Teen. Sixteen to be specific. :) Pero nagugulat sila pag nalalaman nila age ko. Di ko alam kung compliment ba yun o hindi e.

Photographer. De joke. Kunwari lang. Gusto kong maging photographer. Mahilig akong magtake ng picture. Hindi po selfie. Yung mga shots na kahit papano papasa sa mata ng mga kaibigan at pamilya ko.

Perfectionist. Nako. Kahit napakaliit na detalye lang yung mali i-cicriticize ko yan. Mareklamo ako. ;) Mabusisi. Gusto ko laging best. Kaso minsan yung best ko hindi pa sapat e. Chos. Ang drama.

Dancer. Pero wala pang grupo. Saka na. Studies muna. Priorities are priorities. :) May oras para sa lahat ng bagay. Wag magmadali.

Lisztomaniac. Music loverrr. Hindi ako makakalagpas ng isang buong araw nang hindi nakikinig sa music. Maski nagrereview o nag-aaral ako nakaplay lang yung music. Actually, mas nakakapagconcentrate ako pag may music. ^^ Di naman ako nag-iisa diba?

Perceived as open, but truly suspicious -The Yearner

Madaldal ako. :D Hindi naman halata sa details na binibigay ko ngayon palang.

Peroo..

Masikreto akong tao. Yung private, private lang talaga. Pag may sinabi kang sikreto sakin asahan mong di ko ipagsasabi.

Palatawa. Yung halakhak ko hanggang kabilang burol dinig. Masiyahin po akong tunay. Madalas na napagkakamalang baliw. Kasi bigla akong may maaalala tas bigla bigla nalang tatawa. Madalas na rin akong nasasabihan na nakawala ba ako sa mental hospital. O naka-inom na ba ako ng gamot ko. Sanay na ako jan kaya don't you worry. ;)

Di po ako bihasa sa pagsusulat ng storya. Pinapangunahan ko na po kayo. :D
  • Philippines
  • JoinedJanuary 17, 2013



Last Message
TheReasonWhyISmile7 TheReasonWhyISmile7 Oct 29, 2013 03:26AM
Ahmm. Notif lang po. Dinelete ko na po yung Promises™ for some reason. Sorry to keep you guys waiting for that. But..... Di ko po kayang ituloy. Medyoo masakit din po kasi. HAHA. Opo. True to life yu...
View all Conversations

Story by Niin B.
Overrated by TheReasonWhyISmile7
Overrated
Set high standards for you to attain higher goals. Yan ang sabi ng mga nakakatanda. Mahirap siyang i-apply. O...
ranking #261 in confused See all rankings