katrynleonor

Part 4 of "A Fangirl's Time Warp" is now published. ❤️
          	
          	Tara. Samahan n'yo akong mag-time travel? :-)
          	
          	https://www.wattpad.com/story/349757763
          	
          	

katrynleonor

Gulatin mo ang readers mo... i-publish mo nang sabay-sabay ang works mo. :D 
          
          Charrr, sorry po sa mga sumabog ang notifications ngayong umaga due to continuous update coming from me. Yesterday, a group of people threatened to mass report my Wattpad account dahil hindi sila sang-ayon sa isang komento ko sa Facebook. As a response, I unpublished ALL of my works to protect those crafts.
          
          Since last night, I've been receiving PMs from my followers asking where are stories. Hindi ko kayo matiis kaya nag-decide na ako na i-publish ulit 'yong mga gawa ko.. and to add excitement, those works which have been staying in my drafts for a long time e ipinublish ko na rin po. Hindi pa man kumpleto sa ngayon kaya nilagyan ko ng [On-hold], pero nawa ay matapos ko rin sa darating na panahon. ^_^
          
          From 34 published works, mayroon na po akong 40 published works sa Wattpad na libre n'yo lang mababasa. :">
          
          Maraming salamat po sa pag-unawa at pasensya na ulit. Enjoy reading po! :)

katrynleonor

Part 3 of "A Fangirl's Time Warp" is now published! 
          
          -----
          Sneak peek:
          
          Nahagip ng kaniyang tingin ang isang cassette tape na may nakasulat na Westlife Self-Titled sa gilid ng kaha. Kinuha niya iyon at muling dinala sa may lamesa kung saan naroon ang isang lumang cassette tape player na gumagana pa naman. 
          
          Isinalang niya ang cassette tape sa player. Hininaan lang niya ang volume, sapat na para marinig niya ang tunog. Nang pindutin niya ang play button ay umupo siya sa tumba-tumba na naroon sabay patong ng DSLR sa kaniyang kandungan.
          
          Nag-umpisa nang lumatag ang melodiya ng kantang My Love sa buong silid. 
          
          An empty street, an empty house
          A hole inside my heart
          
          Unti-unting naramdaman ni Gabrielle ang pagbigat ng talukap ng kaniyang mga mata. Ang huli niyang matandaan ay para bang mas lumalakas at lumilinaw sa pandinig niya ang kantang My Love bago siya tuluyang lamunin ng antok.
          
          https://www.wattpad.com/story/349757763

katrynleonor

Part 2 of "A Fangirl's Time Warp" is now published! 
          
          Idaan natin sa pagsusulat ang mga nakaka-stress na pangyayari. 
          
          -----
          
          SNEAK PEEK:
          
          "So single siya?" tanong niya sa sarili na siya rin ang sumagot. "Malamang. Kasi kung may family siya, eh, iyon ang kasama niya sa picture. Anyways, ano namang pakialam ko roon? Di ba?"
          
          Nagkibit-balikat na lamang siya at ipinagpatuloy na ang panonood ng ibang videos. Tuluyan nang nawala sa isip niya ang pinanood na Westlife fan-edit clip.
          
          https://www.wattpad.com/story/349757763