Hello! Kumusta kayo? Napadpad lang dahil nakakalimutan kong may feed nga pala ako. Madalas kasi, ibabagsak ko lang ang kuwento at dadalaw-dalaw lang for some notifications. Anyway . . .
Una sa lahat, Happy Pride Month! At dahil diyan . . .
- I wrote a wlw story entitled Mga Babaeng Pinagkaitan ng Langit sa Lupa, inspired by a lot of things. Nasa Facebook ang explanation, if you ever follow me there. Reader's discretion is highly advised, though, dahil may dini-discuss dito na taboo topic.
- I'm still updating 181 Days of Madeline Jesty. Tinitingnan ko ang calendar nila, at malapit na ang October kung saan may pinakamaraming mangyayari sa buhay ni Maddie. For those na inaabangan pa rin ito, maraming salamat! Sana, matapos ko 'to bago maubos ang buhangin sa sarili kong hourglass.
Hindi ko rin pala nailagay rito, pero . . .
- I posted a one shot entitled "Bliss." Kung gusto ninyo lang ng cutesy na pahinga na kayang basahin habang pauwi sa bahay or habang naghihintay ng in-order ninyo. Ipinasa ko ito sa isang contest, pero olats haha. Okay lang, win-win pa rin dahil nakapagsulat pa rin ako.
- Tuloy-tuloy pa rin ang updates sa Siya (revamped). Super jeje talaga, I can't hahaha. Daming monologue ni Kyleen na puwede namang alisin. It made me realize talaga na ang laki ng ipinag-mature ko as a writer.
- I extended another novella. From 18k to 50k. Hindi ko alam kung paano ko ito nagagawa hahaha. Pero sana, antabayanan ninyo rin ito. Probably around October? Or November? :D
Ayun lang! Thank you for being here! <3
Magsusulat hanggang kamatayan,
P. X. V.