@mikkieugenio hello fellow manunulat :)
`di mo natatanong, magkasabay tayo noon sa pride lit, sayang nga at hindi nakahabol ang revision sa work mo, nabasa ko sya dito sa WP at maganda sya.
wag ka sanang paghinaan ng loob.
kumpara sa yo, mas hindi ako kilala (nakapag labas na rin ako published works last year)
`di hamak nga na may following ka na, at matagal ka na sa ginagawa mo.
noong nagka-book signing tatatlo lang ang nagpa-sign sa akin (wala pa sa isang kamay LOL) at ang iba pa doon napilitan lang dahil napabili sila ng di oras dahil andoon ako, feeling ko nahiya lang sila sa akin XD
pero alam kong natural lang ito dahil baguhan lang ako, wala pa talagang pangalan, kailangan pang alagaan at ipagsigawan para mas mapansin (kaya lang mahiyain akong tao kaya mahina akong mag-plug ng sarili kong gawa)
pero tuloy pa rin ako sa pagsulat, kahit pa wala halos nagbabasa sa mga storya ko, kasi hilig ko to, pangarap ko talagang maging writer
kahit pa magutom ako dahil walang pera at matagal nang ubos ang one time pay sa storya ko, tuloy pa rin ako, dahil passion ko ito.
tingin ko naman, hilig mo rin magsulat, eto nga, napili pa ang elisi mo, maraming nagandahan sa kanya, pati mismo ang mga tao sa WP.
siguro kailanganmo lang mag pahinga, mag-unravel, huminga para sa parating na taon. besides, sabi nila, magandang pangontra o gamot sa depression ang pagsulat. ilabas mo lang lahat.
dito lang kami ng mga readers mo, maghihintay
goodluck sa atin sa taon na parating! :)