Hindi ko alam kung anong dapat na nandito sa pahina nang wattpad na 'to kaya kahit ano nalang ilalagay ko.

Hi? Hindi ko parin alam kung anong pangalan nang panulat ko kaya wala akong maipapakilalang pangalan ko. Gumagawa ako nang mga tula, nobela at iba pang maiikling kuwentong mapagtripan ko.

Kung napadaan ka lang dito at trip mong tignan kung anong meron sa mga storya ko e mas ayos 'yon. Hindi ko din alam kung anong genre ang isinusulat ko o kung ano man. Ia-update ko nalang siguro 'to kapag alam ko na.

✎Inconsistent din ako sa mga trip ko sa buhay kaya kung sakali mang tumigil ako sa pagsulat ko dito e sa platapormang 'to e dahil 'yon don. Isa pa, hindi ako 'yong typical na manunulat mo, may sarili akong panulat at siguro ay 'yon ang gagamitin ko throughout this pagsusulat ko. Narito ang ilan sa mga storyang balak kong gawin. (Nakadraft sila dahil hindi ko pa alam at hindi ko pa talaga naayos lahat nang mga shits sa story ko.)

▶ Isa pa pala, asahan 'nyo na maliliit at sobrang ikli lang nang mga chapters na balak kong gawin sa platapormang 'to. Siguro ay pinakakaunti ang sampu at pinakamarami ang labing-limang Kabanata.

◚◛◚◛◚◛◚◛◚◛◚◛◚◛◚◛◚◛◚◛

𝐒𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐡𝐢𝐫𝐚𝐦.
► Nasa draft ko pa 'to at kasalukuyang On-Going at inaayos ko pa ang ilang mga detalye nang storyang 'to.

𝐒𝐨𝐥 𝐚𝐭 𝐋𝐮𝐧𝐚
► Teka nga, bago ko pala ipaglalalagay 'to e ang mga storyang narito e nasa draft ko pa at kasalukuyan kong inaayos. Pero sana kung lalabas man e basahin nyo.

𝐔𝐧𝐭𝐢𝐭𝐥𝐞𝐝
►Etong storya na 'to ang pinagtutuonan ko nang pansin sa ngayon. Wala pa 'tong titulo kumpara sa naunang dalawa pero sisiguraduhin ko na sulit ang oras 'nyo sa pagbabasa nang mga storyang balak kong ilabas sa kasalukuyan.

epbi: wala pa, hindi pa nga ako nakakapaglabas nang storya e.
twitter: ganon den wala pa
ig: wala pa den

Hayaan nyong itanim sa utak nyo na ang bawat storyang gagawin ko ay paghihirapan ko at isang ebolusyon nang pagmamahal ko sa pagsulat.
  • Sa kawalan.
  • JoinedMay 9, 2015


Last Message
itsyoboisergio itsyoboisergio Apr 23, 2019 02:05PM
Hello guys idk if you'll gonna like this story but why not give this a shot? maybe this story is a cliche but i am hopong that you'll stop by :)) https://www.wattpad.com/story/185387151
View all Conversations

Story by Sergio
KUNG SAKALI MAN by itsyoboisergio
KUNG SAKALI MAN
Hindi storya kung paano hinalikan ni Beast si Belle. Hindi storya kung paano hinalikan ng isang Prinsipe si S...
1 Reading List