girllivingtodfullest

hi! try my stories po. Just try one page and let's see what you got.

girllivingtodfullest

Bagong taon. Bagong buhay nga ba?
          Maraming nabago sa'yo ngayong taon. Ang ugali mo, ang pagtrato mo sa kapwa mo, ang pagtingin mo sa sarili mo, ang paniniwala mo, ang kasipagan at katamaran mo, ang prinsipyo mo, at ang itsura mo. Maaring nabawasan ng isang pimple ang mukha mo, o kaya naman nadagdagan. O kaya wala na talaga o kaya naman, wala ng paglalagyan. Maaring tumangkad ka nang bahagya. Maaaring pumuti ka. Maaari ring umitim ka. Maaaring nagpagupit ka. Nagpakulot at nagpa-straight. Pero hindi lang physical. Pati emotional. Maaring hindi mo na siya crush o kaya gusto o kaya naman mahal. Maaring naka-move on kana. O maaaring may inaabangan ka na ngayong bagong taon. O kaya naman, mas mahaba na yung pag-asa mong magiging kayo. Maraming nabago sa'yo. Ngayong bagong taon, panatilihin mo ang lahat ng sa tingin mo ay makakapag-angat sa'yo sa panibagong baitang ng iyong paglalakbay. Iwanan mo na ang lahat ng mga masasamang alaala. Hindi mo na rin naman mababago 'yun. Ikaw lang ang babaguhin n'on kung nagkataon. At hindi pa 'yun makakabuti sa'yo. Kaya ngayon, pwede kang mamili kung anong tatanggalin mo. Pwede ring daliri mo kung gusto mo. O kaya naman sarili mo. Pero joke lang. Ngayon.... magma-mature ka na kaya? Mas magiging mabuti ka na kaya? Mababago na kaya yang mga status mo sa mga social networking sites? Mas magiging matapang ka na kaya? Malalaman natin, sa susunod na bagong taon. Muli, binabati kita! Sabay nating salubungin ng ngiti ang bagong taon. God bless! :')