wanderpakwan

wanderpakwan

May ibang tao na pag nalamang "writer" ka sa wattpad, iisipin agad nilang 'baduy', 'jeje', 'walang class'. Kapag sinabing 'wattpad', love stories palagi yung unang alam. Ang baba ng tingin nila sa'ting mga writer dito. 
          
          Akala nila puro 'Girl meets boy fairytale' ang ginagawa natin. Oo sige na, aminado akong may mga love stories na akong sinulat pero hindi naman ibig sabihin 'nun ay hanggang dun na lang yung imagination ko.
          
          Maraming magagandang psychological stories sa wattpad. Nakakalungkot lang dahil hindi sila napapansin at napa-publish as a book.
          
          Sa ngayon, huminto na ko sa pagsusulat dito. Inuubos ko na lang yung mga drafts na nagawa ko. Pero gusto ko lang sabihin, to those people who's not a user of wattpad, learn to appreciate written works whether it came from a well-known author or not. Please do not judge wattpad writers.