama ko. Ang Mommy ko, hindi ko alam kung sino. Sila na ang kinalakihan kong magulang at kapatid." "Kaya pala the man who can't be moved on. It's clear to me now and it makes sense," natatawang aniko. -- ENJOY READING! https://www.wattpad.com/story/392355679
SOMEWHERE IN MY PAST CHAPTER 7 IS UP! --- Crush? Ako may crush? Talaga? Sino? Ano pangalan niya?" Lumapit sa akin si Pacita para i-check ang ulo ko. "Gag* ka, Tia. Napaaway ka ba sa labas? Naumpog ba ang ulo mo?" "No, I'm not--" "Sandali nga! Tatawagin ko lang si Granny para madala ka sa hospital para mapa-ultrasound iyang ulo mo!" Sapaw nito sa kung ano man ang sinasabi ko. Hinawakan ko agad ang braso nito para pigilan siya sa paglabas niya. "Ultrasound?" kunot-noong aniko. "Sa pagkakaalam ko, sa mga infants lang ginagawa ang ultrasound dahil hindi pa completely formed ang skulls nila." "P*tang*na mo, Tia! Umayos ka. Kung pinagtri-trip-an mo lang ako. Tumigil ka na. Hindi na nakakatuwa." "Natatakot ka sa akin? Kasi muka akong white lady? Paano kung sabihin ko sa iyong, kaluluwa lang ako na nandito sa katawang lupa ng kakambal mo? At ang katawang lupa ko ay natutulog sa year 2025." "G*go!" Agaw nito sa braso niyang hawak ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko para harangan siya sa paglabas ng pinto. "Please, nakikiusap ako, kumalma ka. Hindi ako kailangan dalhin sa hospital. Hindi kailangan i-ultrasound ang ulo ko-- I mean ipa-CT scan at hindi naman ako nabagok or whatsoever." "Ewan ko sa'yo, Pacentia. Diyaan ka na nga muna at naaalibadbaran ako sa'yo. Lakas ng amats mo." I just published "Somewhere In My Past 7" of my story "Somewhere In My Past". https://www.wattpad.com/1537777912?utm_source=android&utm_medium=profile&utm_content=share_published&wp_page=create_on_publish&wp_uname=yhoonica
SOMEWHERE IN MY PAST CHAPTER 6 IS UP! Bilang ganti, sinuri ko rin ang kabuuan niya. Nakasuot ito ng pabaliktad na pulang baseball cap. White and black stripe T-shirt na abot hanggang siko ang sleeves at muntikan na maging dress sa sobrang haba. Loose brown pants na nakatupi sa dulo at high-socks na puti. Nagkasabay din kaming napangiwi nang muling magtama ang aming paningin. "Ikaw lang pala, Tia. Akala ko kung sino nang white lady na nakapasok sa bahay natin. Bakit ba kasi nagkaganiyan ang itsura mo?" Hindi ko ito sinagot dahil napako ang aking paningin sa nasa ulunan nitong dalawang elementary diploma na nakasabit sa pader. "Pacita Delos Reyes. Pacentia Delos Reyes," mahinang basa ko sa mga pangalan na nasa dalawang diploma na mayroong picture ng dalawang batang magkamuka. Napanganga na lang ako sa sobrang pagkabigla habang marahan akong humahakbang patungo sa picture frame na nakadikit sa pader. Dalawang teenager na babaeng magkamukha pero parehas silang bihis lalaki. At sa gilid ng frame ay may nakasulat na 'Tia and Cita'. "A-a-ako ba talaga ito? T-totoo ba talaga na nasa past life ako? Na ako si Pacentia Delos Reyes? At sa past life ko mayroon akong kakambal na nagngangalang Pacita?" nahihintakutang aniko sa aking sarili. ENJOY READING.... I just published "Somewhere In My Past 6" of my story "Somewhere In My Past". https://www.wattpad.com/1537777766?utm_source=android&utm_medium=profile&utm_content=share_published&wp_page=create_on_publish&wp_uname=yhoonica
Both you and this user will be prevented from:
Note:
You will still be able to view each other's stories.
Select Reason:
Duration: 2 days
Reason: